The night felt long and awkward. I wanted to leave so bad, but I didn't want to shatter Ferdinand's happiness. 


Kahit pa naging close kami nang kaunti ni Julia ay pakiramdam ko ayaw niya sa'kin. Hindi ko rin naman masabi kay Ferdinand dahil alam kong ipagtatanggol niya ito, kaya itinago ko nalang sa sarili ko. 


At hindi nga ako nagkamali. 


Nang gabi ng championship game ni Ferdinand nung high school ay kinompronta ako ni Julia. 


"Isabel, kaibigan ka lang, 'di ba? Bakit hinihigitan mo 'tong mga dala ko?" Napaawang ako dahil sobra ang dala ko kumpara sa dala ni Julia na bulaklak at jersey ni Ferdinand. 


Meron pa kasi akong cheerleading pom, banner at suot ko pa ang jersey ni Ferdinand. 


"Hindi ko naman alam.. Gusto mo, sa'yo nalang 'tong pompoms ko?" alok ko pa sakanya. Mataray niyang hinawi ang inaabot kong pompoms gamit ang bouquet ng bulaklak na hawak niya. Nalagas tuloy ang ibang petals ng bulaklak. 


"Lumayo ka kay Ferdinand. Matuto kang lumugar. Best friend ka lang, girlfriend ako. Know your place, girl!" Inirapan niya pa ako bago tuluyang pumasok sa court ng Ateneo. Napayuko nalang ako sa hiya dahil medyo napalakas ang boses niya at may ibang taong nakarinig at tumitingin. 


Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay tumakbo na 'ko pauwi. Kinalat ko sa kwarto ang mga dala ko para kay Ferdinand. Inapak-apakan ko pa ang banner na ginawa ko bago binagsak sa kama ang katawan at humagulgol. 


Bakit nga ba ako apektado? Dahil ba hindi na 'ko pwedeng maging kaibigan kay Ferdinand? O, dahil hindi ko tanggap na may nagugustuhan na siya, at hindi ako 'yon? 



"Huy, Isabel! Bakit 'di ka nakarating nung championship?" Mariin akong napapikit nang madinig ang boses ni Ferdinand sa likuran ko. Binilisan ko ang paglalakad at nagkunwaring walang nadidinig. 


"Isabel! Iniiwasan mo ba 'ko?" Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Sa totoo lang ay sa kabilang bahagi pa ang gate ko papasok, pero nasa likod si Ferdinand kaya hindi ako makaikot. Panigurado male-late na naman ako. 


"Isabel! Galit ka ba?! Isabel!" I felt him grab may wrist and pulled me towards him. 


Masama ang tingin ko nang harapin siya. Ako na nga 'tong lumalayo, siya naman itong lapit nang lapit! At ano ba'ng ginagawa niya rito sa Poveda?!


"Busy ako no'n, kailangan ko umuwi ulit kasi may emergency sa bahay," Pagsisinungaling ko. 


"Ano? E, nanood nga si tito at tita. Nakita ko pa si Kuya Loel, nakipag fist bump pa nga sa'kin!" Napapikit ako. 


Oo nga pala, inimbita niya buong pamilya ko. 


"Pasensya na talaga, babawi nalang ako-"


"Kahit 'wag na. Wala lang ba 'ko sa'yo kaya mas pinipili mong magpalusot at magsinungaling?" Napaawang ako. 


"Alam mong importante 'yong game na 'yon, pero hindi ka pumunta. Mabuti pa si Julia, andon. Nakasalubong ka pa nga raw niya pero paalis ka na. Hindi mo man lang ako binati pagkatapos. Hindi ka na nanood, hindi ka pa bumati. Walastik ka naman, 'no, Isabel?" He lashed out. 


Bahagyang kumirot ang puso ko. Julia, Julia, Julia. Puro nalang Julia! Paano naman ako?! E, ako 'yong nauna ritong dumating!


"Responsibilidad ba kita? Hindi naman, 'di ba? Tsaka, may girlfriend ka! Hindi rin ako obligadong manood at magcheer sa mga laro mo!" Napaawang siya sa mga sinabi ko. Maging ako ay nagulat. Bigla ay gusto kong bawiin ang kung ano-anong lumabas sa bibig ko. Pero mas mabuti na ring ganoon. Mas madali siyang makakalimot kung bubuhayin ko ang galit niya sa'kin. 


Magsasalita pa sana siya ngunit hindi niya tinuloy, tila napaisip. 


"Alam mo? Magkalimutan na tayo. Pinuputol ko na ang kung ano mang koneksyon nating dalawa," Saad nito at tumalikod. 


Nung araw na 'yon, at sa mga sumunod pa, wala akong ginawa kung hindi mangulila at malumbay- pinagiisipan kung tama bang nagkalimutan kami, o dapat inayos namin. 



"Earth to Beatriz!" Napapitlag ako nang pumalakpak si Anton sa harap ko. 


"You're spacing out, anong problema?" My lips parted. Kanina pa ata ako nakatulala. 


"Wala.. Ano nga 'yong sinasabi mo?" I took a sip from my coffee, watching the planes take off. 


"Sabi ko.. Malapit na 'yong flight niya. Anong pala-tandaan nga nung eroplano?" Nagisip ako, inaalala kung anong pala-tandaan ng eroplanong sasakyan niya. 


"Tail and elevator's blue," 'Yon na lamang ang natatandaan ko. Nagiisa lamang ang eroplano ritong asul ang tail at elevator.


 Anton and I built this airline and our aviation company all by ourselves kaya kabisado ko ang mga eroplano rito. Si Anton ay palaging narito sa airport kaya hindi niya gaanong kabisado ang mga eroplano'ng pagmamayari namin. 


Ngayon lang rin ang unang lipad ng eroplano na 'yon dahil birthday niya, at eksaktong aalis sila ng bansa at rito sa airline namin nagbook ng lipad. 


"Who's with him?" I asked Anton. Nagaalangan pa itong magsabi sa'kin, ngunit kinalaunan ay sinabi niya na rin kung sino-sino ang kasama niya sa lipad.


Bago pa man makasagot si Anton ay nakita ko nang bume-bwelta na ang eroplano'ng 'yon para sa take off. 


"His wife.. His wife Julia.. and their kids," 


I watched the plane take off from the ground. I recalled everything he said to me about the plane. It was disappointing to remember. 



"28? Napakatagal pa, kung gano'n,"



Happy 28th birthday to him. I was always rooting for him and his sucess. I was always admiring him from the bleachers, behind an ocean of people who loves him, from afar where he'll never reach, and find me- even if we're thousands of miles, seas and oceans apart.



"E, matanda na 'ko no'n, kaya ko na mag-isa.. Pero isasama pa kita sa himpapawid, dahil hindi ko kayang wala ka 'no!"



What a lie. 

Exemplum (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now