KABANATA 1

19 2 0
                                    

" Bellatrix?"

" Asan kana ba, anong oras na baka ma late tayo sa school, aba ayokong mapagalitan, unang araw, badshot agad tayo"

Nakakapagtaka na walang lumalabas na tao mula sa gate nila gayong nakabukas ito.
May tao kaya rito? Kadalasan kasi, nasa bakuran na ang ina ni bella na si tita Banshee o kaya naman bubungad sa akin ang kanilang hardinero sapagkat mayroon din silang maliit na lupain sa aming bayan,
San Pablo Laguna.

kailan lang nung nagkakilala kami ni bella, mahiyain siya at tahimik, kung hindi mo kausapin hindi magsasalita, ngunit batid ko ding matalino siya lalo na kapag ang Aralin ay tungkol sa history o Mga Mythical, mapagmasid din siyang tao kaya nasanay din ako na maging mapagmasid.

Kaya kami naging magkasundo sapagkat parehas kaming introvert, hindi mahilig makihalubilo sa iba.

" A-aray, ano ba yan ang sakit ng u-ulo"
Napahinto ako sa pagsasalita noong may pumulot ng mga nahulog kong gamit.

" sa susunod tignan mo dinadaanan mo, hindi yung nakatingin ka sa hawak mong papel, masama yan, masyado kang nakatuon sa isang bagay na hindi mo namamalayang may maaaring masamang mangyari sa'yo, maging mapagmasid ka"

Masakit parin ang ulo ko dahil sa pagkakabanggaan namin kanina,
Kinilabutan ako sa sinabi ng naturang babaeng nasa harapan ko, batid kong kasing edad ko lamang siya, maputi siya, maganda, may hubog na katawan at makinis na balat, ngunit kapag tumingin ka ng direkta sa kanyang mga mata, mawawari mong para itong may delubyong dala, nakakapangilabot ang paraan niya ng pagtingin sa a-kin? O sa hawak kong papel?

" tsss"

Napatingin ako sa kanya nang hinawakan nya ang aking kamay at inilagay ang mga gamit na natapon sa sahig na galing sa sling bag na dala ko, sabay tingin sa akin ng matagal sabay sabing

" keep your eyes and presence not only for one particular object, kailangan hindi lang sa isang bagay nakatuon ang utak o presensya mo dahil sa curiosity mo, d'yan ka mapapahamak, maging mapagmasid ka"

"Tienes curiosidad por el papel que sostienes, no sabes que el periódico que sostienes está llevando un diluvio"

May munting binulong siya na mahina lamang at hindi ko maintindihan, ngunit alam kong ang papel o dyaryo na hawak ko ang tinutukoy nya sapagkat kahit batid kong ibang salita o lengwahe man ang gamit nya, mayroon paring pamilyar na salita ang nabanggit niya ito ang salitang papel.  Lumisan siya at dumeretso sa isang pasilyo papuntang dean office, Ang weird.

Habang pinagmamasdan ko siyang pumasok sa dean office, nakaramdam ako ng munting kaba sa aking dibdib, hindi ko alam kung bakit, ngunit batid kong kakaiba ito.

"Ahhhhhhhhh"

"HAHAHHAHAHAHHA"

"Napakawalangya mo bella!, gusto mo bang atakihin ako sa puso!"

"Nakatulala ka kasi kanina pa,tinatawag kita, nilapitan na kita, hindi parin napupukaw ang utak mo sa iniisip mo"

" Masyado ka kasing matagal, tignan mo 7:15 am na, ang pasok natin 7:30 ng humaga, maglalakad pa tayo at sasakay ng tricycle papuntang canossa college, ma T-traffic na tayo"

" ikaw din may kasalanan hindi ako, kanina kapa nakatulala dyan"

" bakit ba kasi walang lumalabas na tao, ehh nakabukas naman pinto nyo, ikaw lang ba ang tao dito, nasaan ang mama Banshee mo?"

Biglang nag-iba ang awra nya, ang kaninang may munting ngiti sa labi, ngayon ay naging seryoso at matalim ang titig sa akin?

Tumingin siya sa loob ng bahay nila kaya napatingin ako, ni hindi ko napansing mayroong nagwawalis sa bakuran?
Kanina lang wala si tita Banshee dito ahh?

Biglang natuon ang atensyon ni tita Banshee sa amin, una niyang tinignan ang anak nyang si bella ng matalim at medyo matagal, sumunod sa akin, ang kaninang seryoso ay biglang napalitan ng maamo at may ngiti sa labi.

Tila kinabahan ako sapagkat kakaiba ang ngiti na iyon, una pa lang na dinala ako ni bella sa kanila, iba na ang nararamdaman kong bigat sa bahay nila, parang may kakaiba, lalo na sa mama nya na kapag nakikita ako, kung hindi nakangiti, nakatitig ng matalim?, at minsan o kadalasang  may hawak na basong pula.

Hindi ko batid kung coincidence ba yon o hilig lang niya ang pulang baso?

Ngumiti din ako at nagpaalam na kami ni Bellatrix na pinapanood ang aking galaw, tila ba binabasa ang aking isipan.

AUTHORS NOTE: please support and vote for my story, thank you.

Hidden Voice Where stories live. Discover now