Gabi nanaman. Kasalukuyang nasa labas nang bahay si Ken kasama si Manong henry, nag uusap sila. Lalake sa lalake.
"Ikaw ba mahal mo yang babae nayan?" Tanong ni Mang henry kay Ken. Hindi naman maka tingin nang deretso si Ken kay Manong henry. Dahil kahit hindi naman nya sabihin, halata na ang sagot sa tanong nang matandang ito.
"Eh bakit parang di mo sya gusto?" Tanong naman nang matanda. Nahalata siguro nito na wala namang balak sagutin ni Ken ang una nyang tanong kaya nag tanong ulit sya.
Subalit katulad nang na una. Hindi nanaman ito sinagot ni ken. Naka tingin lang si ken sa malayo na para bang ang lalim nang iniisip.
Maya maya pa ay sumagot na si Ken sa tanong nang matandang ito. "Oho papa henry! Mahal ko si mae! Mahal na mahal! .. natatakot lang ako mahalin sya dahil .. dahil .. may taning na ang buhay nya .. alam kong iiwan rin nya ako .. at ayaw kong mangyari nanaman yun sakin .. ayaw ko nang maranasan ang mga naranasan ko noon papa henry!" Paiyak nang sabi ni ken. Na halata namang pinipigil nitong tumulo ang mga luha nya.
Napa hawak sa dibdib ang matanda. "Dyosmiyo .. si Mae? .. may taning na ang buhay nang batang yun?" Nasa boses nang matanda ang kaawaan at ang ka dismayahan. Nakakaawa dahil may sakit si Mae. Nakaka dismaya dahil kung nag kataon maagang mamamatay si Mae.
Hinawakan nang matanda si Ken sa Likod. At hinimas himas ito para mapanatag si Ken non na nag iiiyak na. "Ano ba ang naransan mo noon? Bakit parang takot na takot kang mag mahal nang katulad ni mae na may taning na ang buhay?" Tanong nang matanda kay Ken. Hindi naman naka pag salita si Ken. Natameme ito. Tinatanong nya sa sarili na kung tama bang sabihin nya kay manong henry ang kanyang naka raan? Kung bakit ayaw nyang mag mahal nang babaeng may taning na ang buhay. Tama bang sabihin nya sa matandang ito. Ang ilang taong itinago nya? Na hanggang ngayon pinag sisisihan nya.
Tumingin sya sa mga mata nang matanda. "Minsan na akong nag mahal nang katulad ni Mae! Ang tanga tanga ko lang non kasi .. inuna ko ang takot ko imbis na unawain ang problema nya .. iniwan ko sya nun .. nung mga oras na nag aagawa buhay na sya .. kaya hanggang ngayon inuusig parin ako nang konsensya ko .. kaya hanggang ngayon .. takot ako mag mahal nang taong mamamatay na!" Hindi na napigilan ni Ken ang kanyang mga luha kaya naman para itong gripong umagos sa kanyang mga mata.
Natulala naman ang matanda sa sinabi sa kanya ni Ken. Hindi nya kasi akalain na may ganto kabigat na pinag daraanan si Ken. "kaya mo sya nilalayuan dahil sa sakit nya?" Tanong nang matanda kay ken. Agad namang tumango si ken na ang ibig sabihin ay Oo.
"Mahal mo sya diba?" Tanong ulit nang matanda. Subalit tanging tango lang nanaman ang isinagot ni ken.
"Ganon naman pala eh .. bakit ka natatakot? .. iho kasi pag nag mamahal ka? Dapat tanggap mo kung ano at sino yung taong mahal mo .. kahit pa mamamatay na ito .. bakit? Mag kikita pa naman kayo ha? Sa langit! .. mag kakasama pa kayo sa langit!" Seryosong sabi nang matanda. Napatingin naman si Ken sa matanda sa mga sinabi nito.
Naisip bigla ni Ken na tama ang matanda. Na bakit nya kaylangang matakot? Eh kahit naman na mamatay si Mae ay mag kikita parin naman sila. Mauuna lang naman si Mae.
Kaya naman natauhan si ken. Naisip nya na wala naman talaga syang dapat ikatakot.
Kaya naman simula nang marinig ni Ken ang mga salitang yun sa matanda ay natauhan sya. Hindi na nya nilalayuan si Mae. Mas lalo silang naging malapit sa isa't isa. Natutuwa naman si mang henry dahil napupuno nang kasiyahan ang kanyang tahanan.
Mag iisang buwan na sila Ken sa bahay ni Mang henry. At natatakot si Ken na baka sumumpong na ang sakit ni mae. Buwan buwan kasi nasulpot ang sakit ni Mae.
Pinag handaan na nga ito ni Ken. Kumuha na ito nang mga gamot na iinumin ni Mae. Syempre nang hingi rin sya nang payo sa nanay ni Mae.
"Hello Ma'am" tanong ni Ken sa kabilang linya.
"Oh ken .. kamusta? Kamusta ang anak ko?" Tuwang tuwa na tanong nang nanay ni Mae.
"Ayos lang ho .. ayos lang ho kami rito ni Mae .. masaya po sya wag po kayong mag alala" Pag papanatag nang loob ni Ken sa mama ni mae.
"Ganon ba? .. salamat ken huh? .. maraming maraming salamat sa iyo! .. oh eh bakit kanga pala napatawag? .. may problema ba?" Tanong nang mama ni mae.
"Ah wala .. wala po tita! ... mang hihingi lang po ako sa inyo nang payo kung paanong gagawin ko pag sinumpong si Mae nang sakit nya?" Tanong ni Ken.
"Painumin mo lang sa kanya yung gamot nya .. dalawa yun .. three times a day .. tapos iturok mo sa braso nya yung injection dyan!" Mahinahon na sabi nanag nanay ni Mae.
"Ganon po ba? .. oh sige salamat po!"
"Wait .. wait lang ken .. patawad huh? Dahil sa kagustuhan kong sumaya naman kahit papaano ang anak ko .. yung pag aaral mo naman ang napa bayaan mo! .. pinag hahahanap kana nga nang mga pulis ken .. Pinapahanap ka nang ate mo .. nag aalala sya sayo! .. at syempre galit na galit rin kasi pinabayaan mo ang pag aaral mo!" Malungkot na sabi nang nanay ni Mae.
Biglang naalala ni Ken ang ate nya. Matagal sya bago makasagot. "Hayaan nyo na po yun tita! .. balang araw maiintindihan rin nya!"
At doon na nga nag tapos ang usapan nang dalawa. Pumara na si Ken nang tricycle. Nasa palengke kasi sya ngayon namimili bang kanilang makakain.
Habang nasa tricycle, ay tahimik si Ken. Iniisip kasi nito ang ate nya. Naaawa sya rito. Pero huli na ang lahat eh. Nagawa na nya! Walang nang atrasan to. Minsan lang naman sya gumawa nang tama sa buhay nya eh, at ito yun. Alam nyang balang araw pag nalaman na nang ate nya ang dahilan kung bakit sya lumayas? Ay sigurado syang maiintindihan sya nito.
YOU ARE READING
Wind In Window (ON GOING)
Teen FictionLahat tayo may karapatang mag mahal at mahalin. Pero paano kung ayaw kang mahalin nang taong mahal mo dahil sa sakit na unti unting nag papahina sayo? All Right Reserved®2015
