"'Wag mo ilapit mukha mo sa'kin, ang pangit." Irap niya at tumayo. Napanguso nalang ako. Badtrip.

"Pre! Tumulong ka rito 'wag puro pamb-bwisit ha." Sigaw ni Seul. Binato naman ako ng tela ni Soo.

"Ayan, ilapag mo ron sa damuhan pasalamat tayo malaki bahay nila Irene." Sabi niya at binuhat mga pagkain na niluto sa loob.

Ginawa ko nalang pinapagawa nila dahil wala rin naman ako sa mood ngayon. Imbes kasi na mag sama sama kami ay sa iba naka baling atensyon ni Jen. Nakakairita.

Habang inaayos ko naman yung pwesto namin 'yong iba nag iihaw. Lagi naman namin 'to ginagawa, like once a week, graduating na kasi kaya baka maging busy na after ng lahat.

"Ilapag mo raw do'n." Narinig kong boses ni Jen habang inaabot sa akin yung basket na may chips. Kinuha ko nalang at pinwesto ng maayos sa may dulo. Di ko pa rin siya pinapansin.

After 30mins of preparing i think we're done. Nag rest muna kami sandali at nagkaron ng sariling mga mundo. Naka titig lang ako sa ulap habang papalubog naman ang araw, i use my hands as my pillow na rin.

"I'm hungry na." Boses ni Chaeng.

"Tara kain na tayo, masarap 'tong isaw shet." Sabi ni Soo at nakita kong nilantakan niya pati na 'yung stick letse.

Umupo ako at kumuha ng isang barbecue. Tahimik lang akong kumakain hanggang sa umepal si Seul.

"Hindi mo yata sinisira araw ni Jennie ngayon, ha Lisa?" Bulalas niya sabay taas baba ng kilay.

"Wala ka na ron." Pabalang kong sagot at umiwas ng tingin.

"Baka wala sa mood." Natatawang sabi ni Irene, 'di ko nalang pinahalata na totoo 'yon kaya nag kibit balikat nalang ako.

"Mukhang maganda araw niya eh, yoko sirain." Sagot ko nalang.

"Buti alam mo." Pabirong sagot ni Jen.

"Omsim." Tango ko.

Mukhang napansin niyang 'di ko pinatulan 'yong sinabi niya kaya napatitig siya. Umiwas ako ng tingin.

"Tangina paabot nung inumin Soo, bumara yata yung stick sa lalamunan ko." Pag iiba ko sa usapan.

"Tanga deserve. Bituka mo na susunod na iihawin." Tumawa naman sila sa sagot niya at inabot 'yong tubig.

***

Sabado na at naiinip ako, pusang gala walang magawa, pero syempre ako yata si Lisa, makakahanap ako ng paraan.

|Lisa
hELlO pOh!,,
bAka p0H
kAiLaN64n
nIny0 KauSap....TxT m8 tAu.
xD!!!!

|Siopao.
what are those words?

|Lisa
w0rDs Of WiSd0m..
MxtAh,,,U??
><

|Siopao.
stop or i'll block u

|Lisa
bored ako, labas tayo?

|Siopao.
labas ka ng bahay niyo

|Lisa
bakit mo 'ko inuutusan, crush mo ba 'ko?

|Siopao.
baka ikaw?

|Lisa
omsim.

One shot story: JenLisaWhere stories live. Discover now