Chapter 14

546 16 9
                                    


Tatin.


"Bayaran mo talent fee ko, gago." Kanina pa hindi matahimik si Luis mula sa bahay nina Zari at hanggang ngayong pasakay na kami sa eroplano. Ilang araw ko 'tong kinulit para lang umuwi na sa La Aldea. Kung makikita ko man sina Kiva roon, at least mayroon akong idadahilan.


"Oo na, umupo ka na," sagot ko.


Habang inaayos ko ang pagkakalagay ng mga maleta naming dalawa ay napansin kong nahihirapan ang babaeng nasa harapan namin sa paglalagay ng sa kanya. Agad kong inabot ang hawak nya at maayos iyong inilagay sa taas.


"Thank you," sabi nya kaya naman napatingin ako.


"Tatin?!" gulat nyang sigaw nang magkatinginan kami. Nanlaki ang mga mata ko at hindi alam kung ano ang sasabihin nang makilala ang babae.


"Cori?" Parang gusto ko na lang kagatin ang dila ko nang banggitin ko iyon. "Saan ka papunta? Trabaho?" Ngumiti sya sa akin at tumango.


"You can say that," sagot nya sabay nagkibit-balikat. "Sa La Aldea ako didiretso. Ikaw ba?"


Napatingin ako kay Luis na nakikinig sa usapan naming dalawa. Bigla syang napatayo at inilahad ang kamay sa kausap ko.


"Hi, I'm Luis! Diba ikaw yung girlfriend ni Race?" Para akong nabulunan at agad na naubo nang marinig iyon. Bahagya kong tinapik-tapik ang dibdib ko at pasimpleng hinampas si Luis sa likod. Ngumiti lang sa kanya si Cori at kinuha ang kamay nito para magpakilala.


Pagkatapos noon ay umupo na kami at nagpahinga sa mga upuan namin. "Anong nangyari sayo, bro? Bakit ka nasamid?" tanong ng katabi ko.


"Gago, ex na ni Race yon!" pabulong kong sabi kahit gusto ko nang isigaw. Napabukas ang bibig nya sa gulat at agad na tinakpan iyon para tumawa.


"Umalis lang ako ng Pilipinas nagbreak na lahat!" Tinitigan ko lang sya na para bang sinasabing hindi ako natutuwa sa kanya. Tumahimik naman sya agad at natulog na sa buong byahe.


"Ladies and gentlemen, we have just landed at Calahan International Airport." Bigla akong napaayos ng upo at para bang nagsimulang magpawis ang mga kamay ko.


"For your safety, please remain seated with your seat belt fastened until the fasten seat belt sign has been switched off. Please refrain from removing any hand-carry items from the overhead bins until the aircraft has come to a full stop, and the cabin door has been opened for you to deplane. On behalf of Prism Airlines, the flight deck, and the cabin crew, we would like to thank you for flying with us. It was a pleasure to have you on board. We hope to see you again soon on one of your future flights. Maraming salamat po!"


Napangiti ako nang matapos iyon. Kinikilabutan talaga ako sa tuwing may maririnig na nagsasalita sa eroplano. Parang dati pangarap ko lang na magtrabaho rito. Hindi man ako pinayagan maging piloto ng mga magulang ko, ang mahalaga napilit ko pa rin namang dito makapagtrabaho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chase and FallWhere stories live. Discover now