Gusto ko ring mag-celebrate ngayon sa success ko kaya, "Sige na nga!" sabi ko sa kanya.

"Uy, libre ba? Sama kami!" Agad kaming napatingin sa likuran namin nang magsalita si Rio. Ni hindi namin namalayan na nakasunod sila sa likod namin.

"Kapag libre ang bilis ng tainga ninyo ano!" ani Seri habang nakapamewang. Saglit na nagtama ang paningin namin ni Cruzel pero agad din akong umiwas. Nginitian ko sina Yijin at Klint, kumpleto na naman silang apat.

"Sige na nga! Sama na kayo," ani ko sa kanila. Agad naman silang naghiyawan. Kapag talaga libre ang bibilis nila.

"Uy, 'yung ngiti ni Yijin abot hanggang langit! Makakasama na naman niya kasi si, Chantal." Agad akong napairap kay Seri.

Needless to say, halos full force na sila na nang-aasar sa 'min ni Yijin ngayon. Isang Linggo na rin, at sa loob ng isang Linggo na 'yon walang araw na kung magkakasama kaming lahat, inaasar nila ako kay Yijin.

Ewan ko ba at bakit biglang gano'n na ang issue!

"Patingin nga ng ngiti Yijin?" pang-aasar ni Rio sa pinsan niya. Natatawa lang naman na umiling si Yijin.

Pumunta muna kaming powder room ni Seri, sumunod naman si Chloe na abala sa pakikipaglaro sa mga bata kanina.

I looked at my reflection on the mirror, maayos ang tulog ko at hydrated ako kaya gustong-gusto ko ang glow ng skin ko. It's another day of my life na gandang-ganda ako sa sarili.

Nag-powder lang ako at naglagay ng liptint para e-refresh ang sarili ko. Sina Chloe at Seri ay gano'n din ang ginagawa habang pinag-uusapan 'yung gwapong nakita nila kanina na taga-ibang district. Katatapos lang kasi ng activity namin, isa iyong training program na tutulongan kami sa budgeting skills namin. I learned a lot, at sobra akong natamaan kasi magastos ako.

Inayos ko ang buhok na naka-half ponytail, ang nakalugay na parte ay malayang nakalagay sa dibdib ko. Sinadya kong kulotin iyon kaya medyo umeksi ang hanggang bewang kong buhok. I'm just wearing a light brown dress with a ruffled sleeves partnered with a black naked heels. Gaya ng sabi ko, galing pa kaming activity kaya naka-formal attire pa kami. Meski ang mga boys ay naka-longsleeve white polo, slacks and tie.

"Tara na?" aya ko sa kanila. May restaurant na 'kong naisip. Mura lang doon pero masarap ang pagkain at nakakabusog.

Sumakay lang kami ng trycycle, bale pito kami ngayon na gagala. Dinner time na rin naman kaya tama lang 'tong kakainan namin.

Sa unli wings ko sila dinala, tuwang-tuwa naman sila. Pagpasok pa lang sa glass door ay agad nang nanuot ang mabangong amoy ng manok sa ilong ko, bigla akong nagutom. Malawak ang lugar na napapalibutan ng glass wall, puros rectangular ang tables na may iba't ibang sukat. Puros orange at puti lang ang naglalaro sa interiors ng restaurant.

Ako na ang nag-order ng food dahil ako naman daw ang manlilibre. Pagbalik ko sa table namin ay hindi ko alam kung nananadya ba sila dahil nasa pagitan nina Yijin at Cruzel ang upuan ko.

"Chantal, d'yan ka na umupo." Si Seri pa talaga ang nangunguna. Tipid akong ngumiti pero sa utak ko ay gusto ko na silang pagsasakalin lalo na't nakita ko ang ngisi ni Rio, halatang nang-aasar.

Wala akong choice at awkward na naupo sa pagitan nila. Sa tapat namin ay sina Seri, Klint, at Chloe. Solo naman si Rio sa isang side.

Nagkatinginan kami ni Yijin kaya tipid akong ngumiti sa kanya.

"Ano 'to family dinner?" natatawang ani Klint. Pang family size kasi ang dami namin.

"Oo, tapos ang parents natin sina Yijin at Chantal. Ayei!" Agad kong sinamaan ng tingin si Chloe. "Mommy, Chantal I want chicken!" parang batang aniya.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon