45

8.3K 158 32
                                    

A/N: Wala munang English English sa Pov. Ni Kairo HAHAHA na uumay ako eh🥴

~~~~~

PART 2: Ashe, Brother?

SOMEONE Point Of View.

SOMEONE Point of View.

"Mission A Complished Allyson."Ngumisi ako nang nakita ko pa si Kairo sa Rear View mirror nang truck, Tumatakbo upang habolin ang Sinasakyan ko, Kawawa naman.

Tumawa naman si Ma'am Allyson sa Kabilang linya."Good job Mercy."Sabi nito."Hindi ko alam na tanga din pala si Kairo, Kawawa naman paniwalang paniwala sa Acting ko. Oras na para malaman niya ang totoo."Mahina naman itong Tumawa bago pinatay ang linya.

Ako naman ay napangiti nang hindi na matanaw si kairo.

Gusto ko talagang iligpit yan si Ashe kaya nakipagkasundo ako kay Allyson, Kaya ayon, Wala na ang kinaiinisan kung babae, O Liam Ako angpapalit sa Pwesto ni Ashe, Oras na para mapansin mo ako.

KAIRO point Of View

I Love you ashe...Forgive me.

Ito na ata ang parusa sa akin, Lahat nang yun ay Bumalik sa akin, Mas masakit, Lahat nang sakit nang Damdamin ay napunta sa akin.

Narealize ko na Siya talaga ang mahal ko at hindi si Allyson, Tang ina bakit ba ganito ang nangyayare sa akin? Bakit ba nahulog ako sa Babaeng yun na Never ko naman minahal? Kinain ko lang ang sinabi ko.

Napaluhod ako sa gitna nang daan at sinuntok suntok ko yun, dahil hindi ko na nahabol kung sino yun, Tang ina Planadong planado talaga.

Nagsisisi ako.

Dapat hindi ko sinabi ang mga salitang yun, Hindi sana mangyayare ito.

It's my Fault.

Karma is A real.

Napatayo na ako at Nilingon ko ang madilim paligid upang hanapin ang katawan ni Ashe, napatakbo ako Sa Damuhan upang doon hanapin, kitang kita ko talaga kung gaano kalakas ang pagkatilapon niya.

Luhaan akong Hinawi hawi ang malalaking damo, Nagbabasakali na mahanap ko siya.

"KUYA!"

"KAIRO!"

Napatingin ako kila Liam at Ezequiel na tumatakbong papalapit sa akin.

Fuck.

Napatigil naman ako at walang Buhay akong Tumingin sa kanila.

"Kuya Anong nangyare bakit wala si Ashe sa Kwarto niya?" Hinihingal na sabi nito nang makalapit dito.

"Anong mangyare? Bakit nandito ka sa damuhan? At saan si Ashe?"

Napayuko ako sa mga tanong nila, Hindi ko magawang makapagsalita, Para akong Pipi dito.

"Bakit? Nasaan si Ashe? Anong nangyare?" Galit na galit si Liam kaya Kwinelyohan niya ako, I deserve This. Galit na galit ang mata nito bahagya gumalaw din ang panga nito, Ano mang oras ay masusuntok niya ako.

Lumapit Si Ezequiel Upang hawakan si Liam."Walang magagawa ang galit Mo liam Tumigil ka na."Ani nito pero hindi ito nakinig. Isang malakas na suntok ang natanggap ko kaya napaupo ako Sa damuhan pero hindi ako Lumaban, Isang Suntok na naman kaya tuloyan na ako napahiga.

Pero ang pang tatlo ay Napigilan na siya ni Ezequiel.

"Tama na Liam ano ba!" Inilayo niya si Liam at Lumapit sa akin upang alalayang patayo, Pinunasan ko naman ang gilid nang labi ko gamit ang likod nang aking palad, Isinukbit naman ni Ezequiel ang Isang braso ko sa Leeg niya."Now Kairo nasaan si Ashe? Bakit hindi mo siya kasama? Narinig ko kayong dalawa na nag sisigawan sa Kusina kanina."Muling sabi nito habang inaalalayan niya akong i-ahon sa damuhan.

Napabuntong hininga naman ako, Nagtagpo naman ang Mata namin ni liam na galit ang kanyang Mata at mabilis ang kanyang paghinga, Tila nagpipigil itong Huwag akong sugurin, Napapikit naman ako nang humapdi ang gilid nang labi ko kung saan Sinuntok kanina ni Liam, Fuck.

"W-wala siya Hindi Ko mahanap..."I said.

"Linawin mo kuya ano yung Buong nangyare?" Muling sigaw ni liam.

"Hey Liam Calm down...hintayin mo siyang Mag salita." Sabat naman ni Ezequiel na siyang umaalalay sa akin. Humiwalay naman ako dito, Binangasan lang naman ako hindi naman ako pinilayan."Dumudugo pa yang kamao mo Ano bang pinag-gagagawa mo?"

Hindi ako makapag salita dahil sa Dami nang tanong nitong dalawang ito.

Muling nanumbalik sa aking isipan ang huling sinabi ni Ashe.

Hindi ako nagsising mahalin siya, ang pinagsisihan ko lang ang nagkagusto ako kay Allyson. Sobra ko siyang nasaktan.

Ngayon alam ko na kung gano kadali manakit, Pero ang hirap palang masaktan, I feel her Pain.

"Sinuntok ko ang daan dahil may Hinahabol ang naka truck na hindi ko nahabol..."Mahinang sabi ko, Sigurado naman nang Maririnig nila yun dahil sa tahimik ang paligid, Tanging Ihip nang malamig na hangin at ang mga dahon nang mga puno na nagsasayawan dahil sa Hangin.

Napailing iling naman silang dalawa, Lumapit nang kaunti si Liam sa Pwesto ko."Kuya may nangyare ba sa kanya?" Mahinahong sabi nito.

Napatingin naman ako kay Ezequiel na nakatingin din sa gawi namin  at nag aabang din nang kasagutan.

Dahan dahan akong Tumango.

Napaatras naman ito habang umiiling iling, Kasabay nun ang pag buhos nang kanyang luha."No...No...No...Ku-kuya...Buntis Siya, Kuya Buntis siya! A-anong nangyare sa kanya?"

Tila Tumigil ang Mundo ko sa Narinig ko, Buntis siya...Ako ang ama...Biglang bumigat ang paghinga ko sa Narinig ko, No...Kasalanan ko ang lahat nang ito, Kasalanan ko!

"N-nasagasaan siya nang truck, Hinabol ko si Ashe palabas nang mansyon, P-pero..."Pumiyok ako At Suminghot."P-pero Nakalabas na siya nang G-gate Sakto namang may Dumaang Truck Kaya T-tumilapon ito..."Napahikbi na ako nang mahina, habang Pabulong ako humihingi nang tawad, Kahit huli na.

Tuloyan nang Napaupo si Liam sa Gitna nang kalsada, Si Ezequiel naman ay Mabilis ang paghinga ito at masama ang tingin sa akin.

"K-kuya, Hindi lang Si Allyson ang Stress noon, Pati din si Ashe k-kuya, Bakit mo siya hina-hayaang siyang masaktan habang Tinatanaw niya kayong dalawa ni Ate Allyson, Nasasaktan siya kaya Hindi niya maiwasang Maistress, S-sa Tuwing nasasaktan S-siya Sa akin siya Lumalapit ako ang nagpapatulog sa kanya...Kaya kung ubosin lahat nang laman nang Card ko para lang sa gamot niya at sa pagpapa-Check Up niya, Ako ang Gumagawa lahat nang dapat ikaw ang gumawa nun...Pero....,Napatigil ito sa pagsasalita, Napalunok ito at Pinahidan ang luhaang mata nito."M-masaya ka na kay Ate Allyson Kuya...Kaya ako ang Tumayong bilang ama...mas pinili niyang hindi sabihin sayo na buntis siya dahil ayaw niyang ipagsiksikan ang Sarili niya Sayo, Sa inyong dalawa..."

putang ina!

Tumakbo na ako pabalik sa Mansyon Dahil hindi ko na kayang pakinggan ang Kini-kwento niya, Ang lahat nang yun ay Hindi ko kayang pakinggan, Kaya pala palaging mugto ang mga mata ni Ashe tuwing gigising siya.

Tang ina kairo ang laki nang kasalanan mo sa Babaeng mahal mo. Pinagpalit ko siya.

Kailangan kung makausap si Allyson, Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa Matanaw ko ang Gate nang mansyon. Ngunit napatigil ako sa pagtakbo nang nakita ko si Aeschylous Na nakasandal sa kanyang itim na sasakyan, Chill lang itong naksandal habang nakatanaw sa Mansyon ko.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya.

"What's Up..."Madilim ang mukha nito at umayos nang tayo. Ngayon ko lang napansin ang pagkahawig nila Ashe. Magkamukha sila.

"What Do you want Professor Aeschylous?" Walang buhay na sabi ko.

"Nahanap ko na ang katawan ni Ashe idiot!" Biglang Lumiwanag ang mukha ko, Akmang Bubuksan ko na ang Backseat nang kotse niya nang pingilan niya ako."Hindi ko sasabihin kung nasaan siya dahil hindi mo naman kayang mahalin ang Si ashe kaya."Ngumisi ito At nagkibit balikat."Binabawi ko na ang kapatid ko sayo!"

To Be Continued...

 KAIRO SEBASTIAN RONSOM: Fuck Me Harder Uncle [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon