IATYIATY(REVISED) -1 [Cupcake]

80 6 15
                                    

Flashback no 1:Scene: NewYorkCity, Date: December 24, 20- - Time: 9:15 PM

Sa isang payapang lugar sa bansang Amerika, na kung tawagin ay New York City, matatagpuan natin ang isang binatang nag ngangalang George, naglalakad siya ng mga panahong iyon tungo sa isang coffee shop. Christmas Eve, payapa ang kapaligiran, damang dama mo ang bawat pagdampi ng malamig at malilit na kulay puting bagay na nagmumula isa itaas na kung tawagin sa bansang iyon ay snow, tanging ingay lang na nagmumula sa bawat bahay ang naririnig, binabati ang isa't isa ng Merry Christmas, habang silang lahat ay nakangiting nagyayakapan.

George's POV

"I can tell myself its over, and i need a brand new start, but there's no such thing has mind over matters of the heart"

Tinanggal ko sa ulo ko ang nakasabit na headset dito at saka isinabit sa leeg ko, at bumuntong hininga. Naks, mapangasar na Ipad yan, ang galing ah, bagay sa akin yung kanta, bagay sa broken hearted na katulad ko. May naalala lang ako. Isang taong sobrang importante sa buhay ko, nagpapaligaya sa akin, at dumadamay sa akin tuwing malungkot ako. Naalala ko lang yung mga panahong sobrang saya namin. Sabay kaming lumalabas, nililibot ang buong park, kumakain ng kung ano anong nakikita namin. Mga bagay na hindi na ulit mangyayari. Masakit mang isipin ngunit iniwan na niya ako, at hanggang doon na lang iyon.

Sa paglalakad ko patungo sa isang Coffee Shop, lalo ko siyang naiisip. Sa bawat kantong madaan ko kasi ay laging may magkasintahang naglalambingan. Katulad ng dati naming ginagawa. Sa totoo lang ay ayoko nang maalala ang mga bagay na ito. Sumasakit lang lalo ang nararamdaman ko. Sakit na sa tingin ko ay hindi na muling pang maiibsan.

Napapaisip tuloy ako minsan, di ba ang love daw ay ang pinakamagandang regalo ng diyos, pero bakit kailangang may masaktan, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon, basta sa akin, ang love, dalawa lang naman ang patutunguhan niyan, kung hindi forever happiness, forever loneliness. Isang kabaliwang bagay na patuloy na ginagawa ng mga tao, kahit paulit ulit na silang nasasaktan. Kaya nga takot na akong magmahal eh, mahirap na at baka mamaya, masaktan lang din ulit ako. Ayoko na nang ganun. Pagod na ako.

Nang dumating ako sa Coffee shop na dapat pupuntahan ko ngayon, napailing ako, nakita kong nakasarado na ito. Itinaas ko ang kamay ko at tumingin sa wrist watch kong suot-suot, kulay black ito na may blue na nakapalibot sa gilid nito, naramdaman kong kumunot ang mukha ko nang kusa, 9:15PM. Nahihibang na ba ako. San ka naman ba makakakita ng nakabukas na Coffee Shop sa ganitong oras, lalo na't Christmas Eve ngayon. Makauwi na nga lang.

Tumungo ako sa tabi ng kalsada. Nakatayo ako at sumandal sa tabi ng poste ng ilaw, may upuan sa tabi nito ngunit ayoko umupo dahil tinatamad akong alisin ang mga snow na nakapatong dito. Ramdam ko na rin ang sobrang ginaw kahit sobrang dami at kapal na ng suot-suot ko Jacket. Sa bawat paghinga ko ay palaging may lumalabas na parang usok. Natatawa na lang ako sa tuwing makikita ko iyon.

Habang naghihintay ako ng Taxi, na tawag dito ay Cab, hindi ko alam kung bakit, bigla bigla na lang may kumalabit sa likuran ko na kung ano. Napaikot tuloy ako upang tingnan kung sino iyon. Nakita ko ang isang babaeng halatang pinipilit ngumiti sa harap ko.

"Uhhmm, Sir Excuse me, I was walking for so long, and I was tired, can I ask a favor? If you don't mind?"

Tingnan mo tong babaeng to, akala ko naman kung ano, eh ano naman pake ko kung pagod na siya, kailangan pa bang kalabitin ako at sabihin sa akin iyon. Favor daw? Ano naman kaya makukuha niya sakin.

"Excuse me too, i didn't know why are you saying that kind of word to me, if you're tired, then get out of here and get rest, and for the favor-"

Tinignan ko siya sa mata na ngayon ay nakasimangot na, saka ako tumuloy sa pagsasalita.

I'm Addicted To You (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon