3

26 1 1
                                    

Walang pasok si Hein sa isang subject niya dahil hindi pumasok ang prof niya kaya bumalik siya sa cafeteria.

"Hi"

Napalingun siya sa nagsalita. "Oh wala ka bang klase rin?" Tanung ni Hein kay Rafa.

"Meron naman, tinamad lang ako pumasok. Asan punta mo cafeteria ka?" Tanung ni Rafa na nakisabay sa paglakad ni Hein.

"Oo, ikaw?" Balik tanung niya sa lalaki.

"Pareho tayo" sagut ni Rafa. Pagkarating nila sa cafeteria agad umorder si Rafa at sinalihan narin niya si Hein.

"So how's your day? Your school?" Tanung ni Rafa sa kanya. Umupo sila malapit sa may bintana.

"Okay lang kahit mahirap" tipid na sagut ni Hein.

"Kanina ka pa namin hinanap Rafael andito ka lang pala"

Napaangat ng tingin si Hein sa nagsalita.

"Ops' sorry kung nadisturbo namin ang date niyo"  sabay taas ng isang kamay at umatras. Napakunot noo si Hein sa narinig niya.

Kumuha ng isang upuan si Zain at umupo sa tabi ni Hein.  "Feeling close? Ni hindi nga namamansin"   sabi ni Hein sa isip niya.

"Wala ka bang klase Zain? Tanung ni Rafael na kumain ng popcorn dala ni Rodolf.

"Inaantok ako sa klase" sagut ni Zain. Si Hein naman tahimik lang nakikinig sa pinag usapan ng limang lalaki sa gilid niya. Pero ang mga mata na nasa paligid niya parang nilalapa na siya nito sa subrang mga galit.

"Flirt" sabi ng isang babae.

"Sabihin niyo, nagpapansin sa boys" dagdag ng isang girl na makapal ang make up sa mukha.

"Hi boys"

Lumapit ang isang girl na makapal ang make up rin, blonde ang buhok pero hindi bagay sa balat niya.

Si Zain tahimik lang na nakikinig. "Yes?"  Sagut ni Adrian.

"Bakit dito kayo boys, madaming upuan doon na bakante?" Tanung ng babae.

Nagkatinginan ang lima dahil alam na nila.

"Thank you nalang mis-"

"Louis ang pangalan ko, and you?"

Napayuko si Rafael at napangiti sa ginawa ng babae. Tumayo na sana si Hein ng bigla siya hinila ni Zain paupo ulit sa upoan niya.

"Adrian" tipid na sagut ng isang lalaki. Pagkatapos nauna na lumabas si Hein sa kanila ng sinundan siya nila ni Louis.

Ng maabutan niya si Hein bigla niya hinila ang buhok ni Hein ng malakas.

"Ang landi landi mo, hindi ka pa ba nakuntento sa lalaki mo? Pati ba naman ang mga crush namin pinagdiskitahan mo?" 

Bigla tinanggal ni Hein ang kamay ni Louis.

"Anu yung sinabi mo Louisa? Ako malandi? Bakit sino ba inagaw ko sayo? Wala naman akong inagaw sayo ah sa pagkakaalam ko. At wala akong kasalanan sayo!"

"Ah sila Zain? Bakit? Nauna pa kami nagkakilala kaysa sayo! Naiintindihan mo? Hindi ka pa dumating magkakilala kami. Now kung ayaw mong ipahiya kita dito tigilan moko sa pagbibintang mo na walang kwenta! Naiintindihan mo Louisa?!"

Saka nauna na naglakad si Hein kay Louis. Napatigil si Louis.

"Arrrgggghhhh" sigaw niya.

Sila Zain nakatingin lang sa pangyayari na yun.

Dumiretso si Hein sa may garden likod ng school nila at umiyak ng tahimik. Bumuntung hininga muna siya.

"Okay ka lang? Nakita namin kanina ang nangyayari"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let Me Love You [ Zain♡Hein ]Where stories live. Discover now