"Mendoza, Samantha Louise?" Patanong na saad ng isang lalaki na nasa kaliwang harapan ko.

"A-ako nga, bakit?"

"Sumama ka sa amin at pinapatawag ka ng Headmaster sa opisina niya,"

Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo sa takot nang palagitnaan nila akong dalawa at sabihin na pinapatawag na ako ng Headmaster.

"Teka lang!" Hasik ni Kiefer, "Bakit niyo naman siya kailangan gitgitin diyan, natatakot si Samantha oh!"

"Wala kang pakialam, bumalik ka sa classroom mo at gawin ang pinagawa sainyo!" The man huskily ordered to him. Kinunutan naman siya ni Kiefer ng noo, kaya hinawakan ko siya kaagad sa dibdib para senyasan, na 'wag ng patulan.

"Kiefer, bumalik na kayo sa mga room niyo at kaya ko na 'to," Kiefer just nodded as a response to what I said.

Pinilit ko na maging matatag para sa kanila kahit na ang totoo ay nanghihina na talaga ako nang sobra sobra sa takot. Gusto ko ng bumitaw sa mga paa ko, na 'wag na lang tumuloy sa office na 'yun.

Tumalikod na ako at sumunod sa dalawang maskuladong lalaki na inutusan akong pumunta sa headmaster's room. Nang makarating kami sa tapat ng pintuan, pinagbuksan nila ako ng pintuan at bumungad sa akin ang mga matatalas nilang paningin.

Headmaster gestured me to sit in the chair where I was facing Darlyne and ms. Irene who was behind her while rubbing Darlyne's back to comfort her.

"So, can I hear each side of the two of you, na bakit kayo nag-away sa loob ng University natin?" The Headmaster asked formally.

Para akong nasa principal office, na mabuti pa ang kaharap ko ay may karamay siya sa oras ng kalungkutan at takot.

"P-papakinggan niyo ho ba ako k-kapag naglabas ako ng side ko?" I managed to stop my voice from cracking even though the truth is that I've been really crashed since a while ago.

Narinig ko naman na pumitik ang dila ni ms. Irene, kaya napatingin ako sa kan'ya at nakita ko na masama na ang tingin niya sa akin.

"I want ms. Mendoza to be expelled from this University, right now." Walang pakundangang giit ni ms. Irene na ikinagulat ko ng sobra.

Hindi naman pwede 'yun, may pangarap pa ako sa buhay, kaya hindi madaling matanggal ako dito sa University na 'to.

"M-ms. Irene, h-hindi niyo naman po pwede gawin 'yan.. Nag-aaral po ako para sa pamilya ko, hindi po madali ang kinikita nila sa ang araw-araw. Please po, 'wag niyo naman po akong tanggalin." Pagmamakaawa ko sa kan'ya na baka kinabukasan ay magbago ang isip niya.

"I don't care!" She exclaimed, "Hindi ko 'to ginagawa para sa sarili ko Mendoza, ginagawa ko 'to para sa ikakatahimik ng paaralang ito."

Kapag ba nawala ako tatahimik na talaga itong paaralan na ito? Hindi ba dapat si Darlyne na lang..

"Ms. I-irene, alam ko po na malaki ang galit niyo sa akin.. Pero huwag niyo naman po idamay ang kinabukasan ko para sa pamilya ko dito." Tears started to come out of my eyes and my sobs got louder as I spoke.

"Kung hindi ka lang gumawa nang kahihiyan sa buhay mo at sa paaralang ito Samantha Mendoza, hindi mo sana matatamasa ang pagmamakaawa sa akin!" Singhal niya sa akin na ikinayuko ko habang humihikbi.

"Ngayon kami ang nadadamay sa kagagawan mo, tapos nagpapalabas ka pa ng hindi kaaya-ayang kwento tungkol sa amin para mapansin ka ng lahat, nahihibang ka na ba!?"

Kung alam mo lang sana ms. Irene, na malaki ang ibinaliktad na kwento ng kinakampihan mong babae.

"A-alam ko po na hindi niyo p-pa ako ganun ka kilala, pero ms. Irene m-maniwala 'man kayo o sa h-hindi, hindi ko po kayang mangdamay ng ibang tao para magpapansin, h-hindi ko po ugali ang pumatol at mang-away.."

Miss VictoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon