CHAPTER 12

12 4 3
                                    

KAINAN ni nanay,at makita mungang ito'y dinadayo ng mga amerikano at hapon.Hindi ko akalaing mahilig sila kumain ng filipino dishes.

Hindi mo kasi malalaman kong hindi mo nakita sa sarili mong mga mata.Madaming amerikano ang kumain dito kadalasan naman ay mga pinoy.

Ang moderno'ng ginamit ng kanilang retauran ay purong kahoy lamang makikita mo sa paligid ang pagkalinis nito.Makikita mo rin sa kesama ang malaking chandelier.

Malalaman mo talagang bago lang na-renovate itong restauran,ang mga upuan naman ay purong kahoy may nakalagay naman doong flat na unan para hindi mananakit ang pwet mo sa pag-upo.

Grabe ang ingay rin at iba't ibang lenggauwe nalang ang maririnig mo.Di ko rin akalaing nakatayu parin pala ako sa hamba ng pinto kaya napatingin ako sa haponesse na nagsasalita.

"Excuse me,miss."whoaa!!marunong din silang mag-ingles.

"Huh?"lutang lang talaga ako.

"I said excuse me."singhal nito sakin,kaya napakurap ako at napa-usog sa kanan para makadaan siya."Baka!"huling sabi nito.

"Anong baka? Hayop yun samin eh."bulong ko sa sarili ko.

"Ali,anong ginawa niya sayo."napatingin ako kay Adeson dahil sa pag-alala nito."Naghanap lang ako ng upuan may kasangga kana."hindi ko pinansen ang sinabi nito dahil gulong-gulong pa talaga ko sa salitang Baka.

Baka?baka mahulog ka sa tae ng baka?!

"Ano bayang salitang,Baka?tanong ko sa kaniya at napakunot noo naman itong tumingin sakin.

"Sino bayun?"---Adeson.

"Isa yung hapon."kunot noo kuring sabi dito.''Ano ba meaning ng salitang,Baka."

Huminga pa muna ito ng malalim bago."Baka in english is Idiot,he said your Idiot."bumalatay naman ang galit sa aking kamay.Parang gusto kong sumampal ng hapon.

"Anak ng,anong idiot?!"galit kong singhal dito.Nasa kaniya ko naata nabuntong ang galit.

"Gagong hapon yun ahh!"dugtong kupa.

"Ayst,tara na kakain na tayo mag-gagabi narin ohh."nagpatiusad naman ako sa kaniya dahil di ko talaga mapigilang maalala yung kanina.

And you know what is worse problem for me,yung kaharap mo ng lamesa ang hapon na kulang sa dugo.Jusko! Gusto kong sugurin ito,pero wag na baka masira kupa ang business meeting nila.May anghel paring kumapit sa katawan ko.

"Kumain ka nalang,Ali,wag munayang pansinin."sabi ni Jake sakin.Pero hindi kulang ito pinansin tinignan ko talaga ang hapong masayang nakipag-usap sa business meeting niya.

"Gago'ng hapon yun ahh!"napanguso naman ako at dahilan matawa silang dalawa ng mahina.

"Muka'ng kang pato sa pag-nguso mo."natatawang sabi ni Matcheng,Jake.

"Muka ka namang unggoy sa pagtawa mo."boshh,natatawa ako sa naging reaksyon nito dahil bigla nalang itong natigilan.

"Ikaw pato!"

"Ikaw unggoy."

"Pato...pato..pato..patoooo...patooo!!"

"Unggoy...unggoy...ungoyy.guy...guyy..guyy!"

Natigilan nalang kami sa pagbabangayan namin ng merong nagsalita.

"Sitegil na kayo,pinagtinginan na tayo ohh!"nilibut naman namin ang paningin at tumpak! Pinagtinginan nanga kami.

Pinagpatuloy naman namin ang pag-kakain kaya hindi narin kami nagbangayang dalawa ni Jake.

Magaan ang loob kong nakasama silang dalawa kahit nong firts in-counter namin ay ni isa walang nag-sasalita.Maliban nalang sa madal-dal na kaibigan ko.

Puro tawanan nalang namin ang naririnig sa aming lamesa hindi kuna pinansin ang lahat kong,pinagtinginan lang ba nila kami or hindi.

Napahinto ako sa pagtawa dahil para sakin namamalik-mata lang ba ako?Sa daming restuaran dito pa talaga?

Bumalik ang ala-alang masakit na binigay niya,ang saya niyang kumain kasama ang kaniyang pamilya.Ito ang pangarap ko e,ito yung pangarap na hanggang pangarap lang talaga.

Gusto kong lapitan siya sa tagal na iniwan niya kami ni Mama,at ito siya ang saya masaya naman kami kasi may bago na si Mama at yun ang aking tinuturing na pangawalang Ama.

Napatingin ako sa batang bumingis-ngis na kumakain ang ganda niya.Pariho kami ng mata.

Mata?
Pariho kami ng Mata?
May kapatid ako sa ibang babae niya?
Hindi ko gustong paniwalaan ang aking iniisip,kaya kong walang kasiguradohan dapa't hindi mangbintang.

Gusto kong umiyak sa natuklasan ko ngayong hapon.

"Ali,are you okay?"napatingin ako sa kaharap kong kanina pa palang nakatingin sakin.

"Masama lang paki-randam ko."pag-sisinungaling ko dito."Mauuna nalang ako sa inyo."tatayo na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Ihahatid na kita."___Adeson.

"Ahh,wag na naabala kupa pag-kain niyo."nginitian ko nalang ito ng pilit.

Hindi ko nalang hinintay ang kanyang sasabihin dahil tumayo na ako.Dahil sa okupado kong pag-iisip hindi ko namalayan nakabangga pala ako ng bata.

"Are you okay?"i asked.

"Yes,po masakit lang ang pwet ko."pinagpagpagan ko muna ang kaniyang damit bago ko inangat ang aking tingin at siya yung bata kanina.

"I-im sorry."nauutal kong sabi.Tumango naman ito kaya iniwan kuna doon ang batang inosenteng nakatingin sakin.

Naiyak nalang ako sa ganitong setuasyon ko.Gusto kong umalis sa lugar kong saan makalimutan ko ang nakaraan.

Ang saya namin noon eh.Naalala ko naman ang sinabi niya pero ano'ng ginawa niya sa mos-mos kong bata noon sinaktan at pinaniwala niya sa kasinungalingan.

"Alison."napatingin ako kay Papa ng tawagin niya ako.

Naglalaro kasi ako ng aking mga barbie doll.Lumapit ako sa kanya at pinilupot ang aking braso sa kanyang leeg.

"Magtatrabaho muna si Papa sa malayo anak."nakangiting sabi nito.

"Iiwan muba kami?"inosente kong tanong sa kaniya."Pwede mo naman kaming isama eh."

"Hindi kasi pwede anak eh."

"Pero bakit? Bakit papa."

"Babalik rin naman si Papa,at kapag makaipon ang papa isasama ko kayo ni Mama."kahit ganon tumango nalang ako sa kaniya.

Ilang buwan ang lumipas walang ni isang tawag at anino ni Papa ang nakita ko.Kaya simula noon kinamumuhian ko na siya sa aking batang pag-iisip.

Ang bilis ko ring naging matured.Dahil don.

Napaangat ang aking muka sa maaliwalas na kalangitan.

"Gusto ko pong maging masaya."napaiyak nalang ako sa aking sinambit sa kalangitan.

Pumara ako ng taxi dahil gusto kunang magpahinga.Ang saya kupa sana kanina eh.

Pagkarating ko palang sa boarding ni Nanay Lenda,humiga na ako dahil para sakin ang bigat ng kalooban ko ngayong araw.

Kong pwede lang sanang mamahinga at mawala panandalian ginawa kuna.Pero hindi ko hawak ang mundo at oras kahit gustuhin kunang mawala.

At makasama ang taong nasalangit na.

I miss you.

______________________________
More secret come out naba?

CHUBBY YOU(UNDER EDITING AND STILL ON GOING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu