After several minutes ay bumalik na sina Paisley at Colette. May nakalagay na piring sa mata ni Colette.

Pagkapasok niya ng coffee shop ay tinanggal niya ang piring at namangha siya sa nakita.

Monthsary nina Colette at Kayden ngayon. Ang sweet ni kayden kasi nag-effort pa siya na gawin ito.

May inilabas na bouquet of flowers si Kayden at ibinigay ito kay Colette. Hinug naman ni Colette si Kayden.

Natutuwa ako na ang dalawang magkaibigan ko ay mag-boyfriend at girlfriend na ngayon.

Pansin ko na naman na dati pang may pagtingin si Kayden kay Colette. Akala ko noong una ay manhid si Colette dahil nakailang boyfriend siya bago mapansin itong si Kayden. Mabuti na lang at nag-took ng courage si Kayden and look at them now.

Nagpalakpakan kami ng humiwalay silang dalawa sa hug.

"May pa-surprise ka pala! Nagtaka ako kanina kung sino ang kausap mo kanina sa phone kasi hindi ka naman nalayo kapag may kausap ka sa phone. Iyon pala ito iyon." Sabi niya.

Tumingin naman si Colette sa akin. "Kakuntyaba ka ba nito?" Tanong niya at umiling ako.

"Ngayon ko lang nalaman ito ano!" Sabi ko at natawa kaming lahat.

Umupo na sila sa table at nagsimula na kaming mag-work.

Dahil monthsary sila, may cake na binigay ang cafe namin sa kanila. Two slices of cake na may nakalagay na 'Happy Monthsary!' 

Hindi ko namalayan na ilang month na rin kami ni Dusk pero hindi namin cine-celebrate ito.

Okay lang naman para sa akin kasi nagda-date naman kami at least every two weeks.

Pumasok na ako sa kitchen at nagimulang mag-bake. 

After several minutes ay pumasok sina Colette at Kayden sa kitchen.

"So dito ka pala nagba-bake. Ang ganda ha." Sabi ni Colette.

Halos kumpleto na ang mga equipments dito. May stove, oven, ref, ingredients, baking essentials and the likes.

"Anong bina-bake mo?" Tanong ni Kayden.

"Ah iyong mga best sellers namin like Spanish bread, cinnamon rolls, etc." Sabi ko. Tumango naman siya.

"Gusto mo tulungan ka namin?" Tanong ni Colette.

"Sure." Sabi ko at tinulungan nila akong mag-bake.

Sinabi ko sa kanila na magsuot ng apron at hair net para hindi sila madumihan at hindi malagyan ng hair ang mga pastries.

Natatawa ako sa tuwing nagkne-knead sila ng dough. Spanish bread ang ginagawa namin ngayon.

Hindi ko naman sila pinagkne-knead masyado ng dough. Ako mostly ang gumawa nito dahil hindi naman sila expert sa mga ganitong bagay.

Nang mailagay namin lahat ng binake namin sa oven ay nagpahinga muna kami.

"Grabe Celeste. Nakaya mong gawin iyan ng mag-isa? Hanga ako sa iyo." Sabi ni Kayden.

"Ilang months ko na naman ginagawa ito kaya nasanay na ako. Saka marami ang ginawa ko this time kasi hindi ko naman alam na tutulong kayo." Sabi ko.

"Masaya naman mag-bake. Kailangan mo ng patience saka skills." Sabi ni Colette.

"Balak ko ngang magtayo ng bakery or coffee shop rin eh." Sabi ko.

"That's good! Huwag mo akong ilibre para yumaman ka sa business mo!" Sabi ni Colette at natawa kaming lahat.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon