oceans apart

273 10 2
                                    

i apologize for being MIA on stan and wattpad for days due to personal reasons. thank you for understanding. 

here's an update to make it up to everyone, happy reading :)


***

I colored the plane's tail and elevator pastel blue. It represents freedom. In case my future self would get the freedom she deserves. I hope she would have the freedom to choose whatever she wants to do, and whoever she wants to be with- without anything and anyone getting on her way.


Nang matapos ko itong kulayan ay sumandal ako at pinagmasdan ang kabuuan ng eroplanong ginuhit namin. Nakangiti akong bumaling sakanya na nagaayos na ng mga kalat namin. 


"Tapos ko na!" Nakangiti kong saad bago nilagay sa lamesa ang pangkulay na ginamit ko. 


Tumabi siya sa'kin at pinagmasdan rin ang ginuhit namin. Napangiti siya habang sinusuri ang bawat detalye ng eroplano. Sinigurado naming perpekto ang pagkakaguhit rito, maging sa pagkukulay. 


"Ang galing mo naman, bakit hindi ka sumali sa Asia's Got Talent?" Pangaasar nito. 


Sinamaan ko siya ng tingin. Bago ko pa siya mabato ng kung ano mang mahawakan ko ay tinangay niya na ang illustration board at tumakbo paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. 


'Yong lalaking 'yon talaga, wala nang sinabing matino!



"Isabel, tignan mo.." Dahan-dahan akong lumingon sa itinuturo niya sa kalangitan. 


The moon was bright, full and close. The sky was pink, and an airplane passed by the moon. It was a beautiful scenery. 


"Napakalapit nung eroplano sa buwan.. Balangaraw, makakalipad rin ako riyan!" Malaki ang ngiti niya, at tila excited pa. Napangiti nalang rin ako. 


"Makakarating ako diyan kapag matanda na 'ko," Napalingon ako sakanya, nagtataka. 


"Ilang taon ka na no'n, Ferds?" Nagtatakang tanong ko.


"Mga.. hm.." Nagisip ito. "28!" Nakangiti nitong sagot. 


"28? Napakatagal pa, kung gano'n," Saad ko. Ngumuso ito. 


"E, matanda na 'ko no'n, kaya ko na mag-isa.. Pero isasama pa kita sa himpapawid, dahil hindi ko kayang wala ka 'no!" Nakangiti nitong saad. "Wala akong utusan," Nagtaas-baba pa ang kilay nito. Tinawanan ko nalang siya dahil baka kapag diecinueve na kami ay hindi na kami magkakilala. 



"Isabel, heto nga pala si Julia.." Nanigas ako nang ipakilala niya ang babaeng natitipuhan niya. Agad akong tumayo at naglahad ng kamay. 


"Julia, this is Isabel, my best friend.." Nakangiti kaming nagkamayan. 


Exemplum (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now