Bigla kasing tumunog 'yon sa lamesa kaya chineck ko agad.

Hindi naman nagagalit si mommy sa ganoong bagay. Kaya malaya kong nabasa ang text message ni Vinn.

Vinn's text message:

Kumain ka na?

Text reply ko sa kaniya:

Nag-papa fall ka ba?

Agad naman siyang nag-reply ng:

Sus matagal ka naman ng na-fall sa'kin :D

Reply ko:

Oo na.

Reply niya:

So kumain ka na nga?

Reply kong muli:

Yes we we're eating pa, ikaw ba kumain ka na?

Sumagot naman siya ng oo, at pagkatapos non ay itinabi ko muna ang phone ko para tapusin ang pagkain ko.

Nang nasa kwarto na ko ay doon ko na lang ulit chineck ang new text message sa'kin ni Vinn.

Bigla kong naalala na malapit na nga pala ang exam namin. Bukas na bukas sisimulan ko nang mag-review. Gusto kong makakuha ng mataas na grade para matuwa si mommy.

~*~

Gabi, simoy ng hanging pang-gabi ang sumalubong sa akin. Nasa labas ako ngayon ng bahay namin. Hinihintay ko si Vinn, pupuntahan niya raw ako.

Ilang minuto lang lumipas at natanaw ko na siya. Binati niya ako at hinila ang kamay ko.

Dala dala niya ang bike niya nang makarating siya sa'min.

"Tara angkas kita sa likod Celine." pag-aaya niya.

"Ah s-sige." naeexcite kong sabi.

"Humawak ka ng mabuti ah baka mahulog ka lalo sa'kin, i mean mahulog ka sa kalsada." natatawa niyang sabi.

Hinampas ko na lang siya sa braso at tinago ang kilig ko.

Nasa playground na kami ng subdivision namin. Wala ng ka tao tao roon dahil medyo late na.

"Gusto mo bang mag-laro tayo?" inginuso pa ni Vinn ang playground.

"Sure, bababa na ako." sagot ko.

Tumango naman siya ng maraming beses.

Pumunta ako sa swing at sinimulang pa-andarin ito. Tumabi naman sa'kin si Vinn sa kabilang swing at nakatitig sa'kin.

"You know, napakaganda mo talaga Celine." nakangiti niyang sambit.

"Ganon ba? thank you." nahihiya kong sambit.

Ewan pero bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya.

"Yes i think hindi ka aware don." nag-wink pa siya sa akin.

Lalo akong pinapa-fall ng gagang 'to.

Kaya magpapahulog na lang ako tutal sasaluhin niya naman ako.

Nakita kong umalis siya sa pagkaka-upo sa swing at pumunta sa likuran ko.

"Itutulak na lang kita."

Sinimulan na nga niyang itulak ang swing na kinauupuan ko. Medyo malakas iyon at ang sarap sa feeling. Lalo akong nakaramdam ng lamig.

Habang iniswing niya ako, narinig ko siyang nagsimulang kumanta.

Minamasdan kita, nang hindi mo alam.
Pinapangarap ko na ikaw ay akin.

Wish We Never MetWhere stories live. Discover now