"Bawal kang mastress at mag-isip ng sobra... yung sobrang nakakasakit sa puso mo. Maraming bawal sayo Charity! Gustuhin mo mang maging normal kagaya ng ibang bata, hindi... hinding-hindi kasi may sakit ka. At hindi lang basta-bastang sakit yan! Pwedeng iyan ang magiging dahilan ng pagkamatay mo! Kaya kung may boyfriend ka.. tigilan mo na yan! Utang na loob! Kasi pag nagmahal ka, magdudulot yan ng matinding sakit sa puso at baka hindi mo makayanan. At ang pagmamahal mo na yan, baka yan ang dahilan ng pagkamatay mo."

Tumatak sa isip ko ang sinabi ni auntie Elsa.

Bawal akong mainlove.

Sa hapong iyon ay nakalabas rin ako ng ospital at nakahiga lang ako sa mga sumunod pang araw. Bumalik na rin si auntie sa US kasi may trabaho pa siya kaya naiwan kami ni tatay.

"Ano? Nakainom ka na ba ng gamot?" Tumango lang ako kay tatay at lumabas na siya ng kwarto. Nakatulala lang ako sa kisame. Kailan kaya uli ako makakalabas ng bahay?

Hindi ako basta-bastang makakalabas kasi pinagbawalan ako ni auntie. Pero hindi ko kaya. Kaya isang hapon, nagpaalam ako kay tatay na magpahangin. Sa una hindi siya pumayag, pero nagpumilit ako kaya sa huli napapayag ko rin siya.

Sa park ako dumiretso.

Maraming memories sa lugar na 'to. Maraming nangyari. Simula nung bata pa ako, dito na lagi ako pumupunta, kapag pinapalo ako ni nanay, kapag pinapagalitan ako. At dito sa lugar na to, nagkaroon ako ng kaibigan. Minsan na nga lang ako magkaroon ng kaibigan, nainlove pa ako.

Oo, inaamin ko. Hindi ako pwedeng mainlove... pero wala eh. Ganoon siguro yun. Walang pinipili ang pag-ibig. Magugulat ka na lang isang araw, pagising mo.. mahal mo na pala yung tao.

At ganoon yung nangyari sakin.

Napatingala ako sa langit. Namimiss ko na si Sydney. Kumusta na kaya siya? Tapos bigla kong naisip na Valentine's day na pala ngayon. Agad akong nag-panic.

Mag peperform pala yung banda nila Sydney. At inaasahan niyang pupunta ako. Malapit ng 6pm. Parang nagkaroon ng isip ang mga paa ko at naglakad papunta sa school nila Sydney.

Pagdating ko doon, maraming tao. Halo-halo. May mga estudyante at may iba ring taga-ibang school. Pero iba ang hinahanap ng mga mata ko.

"Good evening guys!"

"Happy Valentine's day people! We are the Mighty Ones and tonight, we'll sing songs that fits to the event. I hope you'd enjoy!"

Nakarinig ako ng palakpakan.

"Mic test.. mic test.."

Napahawak ako sa dibdib ko nung biglang parang nag-abnormal yung pintig ng puso ko. Parang kakaiba.. Bumibilis lang naman ang tibok ng puso ko kapag andyan si Sydney.

O kapag naririnig ko ang boses niya..

Dumako ang tingin ko sa stage. At nakita ko siya doon na naka black suit at may rose sa maliit na pocket niya. Nasa harap niya ang microphone pero hindi siya nakatingin dito. Parang may hinahanap kasi siya.

Maya-maya ay nagsimula ng mag-play yung banda. At nung magsimula na siyang kumanta, hinay hinay akong naglakad papalapit sa mga tao para makasingit habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

(A/N: Mas maganda po kung i-play niyo yung music. Ang title po is DIWATA by Jireh Lim. I'm pretty sure maraming makakarelate. Thank you.)

"This song is dedicated to...." Inikot ni Sydney yung tingin niya na para bang may hinahanap siya, "...to someone so special to me. Someone who's very close to my heart. And I just wanna let you know that...... I like you. Very much. Diwata ng buhay ko."

Nagsitilian ang mga tao. Ang ingay. Pero wala yun sa lakas ng kabog ng puso ko. Mas maingay at mas ramdam ko.

"Ilang oras pa lamang nang tayo'y nag kita
Sa'yong mga yakap agad nangungulila
Ikaw ang sigla na humapahaplos sa'king
Buhay pag nalulumbay.."

Ramdam na ramdam niya ang bawat salitang binibitawan niya. At habang kumakanta siya, nakatitig lang ako sa mukha niya.

At ngayon ko lang napagtantong... ang hirap niya palang abutin.

"Ang 'yong mga labi'y humahalimuyak
Pag nasisilayan parang ginto at pilak
Ikaw ang diwatang tumapak sa lupa
Na wala nang papantay"

Naalala ko nung hinalikan niya ako. Parang tumigil yung mundo ko.

At doon rin nagsimulang magwala yung puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Pagkatapos ng halik na yun.

"Tumatanaw sa'yo ang langit
Ang 'yong ganda'y ka-akit akit
Pangarap ko'y ikaw......"

Nakapikit na siya habang kumakanta. Ang cute niya. Napaka-angelic ng mukha kahit sa malayo. At namiss ko siya. Namimiss ko siyang kausap, kakulitan, yung mga pang-asar niya at pagpisil ng pisngi ko. Pero higit sa lahat, namimiss kong kasama siya.

"Dalangin ko ay mahagkan ka
Sa pag lipas ng panahon
Ang tinig mo'y parang agos ng sapa
Hinding hindi mag wawagas ang pag-ibig
...Mahal kita..."

Kusa na lang pumikit ang mga mata ko. Sana mahal niya rin ako. Kasi sa tingin ko, hindi ko lang siya basta-bastang gusto. Mahal ko na rin ata siya.

Pero oo, hindi nga pala pwede.

May girlfriend na pala siya. At yun ang dahilan kung bakit laging parang may masakit sakin.

Kasi hindi ko matanggap.

"Ang 'yong mga mata'y
Kasing kulay ng punong mahinhin
Sumasabay sa agos ng hangin
Tumatanaw sa'yo ang langit
Ang 'yong ganda'y ka-akit akit
Pangarap ko'y ikaw......"

Iba kasi yung binibigay na tingin niya sakin e. Yung mga mata niya.. parang nagsasabing gusto niya ako - na mahal niya rin ako.

Pero bakit ganoon? Umaasa na naman ba ako? Kung gaano kadali mainlove, ganoon rin pala kadaling masaktan.

"Dalangin ko ay mahagkan ka
Sa pag lipas ng panahon
Ang tinig mo'y parang agos ng sapa.."

Hindi ko namamalayang nasa harap ko na pala ang stage. Kitang-kita ko ang taong nagpapatibok ng puso ko at... nasa harap ko siya ngayon.

Nakita ko ang pagdilat niya ng mga mata..

"Hinding hindi mag wawagas ang pag-ibig..."

At nagkatinginan kami. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago niya kantahin ang huling dalawang salita ng kanta.

Dubdubdub.

"....Mahal kita."

She's ValentineWhere stories live. Discover now