Chapter 36

17.9K 539 237
                                    

["I HOPE you understand me, Exodus. I'm one of the reason kung bakit naaksidente si Gabriel. Habang hindi pa siya gumagaling ay kailangan ko siyang bantayan dito sa ospital."] sabi ni Marilyn kay Exodus sa kabilang linya.

Napailing naman si Exodus kasabay ng kanyang pagbuntong-hininga.

Kargo pa ba ni Marilyn na nagpakalasing at naaksidente ang lalakeng iyon dahil hindi pa pala nito tanggap ang pagkabigo sa pag-ibig ni Marilyn?

"Hanggang kailan mo siya babantayan dyan? May pamilya naman siya para mag-alaga at mag-asikaso sa kanya, ah?" sabi ni Exodus.

["I know but I am the one to blame. He's my friend at sana ay maintindihan niyo naman ako sa ginagawa kong 'to,"] tila pagod na sabi ni Marilyn.

Kakasagot pa lang ni Marilyn sa kanilang magkakapatid ay mukhang mawawalan na ito ng oras para sa kanila.

Ano ba ang pumasok sa kokote ng Gabriel na iyon para bigyan ng kapahamakan ang sarili nito?

Pero ano ang magagawa niya? Kung si Marilyn ang nakiusap ay wala silang magagawa kundi respetuhin ang gusto nito. Hindi talaga sila nagkamali ng babaeng kanilang mamahalin dahil napakabuti nitong tao.

"Naiintindihan ka namin, Marilyn pero 'wag mo kaming kalimutan habang inaalagaan mo 'yang kaibigan mo. Magtext o tumawag ka sa amin kung may kailangan ka." sabi nalang ni Exodus bilang pagsuko.

Tinignan niya ang anim pa niyang mga kapatid na kanina pa tahimik sa pakikinig sa usapan nila ni Marilyn sa naka loudspeaker niyang cellphone.

["Thank you so much, Exodus. After this ay babawi ako sa inyo. I miss you all..."]

Wala na.

Tuluyan nang natunaw ang puso nila dahil sa malamyos at malambing na boses ni Marilyn.

Lahat ng katangian ng babaeng ito ay sinasamba nila. Dinepende na rin nila ang kanilang sarili dito at hindi sila nagsisisi na gawin iyon dahil alam naman nilang may espesyal na nararamdaman si Marilyn para sa kanila.

"Namimiss ka na rin namin. Sana'y gumaling na si Gabriel para makasama ka na namin sa lalong madaling panahon." sabi ni Exodus na ngumiti ng malungkot kahit hindi naman ito nakikita ni Marilyn.

["Marilyn? Pwede bang patulong ako sa paghuhubad ng damit ko?"]

Narinig ni Exodus at ng mga kapatid niya ang boses ni Gabriel sa kabilang linya.

Lahat sila ay nakaramdam ng inis dahil sa request ng lalake kay Marilyn.

Baldado na ba iyon para hindi makapaghubad ng sariling damit?

["S-sige na, Exodus. Tutulungan ko lang si Gabriel na maghubad ng damit niya. Magbibihis na kasi siya. I'll call or text you later."] sabi ni Marilyn na parang nagmamadali na ito.

"Mag-iingat ka. Mahal kita-"

Hindi na naituloy ni Exodus ang sasabihin pa sana niya nang tuluyan nang naputol ang tawag.

Muli siyang napailing at pabagsak na umupo sa sofa sa tabi ni Hakim.

"Hanep na lalakeng 'yon! Kailangan pa ng assistant para maghubad ng damit? Tsk!" nakangisi pero nayayamot na sabi ni Levi.

"Levi, sinabi ni Marilyn na napuruhan ng malala si Gabriel sa nangyaring aksidente sa kanya. Hindi siya makakilos ng maayos kaya siguro'y nagpapatulong siyang maghubad ng damit kay Marilyn." sabi ng mabait na si Israel.

"Hindi ako naniniwala. Sinadya niya talagang bumangga sa poste ang kotse niya para ma-ospital siya at si Marilyn ang mag-alaga sa kanya. Mga karakas niya alam ko na, e!" hindi kumbinsido si Levi sa sinabi ni Israel at may duda ito kay Gabriel.

Marilyn and the Seven MonroeWhere stories live. Discover now