KABANATA 5

25 2 0
                                    

Buhat nung nakarating  ako sa aming Naturang upuan na naka assign sa amin ni bella, hindi mawala sa aking isipan ang tingin na kakaiba ng isang babaeng kaedad ko at batid ko rin na magkasing grade level lang kami at batid kong tiga ibang section siya sapagkat base sa kulay ng lace ng I. D nya, iba iba kasi ang kulay Lace ng I. D sa bawat strand.

" mag-iingat ka Delilah"

"Basta makinig ka kay mama mo, mag-ingat ka, huwag kang basta basta magtitiwala, lalo na at hindi mo pa kilala ng lubusan"

Biglang Sumagi sa aking isipan ang mga katagang binitawan ni inay, Batid kong noong sinabi nya sakin ang mga katagang ito ay alam kong ang tinutukoy niyang wag ako basta basta magtitiwala ay si Bellatrix.

Hindi ko alam ngunit simula noong makabunguan ko si bella at makilala, tuwing uuwi ako sa bahay o habang naglalakad sa daan parang laging may nagmamasid sa akin, minsan nahuli ko si bella na sinusundan ako ng palihim kapag pumupunta ako sa comfort room ng school kaya iniiwasan kong magsalita ng kung ano ano kapag ako lamang mag isa.

Hindi ko alam pero may ibang kutob ako sa pagkatao ni bella, lalo na sa mama niya na si tita Banshee, para bang ang mga titig niya sa akin ay may hatid na kalbaryo sa buhay ko.

"Is your section here?, Are you sure? " Turan ng isang magandang guro, hinuha ko ay
nasa  Mid 30's na siya pero ang kanyang ganda ay tunay na natural at walang kupas.

" yes po"

"So why are you late? "

" Hinanap ko pa po kasi yung Room ko, bago lang po kasi ako dito sa Canossa college University, Transferee po ako"

" Okay your Reason is valid, next time agahan mo na lamang ang pasok ng sa ganoon ay hindi ka mahuli sa klase"

Pagpapatuloy niya......

" By The Way, i am Ms. Clarice Accasha, your teacher in history, and you are?" nakataas ang kilay na turan niya.

" Ohh Sorry po, i forgot to introduce my name, by the way, i a'm Delilah  Adlawan, i'm  17 years old, it's nice to see you all.

" You Can Seat Now" Turan ni Ma'am Clarice.

Pumunta ako sa 2nd row ng upuan kung saan wala pang nakaupo, bago ako makaupo nagsalita muli si Ma'am Clarice.

" Bakit ka Late?"

Napahinto ako, Sapagkat nasagot ko na si ma'am Clarice kanina kung bakit ako late, lumingon ulit ako sa kanya at handa ng magsalita ng

" Hindi ba kanina, ikaw ang kauna unahang estudyante na nakaupo sa room na ito?" turan ni ma'am Clarice.

Hindi pala ako ang tinutukoy niya, kundi ang nakabungguan ko kanina  sa quadrangle na makailang lakad lang ay ang dean Office.

Napansin niyang napatingin Ako sa kanya kaya siguro napalingon din siya sa akin at nangunot ang noo nito kaya naupo na lamang ako sa aking upuan, subalit binalik din niya ang tingin kay ma'am clarice noong nagpatuloy ito sa pagsasalita.

" Napadaan ako dito sa room nyo kaya batid kong may maagang pumasok kahit unang araw ng klase at natandaan kong ikaw yon, ngunit ngayon anong oras na at malapit nang mag recess"

" I'm sorry po ma'am, may pumunta lamang po ako sa quadrangle sa kadahilanang may inabot po sa akin si mama, sumunod po kasi siya dito dahil naiwan ko an aking baon, hindi ko na po namalayan ang oras."

" okay i accept your reason, but starting tomorrow kahit na second day palang ng pasukan, agahan nyo ang pasok dahil malalaki na kayo, you are at senior high school, know your Responsibilities and always remembe, please introduce your name first befor answering my questions. "

" Sorry po, By the way, I am Bellatrix Scylla, ma'am? "

" yes, im Clarice Accasha, you can call me miss Clarice, you may know seat "

Nagulat ako na huminto siya sa harap ko at tumingin sa akin, tinitigan nya ko ng bahagya at ngumiti,  sinuklian ko na lamang  ng ngiti, sabay tabi sa upuan ko, diko Inexpect na uupo siya sa tabi ko, gayong madami pa naman na bakanteng upuan.

Nahagip ng mata ko sa labas ng corridor ang babae malapit sa wishing well, nakatingin ito banda sa puno ng Accasha at sabay tingin sa gawi ko. Kinabahan ako at diko mawari kung bakit humigpit ang hawak ko sa I. D ko kung saan nakaipit sa likod nito ang aking napulot na pilas na dyaryo, diko mawari bakit kinuha ko pa ito gayong luma na ito at ang laman nitong sulat ay nakasalin sa ibang lengwahe.

" Miss Delilah! " Malakas na utas ng aming guro sa history.

"P-po?"

"Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka lang dyan" utas ni Ma'am Clarice.

Napatingin siya sa kamay ko kung saan mahigpit na hawak ko ang maliit na bote na ibinigay sa akin ni mama at tinago ko ito sa aking bulsa.

Nangunot ang noo nito at tumingin ng diretso sa mata ko at may namutawi ditong dilim na nakakangilabot.

" ikaw pala."

" A-ano po yun?" tanong ko.

" Ah ang sabi ko, Yung mga gamit nyo pakibigay sa conductor ng bus para malaki ang espasyo sa loob, akin na  ang gamit mo, ako na ang magbibigay"

Ibinigay ko ang gamit o bag ko pero hindi parin siya umaalis,para bang may gusto siyang ibigay ko pa, kinabahan ako.

" Ma'am, ayan na po lahat ng gamit ko" kalmado konh sinabi ung matago ang aking kaba.

"Okay" sabay talikod nito at baba ng bus upang ibigay sa conductor.
Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Bellatrix na ngayon ay nakatingin sa I. D ko.

" A-ahm, andito kana pala" agaw pansin ko dito.  Tumingin ito sa akin at tumugon

" Hmm" maikling tugon nito.

Hindi ko namalayang papaalis na ang bus na inarkila ng paaralan papunta sa Sta. Rosa kung saan nandoon naka locate ang isang museum.

Habang umaandar na ang nasa unahang bus namin ay napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa gate ng school at pinapanood ako, diko batid kung kanina pa siya o ano pero alam kong ang babaeng ito ay ang nakita ko sa malaput sa wishing well ng school. Di ko mawari ang mararamdaman ko pero Namilog ang aking mga mata noong may nakita ako sa likod nito, isang malaking anino ng tao?

AUTHORS NOTE : Please support and vote for my story, Thank you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden Voice Where stories live. Discover now