Chapter 34

20.4K 627 180
                                    

PAGKAUWI nila Marilyn at ng pitong magkakapatid na Monroe sa kanilang bahay ay puno ng katahimikan ang atmosphere nila.

Gustong magsalita ni Marilyn pero dahil sa matinding kalasingan niya at sa pagsakit ng ulo ay hindi niya magawang kausapin ng maayos ang mga Monroe na halata pa rin ang selos at galit sa mga mukha nila.

Si Archie ay kaagad isinugod sa ospital dahil bugbog sarado ito kina Abraham at Levi. Kung hindi pa nga ito naawat nina Exodus at Diego ay baka natuluyan na si Archie at hindi na iyon sisikatan pa ng araw.

Grabe magalit sina Abraham at Levi at ngayon ay natatakot talaga si Marilyn na harapin ang mga ito.

Nakita lang naman siya na nakikipaghalikan kay Archie at hindi niya rin alam kung bakit niya ito hinalikan pabalik.

"Uminom ka muna nito, Marilyn." ani Katelyn na binigyan si Marilyn ng isang tasang kape.

"Salamat, Ate Katelyn." humihikbi namang sabi ni Marilyn at sumimsim sa hawak niyang tasa ng kape.

"Sumama si Genesis sa presinto para kasuhan ang Archie na 'yon dahil sa ginawa niya sa'yo. Nakita raw ni Gael 'yung drugs sa lamesa nila Archie na baka ipinainom sa'yo." Katelyn said na ikinahinto naman ni Marilyn.

So, kaya pala bigla nalang nag-init ang pakiramdam niya nun at hinalikan niya pabalik si Archie ay dahil may ipinainom pala ito sa kanya. Iyong beer niya na baka hinaluan nito ng droga.

"A-Ate Katelyn, I swear I don't want to kiss Archie, but my body is urging me to. Nakita 'yon ng magkakapatid at alam kong nasaktan sila sa nagawa ko." Marilyn sobbed.

"Ssshh. It's not your fault, Marilyn. Talagang baliw lang ang lalakeng 'yon para balak kang pagsamantalahan at baka kaya mo siya hinalikan pabalik ay epekto 'yon ng drugs na ipinainom niya sa'yo. Maiintindihan ka rin ng mga boylets mo kapag na-explain mo na ang side mo sa kanila." Katelyn hugged her at niyakap rin niya ito pabalik.

"Thank you, Ate. Ahm, where's Euzon po pala?" Marilyn asked nang huminto na siya sa pag-iyak.

"About that, bigla nalang raw kasi siyang tinawagan ng Dad niya at sinabing umuwi na sa kanila dahil may tatapusin pa raw silang trabaho sa kompanya nila. Ang sabi ko nga ay magpaalam muna sa'yo bago umalis but he said na nagmamadali siya at babawi nalang siya sa'yo pag-uwi natin sa Maynila." sabi ni Katelyn.

May tampuhan at alitan man sila ni Euzon ay hindi niya talaga kayang magalit nang matagal dito.

Euzon's headache is one of the reasons why she has the impression that there is something in him that she is unable to obtain.

Kailangan niyang alamin ang dahilan kung bakit panay ang pagsakit ng ulo ni Euzon. Kung may inililihim man ito sa kanya ay gusto niyang malaman kung ano iyon.

Nang mahimasmasan na si Marilyn at nawala na rin ang kaunting kalasingan at pananakit ng ulo niya ay kaagad na siyang dumiretso sa loob ng tinutuluyan niyang kwarto.

Napabuntong-hininga nalang siya nang maupo siya sa kanyang kama.

Nasaktan siya nang malaman na si Abraham pala ang lalakeng nang hold-up sa kanya noong gabing napadpad siya sa San Lorenzo at nasaktan niya rin ito nang makitang hinahalikan niya pabalik si Archie.

They are both hurt and find fault with one another. Kung hindi lang rin sana siya sumama sa bahay nila Archie ay hindi siya mapapahamak ngayon.

Itinulog nalang ni Marilyn ang sakit na nararamdaman niya at sana'y maging maayos na rin sila ng magkakapatid na Monroe na boyfriend na niya sa paggising niya.

Kinabukasan ay tinanghali na siyang nagising. 9 am na rin nang makabangon siya sa kama niya. Lumabas siya sa loob ng kwarto niya at naabutan sa dining area ang magkakapatid na Monroe na kumakain ng tanghalian.

Marilyn and the Seven Monroe (Published under GSM Bookshop)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora