19 - what happened?

Start from the beginning
                                    

Isang bento box tulad ng Ibibigay sana ni ms. Irene sa akin.

"Kanino po galing 'yan?" Hindi ko alam ang takbo ng dila ko at basta na lang napatanong na kanino galing ang bento box.

"Kanino pa ba, edi sa akin malamang," She uttered with a little bit sarcastic tone. Nagtatanong lang naman, bakit kailangan maging sarcastic.

"A-ah, okay po." Psh! Wala naman akong sinabi na akala ko kay ms. Irene, pero parang ganun na nga.

"Bakit may iba ka pa bang iniisip diyan bukod sa akin?" 

W-wala, wala naman. Ano lang, napaisip lang. Epal kasi eh, biglang sumisiksik sa isip ko.

"W-wala po," I deny while stuttering.

Wala naman talaga! Naalala ko lang 'yung laman ng bento box na ibibigay niya sa akin, mukha kasing masarap kesa oatmeal na ibinigay ngayon sa akin ni miss Dawn.

"Okay, sige na kumain ka na. Gusto mo ba sabayan kita?" She offered which made my head nodded immediately in response.

Ang akward din naman kung ako lang ang kakain, tapos samantalang siya nakatitig lang sa maganda kong mukha.

Crush ata ako neto ni ms. Dawn eh, charot!

We finally left in the library since there are rules that people are not allowed to eat inside. We shifted to the cafeteria and luckily there weren't many people eating right now.

Ilang araw na rin simula noong huling punta ko dito, natatakot akong maglakad mag-isa dahil feel ko may bigla na lang hahatak sa buhok at mananampal bigla.

Trauma also hits me hard, apart from breakdowns every morning and night.

Nakakatakot ang mga tinginan sa akin ng mga taong kumakain ngayon, kaya mas pinili ko na lang hatakin si ms. Dawn papunta sa dulo papalayo sa mga taong matatalas ang masid sa akin.

"Are you okay Samantha?" She worriedly asked. "Gusto mo sa iba na lang tayo kumain? Maaga pa naman, pwede tayong lumabas."

"N-no po ms. Ire- Dawn, I'm okay po. Nagf-flashback lang po lahat ng nangyari sa akin noong nakaraang araw." Muntikan pa nga akong magkamali sa pangalang binigkas ko, mabuti na lang at hindi nagtaka si ms. Dawn kahit papaano.

"Are you sure? Kasi pwede naman tayong lumipat kung gusto mo," Para naman 'tong sirang plaka, oo nga! Paulit-ulit.

"O-opo,"

I sat down in the other seat first, as I gestured her to sit in front of me because she seemed hesitant to sit and eat here in the cafeteria with me.

She immediately prepared the bento box for me. Broccoli, carrots, some pear slices, chicken for protein, and of course the oatmeal are the contents of the box.

Naalala ko tuloy 'yung lugaw na binigay ni ms. Irene sa bento box noon, mas mukhang masarap pa 'yun kesa dito.

"Kain ka na," I came back to my senses when ms. Dawn spoke while eating in front of me.

Para tuloy akong nawalan ng gana nang maalala ko 'yung short moments namin ni ms. Irene dito sa Cafeteria. Kahit may galit siya sa akin noon, still may care pa rin siya for me.

Umaasa talaga ako na may ilalabas pa siyang bait at kabutihang puso kahit may second thought ako, na 'wala na talagang pag-asa.

"Huy! Lalim nang iniisip mo," Panggugulat sa akin ni ms. Dawn. "Sino ba kasi 'yang iniisip mo at bakit parang halos malunod ka na?" She jested that made me laugh a little bit.

Sino pa ba edi 'yung bestfriend niya.

Si ms. Irene

"Wala po, iniisip ko lang 'yung upcoming test namin para sa susunod na darating na araw." I lied emotionless while playing my food with my spoon.

Miss VictoriaWhere stories live. Discover now