Hindi! Walang oras upang panghinaan siya ng loob. Malinaw ang tradisyon!

"May nakita ka bang kakilala?" tanong ni Dalia.

"Wala naman..." malumanay niyang sagot. May dumaan ulit na mga kalalakihan sa gilid nila. At nahuli niya ang mabilis na pagsulyap ng mga ito kay Dalia.

Sinundan niya ng tingin ang mga ito at tinandaang mabuti ang mukha. Subukan lang ng mga itong lapitan si Dalia...

Cypress Olivier Valleroso! Dapat ay hindi ka na nag-iisip manakit. Matagal ka nang nagbago!

"Maraming nag-aaral na mga Lanza rito sapagkat tagapagmana ng lupain ng kanilang mga magulang. Sa Burol Estrella sila madalas nakikita dahil pag-aari ng kanilang angkan. Kaya't kung mapapasyal tayo roon ay maraming guwapong mga Lanza," pagkukuwento ni Dalia.

Tila nagpantig ang tainga ni Vier. Bumalik na ang paningin niya rito. "Maraming... guwapo?"

Ano naman ngayon kung gan'on?

"Nais mo bang magtungo roon?" tanong nito.

Napakurap siya. Bakit ito nagtatanong ng ganoon? "Nais mo ba?" tanong na lang ni Vier pabalik dahil baka ito ang may gustong pumunta ng Burol Estrella.

"Hindi na masama, maaari naman," sagot nito.

May bigla siyang naisip. "Ang iyong ginigiliw," bulong niya. "Isa ba siyang Lanza?"

Lumabi ito. "Oo. Bakit mo naitanong?"

Sumasama ang timpla ni Vier, subalit pinipigilan niya lang ang sarili. "Makikita mo siya sa Burol Estrella kung papasyal tayo roon?"

"Depende..." Kibit-balikat nito. "Siguro ay oo."

"Ayokong magtungo roon kung ganoon," diretsong sagot niya.

Halatang natigilan ito. Subalit nagpapakatotoo lamang siya. Ang oras na para sa kanilang dalawa, ay para sa kanilang dalawa lamang.

Ngumiti si Vier. "Tumuloy tayo sa ating unang plano sa dalampasigan. Babalik ako mamaya upang sunduin ka. Pinahiram sa akin ni Estefan ang kanyang auto kaya't gabayan mo na lamang ako sa daanan."

"Sige, iyon lang pala," ani Dalia. "Kakainin ko na 'tong tanghaliang niluto mo. Salamat muli!"

"Hihintayin kita rito mamaya, Dalia..."

"Oo, Vier. Paalam!"

That was just the start and Vier believed he was doing things right.

Not until he saw how Dalia's eyes sparked every time she talked about Timoteo.

Kahit anong munting lambing at pag-aasikaso ang gawin niya sa mga oras na magkasama sila, hindi naging sapat.

Dalia saw Vier as a truly nice guy friend.

Okay, then! Gagapang siya mula roon. Nasa kanya ang tiwala ni Dalia, kaibigan agad ang turing nito sa kanya, at bukas sila sa lahat ng klaseng usapin. Isang linggo pa lang at magkasundo na agad sila ni Dalia.

Maybe Vier was on the right way going to the backdoor of Dalia's heart.

Wala siyang planong makikipag-kompetensya kay Timoteo ng harapan. Hindi kailangan.

"Nabanggit sa akin ni Lass na sinusuot mo raw ang kuwintas... palagi?"

Kausap ni Vier si Dalia sa telepono ngayon. Since he could not stay always in Monte Amor, he asked Dalia if they can call each other. Pumayag naman ang dalaga basta't may oras itong sumagot ng tawag.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ