Chapter 6

15K 654 251
                                    

GEORGINA

Mabilis ang naging pagdilat ko ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Miss Georgina, gising na po pala kayo" a woman wearing a nurse uniform greeted me.

Mabilis kong inikot ang paningin ko at alam ko ma agad na nasa ospital ako.

Naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko at katawan ko.

Wala sa sarili kong hinawakan ang wala pang umbok na tiyan ko.

What happened? Anong nangyari sa baby ko?

Mabilis akong napalingon sa may pintuan ng bumukas ito at iluwa si mommy, napahigpit ang hawak ko sa kumot dahil sa nangyari sa amin bago ako mawalan ng malay.

"M-mommy" ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

"Please leave us alone for the meantime, I need to speak with my daughter"

The nurse nodded and left the room.

Pigil ang hininga ko habang papalapit si mommy at umupo sa upuan malapit sa kamang hinihigaan ko.

Hindi ko napigilan ang pagluha dahil kasalanan ko naman talaga, ang tanging gusto lang naman ni mommy ay maging maayos ako pero patuloy ko syang sinusuway.

"Mom, I'm really sorry, hindi ko po gustong gawin sa inyo to"

"Anong plano mo? Ano ng mangyayari sayo? Single mom?"

"Mommy-

"Your baby is okay, pero gusto kong maintindihan mo Georgina ang pinasok mo, hindi biro ang pagkakaroon ng anak, pang habangbuhay na responsibilidad iyan and knowing your personality, mahihirapan ka kaya sana sabihin mo sakin may plano ka ba?"

"Mommy"

"O baka naman pwede mong sabihin sakin kung sino ang ama, baka magawan pa natin ng paraan, baka he can take responsibility"

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni mommy. Hindi ko alam kung kaya ko pang sabihin kay Wax ito. I already hurt my mom, mananakit pa ba ako ng ibang tao?

"Mommy, I'm really sorry"

"Eh ano ngang plano mo?" her voice raised for a bit kaya kinabahan ako.

"I-I can take care of the kid, sa tingin ko kakayanin ko naman itong buhayin mag isa"

"At paano ang campaign ko? We both know how irresponsible you are, Georgina! Baka mas mahirapan pa sayo ang anak mo"

"Mom" mas naiyak ako. Kaya ko ba talaga? Kaya ko nga bang bumuhay ng isang bata? Kaya ko bang bumuo ng magandang kinabukasan para sa kanya?

"What Georgina?"

"I- I can also go abroad, I-I can abort this"

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib ng sabihin ko iyon.

"I don't think you should be making harsh decision like that"

Married to a Neurologist (Medseries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon