(credits to the owner)
May kape rin na nakalagay doon kaya iyon ang kinuha ko. Alam naman nila na hindi ako mahilig mag-breakfast kaya silang tatlo lang ang kumain. Bumalik ako sa kwarto namin at nanonood ng TV dahil may TV doon. May internet rin pala dito at hiningi ko ito.
Nang okay na ang lahat ay nanood muna ako ng balita. Nalaman ko na marami ang naki-kidnap mapa-bata o matanda kaya kailangan maiwasan na mag-isa kung aalis man. Hinding-hindi ako hihiwalay kayna mama kapag nasa labas kami.
Nang matapos silang kumain ay niyaya nila akong lumabas ng guesthouse. Sabi ng tourist guide kanina ay may garden pa ito kaya pinuntahan namin ito.
(credits to the owner)
May gazebo sa gitna ng garden. Maganda ang loob nito.
(credits to the owner)
May table at dalawang upuan sa loob at mayroon ding dalawang mahabang upuan sa gilid. Nag-picture kaming lahat doon.
Nilibot namin ang garden. Mayroon palang soundbar doon na accessible via bluetooth kaya pwedeng mag-connect ng phone doon para makinig ng mga kanta.
Sinabihan na kami ng tourist guide na aalis na kami para sa tour.
Ang una namin pinuntahan ay Vigan Cathedral.
YOU ARE READING
Once Upon A Book
General FictionThey first met at the library. Will this place also be their last moments together?
Part 45
Start from the beginning