Chapter 5

850 47 71
                                    


Kiva.


"Manang, nandyan po ba si Kive sa baba?" Tanong ko habang inaayos ang pinaghigaan. Late na naman akong nagising dahil magdamag kong kausap si Ice, kaibigan ko sa Paris. Model sya sa kumpanyang pinapasukan ko at ang palaging pumupuri sa mga damit na gawa ko.


Tinatanong nya ako kung pwede raw kaya syang sumunod dito. Alam nya kasing nagpaplano akong gumawa ng mga damit at pinipilit nya akong magsimula ng fashion show kapag nakatapos na ako. Kaya lang kung iisipin, mahirap yung proseso. Paniguradong matatagalan ako.


Sinuklay ko na ang buhok ko gamit ang mga daliri at basta na lamang itong paikot na itinali. Wala akong planong puntahan ngayong araw kaya wala rin akong ganang mag-ayos ng sarili. Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina pero hindi ko sila nakitang dalawa.


"Manang?" Tawag ko ulit pagkakuha ng tubig na maiinom. Nagulat na lamang ako nang may biglang sumalubong sa akin na hindi ko inaasahang pupunta rito.


"Good morning," bati nya nang nakangiti. Napabuga ako ng tubig na ininom dahilan para mabasa ang damit na suot nya.


"Ako rin naman talaga magugulat kapag gwapo yung bumungad sa umaga." Kumunot ang noo ko at inis na ipinatong ang basong hawak ko sa mesa. Kakamulat ko pa lang, sira na agad ang araw ko!


"Umuwi ka nga sa inyo! Bakit ka ba nandito!" Nakakapikon! Alam kong galit na ang itsura ko pero nagagawa nya pa rin akong ngitian na para bang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko!


"I want to see Kive," sagot nya.


"I want to see you." Parang biglang tumaas ang dugo ko papunta sa ulo pagkarinig noon. Kalma lang, Kiva... Hindi ka mananakit ngayon.


Huminga ako nang malalim at pilit na hinugot ang lahat ng pasensyang nasa loob ko. "Pwede ba, Tatin!" Sigaw ko. "Sabi ko 'wag ka nang magpapakita 'di ba!" Ito na yata ang pinakakalmadong magagawa ko.


"Kiva, ano bang nangyayari dyan?" Biglang dumating si Manang at lumapit si Tatin sa kanya para yumakap dito. "Manang, inaaway ako oh! Sabi ko lang naman binibisita kita tapos galit na galit na!" Nanlaki ang mga mata ko at ibabato na sana ang pinakamalapit na bagay na nakuha ko nang sawayin ako ni Manang.


"Ano ba kayong dalawa? Para kayong mga bata! Ganyan ba ang gusto nyong makita ni Kive?" Tumingin ako kay Tatin na nakadila at patagong inaasar ako. Inirapan ko lang sya dahilan ng pagtawa nya nang malakas.


"At ikaw Tatin," sabi ni Manang pagkaharap sa kanya. "Tigilan mo na 'yang pang-iinis mo kay Kiva. Makinig ka sa sinasabi nya sayo." Biglang tumingin sa akin si Tatin kaya ako naman ang dumila sa kanya.


"Tama, Manang! Pinapauwi ko na nga eh!" Sabi ko habang inis na inis pa rin.


"Daddy, let's continue playing!" Napasapo ako sa noo ko nang marinig si Kive at makitang hinihila na ang damit ni Tatin.


Chase and FallWhere stories live. Discover now