EXORDIUM

29 1 0
                                    

"Sssttt, Sssttt"

Sino iyon?

"Corre corre, a tu lado estoy aquí,
Corre corre, estoy detrás de ti.
Corre corre dos puertas pero una llave para la vida"

Anong ingay iyon?
Saan nanggagaling ang ingay? Bakit ibang lengwahe ang aking naririnig?

At bakit sa paglapit ko sa hardin, Tila palakas ng palakas ang Tinig. Ngunit bakit parang hindi mismo galing ang tinig sa hardin?

Napakatahimik ng buong Hardin na Nilalakaran ni Delilah, sa paglalakad niya ay napunta siya sa dulo ng bahagi ng taniman
At sa dulo nito, mayroon siyang natanaw na tila maliit na himpilan ng bantay, nakapagtataka na ang himpilan ng bantay ay may mga harang na kahoy at nakapako ito, katabi nito ang balon ng tubig na tila may mga bakas ng dugo at ang hugis nito ay hugis ng kamay ng tao?

Lalapitan na niya sana siya ang naturang balon dahil tila may kakaibang amoy na nakaakibat dito, ngunit sa paglapit nya ay may narinig na naman siyang kakaibang tinig

"Ven, deja que mi alma viva de nuevo Tu vida es a cambio, A cambio de mi vida"

Napahinto siya sa takot, lumakas ang hangin at dumilim ang kalangitan na tila may hatid itong kaakibat na bagyo.

"Ahhh" Napasigaw siya ng biglang kumulog ang kalangitan

Handa na siyang tumakbo ng mayroon siyang narinig na kaluskos.
Di niya alam kung ano iyon, basta ang alam niya sa oras na iyon ay palakas ng palakas ang Tunog ng kaluskos,
Parang namagnet ang kanyang paa sa taniman sapagkat di nya maigalaw ang kanyang paa dahil sa matinding takot at tibok ng kanyang puso.

Patuloy sa pagkulog ang kalangitan ngunit mahina na ito kumpara sa naunang kulog, nang humuhuma ang kulog duon niya ginalaw ang kanyang mga paa upang tumakba patungo sa himpilan ng bantay

"Ahhhhhhhh" Muntik na si Delilah madulas ng mayroong kamay na humablot sa kanyang braso, ramdam nito ang hingal ng nilalang na ito, natatakot siyang imulat ang kanyang mga mata upang mahinuha kung sino ito.

"Delilah, Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, Ang aking batid ikaw ay nasa loob ng mansyon"

Nakahinga siya ng malalim ng minulat niya ang kanyang mata at bumungad sa kanyang harapan ang kanyang kaibigan na si Bellatrix

"Hayyyss ikaw lang pala, akala ko kung sino na ang nilalang na humablot sa aking braso, muntik nakong atakihin sa'yo Bellatrix"

" Kanina pa kasi kita hinahanap, andito ka lang pala"

" Namangha lang ako sa Lawak ng taniman nyo, Ang ganda pang pagmasdan ng tanawin, Ayun lamang, bakit ganito ang itsura ng himpilan ng bantay, bakit andaming harang, at bakit may bakas ng dugo sa balon?" " Mayroon din akong masangsang na Naaamoy."

"Ahhh yung Balon, may bakas ng dugo dyan kasi si manang Nelie ang minsang nagkakatay ng mga baboy o manok na ginagawa naming ulam, yung himpilan naman kaya maraming kahoy na nakaharang sapagkat ginawa ng imbakan"

Bakit ang dilim ng kanyang mga mata, iba ang awra niya ngayon, bakit ang bigat sa pakiramdam, Habang Ako ay nagsasalita kanina napansin kong matiim itong nakatitig sa'kin na tila ba binabasa nito kung talaga bang wala akong ginawang iba o kung mayroon ba akong natuklasan mula dito, para bang kung titignan mo si Bellatrix ay may lihim ito?

"Solo un poco de tiempo, el pasado será enterrado, el alma revivirá, solo sigue viniendo a él."

Mayroon muli akong narinig na tinig mula sa balon, ngunit nagpanggap akong walang narinig sapagkat mayroong pumasok na ideya sa aking isip, sana hindi ito totoo, at kaya hindi rin ako nagpahalatang may narinig kanina ko pang batid na mayroong tinatagong lihim si Bellatrix at kanina pa siya nakatitig sa akin. Naglakad nalamang ako pabalik ng mansyon kasunod si Bellatrix na kanina pa tahimik.

Authors Note: please support and vote  for my story, thank you.

Hidden Voice Where stories live. Discover now