"O basta ha, wag kung ano ano ang binibili nyo. Ikaw TanTan wag kang puro tsitsirya at soft drinks magka UTI ka nyan."

Dinig ko ang boses ni Mona na nasa kusina at may kausap sa cellphone. Tahimik akong lumapit sa kanya habang kinakalas isa isa ang butones. Nakaupo sya sa counter at nakatalikod sa sala. Mukhang kausap nya ang mga kapatid nya.

"Naku ate, noong isang gabi nga sumakit ang tiyan nyan."

"Yan ang sinasabi ko eh."

"Natatae lang ako nun kaya masakit ang tiyan ko."

"Eh pano kung ano ano ang kinakain mo."

"O tama na yan, makinig ka kay nanay at ate Paulina mo TanTan kundi babawasan ko ang baon mo."

Nangingiting pinakikinggan ko ang paguusap nilang magkakapatid. Isa ito sa mga bagay na hinahangaan ko sa kanya.  Mahal na mahal nya ang mga kapatid nya at ang mga ito ang lagi nyang inuuna. Kapag bagong sweldo ay ni hindi ko man lang sya nakitang bumili ng kung ano ano para sa sarili nya. Diretso padala sya agad sa pamilya nya. Hindi sya maluho at walang arte sa katawan. Naalala ko ang pangamba nya noong sabihin kong baka mabuntis sya dahil sa nangyari sa amin. Ayaw pa nyang mabuntis dahil paano nga naman ang mga kapatid nya na sa kanya lang umaasa. Pero kung sakaling mangyari nga yun ay hindi ko naman sya pababayaan.

"Ay ate andyan na yung amo mong pogi sa likuran mo."

Dinig kong sabi ng kapatid nyang babae na humahagikgik pa. Tumikhim naman ako at pinormal ang mukha. Natatarantang lumingon naman sya sa akin.

"Ay sir Edward nandyan na pala kayo." Bati nya sa akin at tumayo. Nagpaalam sya sa mga kapatid na mamaya na lang ulit sila mag uusap.

Tumango ako at pumasok sa kusina para tingnan ang niluto nya.

"Kakain na po ba kayo sir, maghahain na po ako." Aniya at sumunod sa akin.

Hindi ko sya sinagot at nilapitan ang isang kaserola. Kumunot ang noo ko ng makita ang laman. May sabaw at may dahon dahon na kulay pula ang tangkay may kasama ding piniritong isda.

"What's this?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Ay ulam ko po yan sir, pero nagluto naman po ako ng humba para ulam nyo." Nakangiwinhy sabi nya sa akin.

Tumango tango naman ako. "Sige maghain ka na, magbibihis lang ako."

"Opo."

Lumabas na ako ng kusina at umakyat ng kwarto ko para magbihis at makakain na. Nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko ang niluto nya.

"Hmm not bad." Komento ko ng matikman ang sabaw ng niluto nyang sinabawang pritong isda.

"Not bad talaga, paborito nga naming ulam magkakapatid yan eh." Pagmamalaki nya sa  akin.

Bago sa akin ang lasa pero hindi naman masama.

"Anong gulay to?" Tanong ko sa kulay green na dahon na may pulang tangkay na madulas.

"Alugbati po ang tawag dyan sir." Sagot nya sa pagitan ng pagnguya.

Sinubo ko naman ang gulay at nilasahan. "Taste weird." Komento ko.

Tumawa naman sya. "Sa umpisa lang weird ang lasa nyan pero kapag lagi nyo ng natitikman sumasarap na yan."

Tumango tango na lang ako. Nasasanay na nga ang panlasa ko sa paborito nyang ulam. Naging sunod sunod na ang subo ko at nakailang serving ng kanin. Kaya hanggang sa matapos na kaming kumain ay sabaw na lang at tinik ng isda ang natira. Ang humbang niluto nya ay kaunti lang ang bawas.

kinabukasan..

NAGMAMADALING bumaba ako ng hagdan habang binubutones ang polo. Bitbit ko na rin sa braso ang coat ko. Medyo tinanghali na kasi ako ng gising at may a-attend-an pa kami ng sekretarya ko na isang convention.

"Mona." Tawag ko sa kanya.

Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto.

"Sir."

Nilingon ko sya sa likuran. Kalalabas lang nya ng kwarto nya. Kumunot ang noo ko ng mapansing namumutla sya.

"Ayos ko lang?" Nagaalalang tanong ko at nilapitan sya.

Tumango naman sya. "Opo, medyo mabigat lang ang pakiramdam ko."

"May sakit ka ba?"

"Wala naman -- amph!" Nagtakip sya ng ilong at bibig na tila nasusuka. "Ang baho ng pabango nyo sir." Sabi nya.

"What?" Bulalas ko sa sinabi nya at inamoy amoy ang sarili. Hindi naman ah! Hindi naman ako nagpapalit ng pabango at laging ito ang ginagamit ko. Araw araw nga nya itong naaamoy pero ngayon lang nya sinabi na mabaho. Hindi nga siguro maganda ang pakiramdam nya.

Bumuntong hininga ako. "Aalis na ako, may convention pa akong a-attend-an. Kaya mo bang mag isa?" Nagaalalang tanong ko.

Tumango sya habang takip pa rin ang ilong. Weird.  

"Opo kaya ko, wala naman akong sakit mabigat lang ang pakiramdam ko."

Ano bang pinagkaiba nun? Umiling iling na lang ako at tiningnan ang suot na relo.

"Fine, aalis na ko." Paalam ko sa kanya at saglit muna syang tinitigan bago tumalikod. Ewan ko ba kung bakit nitong nakaraang mga araw ay gusto kong titigan muna sya bago umalis.

Ang weird ko na rin.

*****

MonalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon