beginning

2 0 0
                                    


LUAN'S POV

SHIT na malagkit! Late na talaga ako! Mamaya pag uwi ko, itatapon na talaga kitang alarm clock ka! Haizt ah! Papasok pa lang ako sa loob ng hotel, uuwi na agad?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SHIT na malagkit! Late na talaga ako! Mamaya pag uwi ko, itatapon na talaga kitang alarm clock ka! Haizt ah! Papasok pa lang ako sa loob ng hotel, uuwi na agad?

Binati ko muna ang dalawang manong guard sa intrance ng samaniego hotel. Saka ako dumiritso sa locker area.

" Oy babae! Hindi ka yata late ngayon?"  Sarcastic na sabi ni nelly sa akin ng naabutan ko siya kakapalit lang niya ng uniform. Pwes, dalawa pala kami ngayon!.

" Bakit, ikaw hindi ba?" Irap ko sa kanya at tumuloy na ako sa cr para magpalit ng uniform..

" Hahaha, Hindi kasi ako sanay na makita kang late. Ngayon lang ata,girl"  sabi niya habang nasa loob pa ako.

" Kasalanan yon ng alarm clock ko. Itatapon ko talaga yon mamaya pag uwi, panira ng kinabukasan"

" Ay, kinabukasan talaga? Nang dahil sa alarm clock masisira talaga ang kinabukasan mo. Drama nito" sabi niya.
" Bilisan mo dyan, dahil napkamalas talaga ng araw natin ngayon dahil nandyan na ang anak ng boss natin galing Norway at sa pagkakaalam ko ngayon lang siya daw yung papalit muna kay boss Frederick, uuwi ata ng norway si boss"  mahabang litanya ni nelly. Kaya napalabas agad ako.

" Totoo? As in dito na talaga siya?"  Gusto kong makasiguro eh.

" Oo, sabi ng mga kasamahan natin kanina. Wait, bakit parang nagulat ka yata? Kilala mo ba ang anak ni boss?"  Curious na tanong niya.

" Hmmm, ano kasi,,, schoolmates ko siya noong 3rd year high school ako."  Magkaklasi kami sa isang private school noon, noong maypera pa si mama, na pagmamay ari ng samaniego..

" Talaga? Sabi kasi mas matagal sa atin dito, bachelor daw yun hot and handsome at womaniser daw."

" Ewan ko wala naman akong alam tungkol sa kanya. Hindi ko na nga naalala yung mukha niya ang alam ko lang anak siya ni boss." Pagsisinungaling ko ang totoo kasi niyan ay,, ah basta hindi ko muna ikukwento sa ngayon .

" Oh, ano ba yan, mag chichikahan na lang ba kayo dito? Late na nga kayo, eh!"  Sermon sa amin ng head. Si miss kathy lazaro ng bigla itong pumasok dito sa loob.. Napaka strikta sa pagdating sa trabaho namin dito.

" Sorry po"  sabay  naming sabi.

" Sumunod kayo sa akin sa 27th floors, darating ngayon si sir Clarence at dito didiritso sa hotel. At ukupado niya ang last floor. Kaya doon kayo mag lilinis habang hindi pa siya dumating."  Sabay kaming tumango ni nelly at sumunod kay miss lazaro.
.
.
.
.
.
.
.
.
" Wow"   sabay kaming napa wow ni nelly ng bumungad sa amin ang loob ng penthouse..
Ang laki talaga gray and blue yung paint ng wall. At may chandelier rin, apat na kwarto,may kitchen area, may dining area may gym may at may sariling pool. At tanaw mo talaga ang buong syudad.

" Sige na magsimula na kayo, kailangan matapos nyo hanggang hapon ang paglilinis nyo dahil dadating si sir ng 8pm. Kaya dapat tapos na kayo" ay!! Sa ganito lalaki ay matatapos namin na dalawa ni nelly ito? Grabe siya, ha! Parang the flash lang kami nito?

" Miss, subrang laki po ng pad na 'to, kami lang ba ang maglilinis dito? Baka hanggang bukas pa kami makatapos. Dagdagan mo kami ng makakasama dito kung gusto nyong  matapos namin ito hanggang hapon." Basta sa ganito ang sitwasyon papalag talaga ako. Hello? Nakita kaya niya na subrang lapad dito!?

" Okay, papupuntahin ko dito sina, carlo, jade at tommy dito. Sige aalis na ako. Ayusin nyo ang paglilinis at kailangan walang mababasag sa mga gamit dito. Dahil kung meron man, deduction sa salary nyo"   sabi niya at sabay walkout sa harapan namin ni nelly. Si nelly naman humiga pa sa couch.

"Ang lambot ang sarap matulog, hahayyy." Ha? Inaantok talaga siya?

" Bumangon ka nga dyan at mag umpisa na tayo. Baka balikan tayo ng miss lazaro sermon na naman yon."  Palo ko sa kanya ng walis.

" Ang lambot kasi ng couch, girl. Pano pa kaya kung sariling kama na ni Clarence? Subrang lambot siguro yon."  Bamangon siya at napansin kong pumasok siya sa isang kwarto kaya sinundan ko siya.

" Hoy, dito tayo magsisimula?"  Tanong ko habang sumunod sa kanya. Pero sabay kaming napa shit ng bumungad sa amin ang loob ng kwarto or master bedroom siguro..

" Grabe, ha! Ang daming painting na puro nudes! At siya ba ang nag paint nito? At bakit puro ganito? Mga babaing naka hubad talaga? Pero, grabe din ang trip niya puro walang mukha."   Tugon ni nelly at naka tanga kami sa wall. At alam kong si Clarence ang may gawa nito.. mahilig siyang mag paint noon.

" Anong klasing lalaki ba siya? mahilig sa mga sexy o mahilig sa sex?"

" Dios ko marimar! Bibig mo nelly!"  Saway ko sa  kanya.

" Bakit, nagsasabi Lang naman ako kung ano yung nakikita ko dito sa loob ng kwarto niya. Grabe siya ha! Ganito talaga?"  Turo niya sa isang paint na hubad talaga ang babae tapos yung mukha niya hindi patapos at sinuri ko ang painting. The girl in my high school days.
Sino? High school days talaga?  Siguro nagmahal siya noon kaya niya ito Pinipaint. Pero bakit hindi tapos?..

" Mag umpisa na tayo, oi. Baka abutin tayo nito hanggang one week."  Sabi ko na lang at naunang lumabas ng kwarto.

" Wait, may napansin ka ba sa paint na ito?"  Turo ni nelly sa isang paint na naka school uniform. Wala siyang kulay  pero basi sa nakikita ko naka school uniform talaga ang babae at may dala itong libro pero naka side view Siya.

" Hmm, studyante?"  Kuminto ko.

" Familiar kasi yung pagka side view niya. Hindi ko lang ma explain kong sino."

" Baka, siya yung babae sa isang paint na may naka lagay na the girl in my high school days. Baka girlfriend niya."

" Sure ka bang hindi mo kabisado si Clarence? Sabi mo kasi kanina school mates mo, siya"

" Oo,,, at baka girlfriend niya yang nasa painting."   Sabi ko na lang..

" Okay, sabi mo eh. Halika na  baka sa sala na sila."  Sabi niya at nauna pa siyang lumabas sa akin.
Bago ako lumabas binalingan ko yung isang painting na naka school uniform..

Bakit, parang ako yung nasa painting?

Ano na kaya ang hitsura niya ngayon? Sana hindi mo ko mamukhaan CLARENCE DREW SAMANIEGO

Oopsey Daisy Where stories live. Discover now