"Oo. At buti ay naungkat mo dahil ang mga tao rito ay binibigyan ng ibang kahulugan ang pagsusuot ko ng kuwintas na ito," tila nakasimangot si Dalia sa kabilang linya. "Nagagandahan lang naman ako dahil may unang letra ng aking pangalan. Nagtalo rin kami ni Timoteo dahil dito..."

Sumilay ang munting ngisi sa mga labi niya. "Ano namang sinasabi nila?" malumanay niyang tanong.

"Hindi ako nagsusuot ng kahit anong alahas at totoo iyon. Pero ito ay sinuot ko raw dahil nagmula sa 'yo. Gayong sinuot ko 'to dahil sa lahat ng kuwintas na nakita ko, ito ang pinakamaganda. It felt personal and mine because of the letter pendant!"

"I see." It's good that the people of Monte Amor were getting his message.

"Iyon lang naman ang ibig sabihin sa 'kin niyon, Vier. At wala namang ibang kahulugan ang pagreregalo mo nito sa 'kin, hindi ba? Dahil parating ang Pasko kaya't may regalo ka!"

"Ano pa bang kahulugan ang palagay ng iba?" Nagpanggap si Vier na kunwari ay wala ring nalalaman. Kung nakikita lang ni Dalia na isang inosenteng regalo iyon ay hahayaan lang ni Vier na ganoon ang isipin nito.

"Ito na nga. Si Timoteo ay nagseselos dahil ito raw ay simbolo nang paghamon mo sa kanya."

Bahagya siyang natawa. "Pag... hamon?" That boy knows... He got the message, too.

"Oo! Ayon sa kanya, naglagay ka ng palatandaan na pag-aari mo ako. At sa pagsusuot ko nito ay tinatanggap ko raw iyon."

Nakagat niya ang ibabang labi habang mas napapangisi. "Pinairal na naman muli ni Timoteo ang kanyang emosyon?"

"Mismo. Ngunit sinabi kong hindi ganoon iyon. Isusuot ko ito dahil gusto kong suotin at bagay sa akin."

"Totoo, sinta."

"Hindi ba! Ganoon lang ang kahulugan ng lahat. At ikaw ay naghandog lang naman ng regalo para sa Pasko. Nabibigyan lang ng ibang kulay sapagkat kumalat na yata sa buong Monte Amor na naipangako na tayo sa isa't isa."

"Hindi siguro maiiwasan iyon." Mas lumawak pa ang kanyang mga ngisi. Batid niyang madaya, subalit siya ang kinikilalang katipan at nobyo ni Dalia sa buong Monte Amor. Hindi si Timoteo.

"Pero, naiintindihan ka ba ni Timoteo sa huli?"

"Mukha naman. Nanghingi siya ng tawad at maayos kami bago siya umalis."

Nabawasan ang kanyang pagngisi. Timoteo still had an advantage. "Mabuti..."

"Maintindihin naman si Timoteo, Vier. Kaya't maraming salamat at hanggang sa ngayon ay hindi mo kami sinusumbong," bulong ni Dalia mula sa kabilang linya.

"Ang pangako ko sa 'yo ay hindi kita ipapahamak. Hinding-hindi ko gagawin iyon sa 'yo."

Hindi na kailangang umabot sa sumbungan. Bata pa sina Timoteo at Dalia. Hahayaan niya lang muna. Hindi kailangan ni Vier ng tulong sa kanya-kanyang mga magulang para paglayuin ang dalawa.

He would just let the wind naturally blow. Muli, hindi niya kailangang makipagtunggali kay Timoteo ng harapan.

Napansin ni Vier na matagal na nanahimik si Dalia sa kabilang linya. "Mukhang may iba kang iniisip, Dalia?"

"W-Wala naman! Pumasok ang hangin sa bintana at inayos ko ang nagulo kong buhok."

Pumikit siya at agad naalala kung paanong makipagsayaw ang hangin sa maikling buhok ng magandang dilag. "Ah, I miss your short soft hair... It smelled very nice, too."

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon