"Tss. Ilayo niyo nalang ang mga iyan, nakaka agrabyado na kasi." Sagot nalang si sakuragi, kung wala lang siyang iniisip na laro sa basketball matagal niya na ang mga itong nabangasan.



Napaharap si sakuragi kay aki at puno ng pag aalalang sinipat sipat ang buong katawan nito.


"Okay ka lang ba?" Tanong ni sakuragi kay aki na nakanguso


Umiling si aki kaya lalo lang nag alala si sakuragi.

"Nagugutom na ako." Saad ni aki na ikinakulo ng kanyang sikmura sa gutom. Napabuntong hininga naman si sakuragi bago nailing.

"Akala ko pa naman kung ano na.. halika na, samahan mo nalang ako sa pila kesa naman na iwan kita diyan sa table baka lapitan ka na naman ng kung sino dyan." Nakasimangot na saad ni sakuragi na kinatawa ni aki.


Nang muling pumila si sakuragi at aki ramdam ni sakuragi na parang may nais itanong si aki sakanya. Hindi niya naman pangungunahan kaya hinintay nalang nito na ito na mismo ang mag simula ng usapan..


"Baby?" Mahinang tawag nito na ikinangiti naman ni sakuragi. Sobrang sarap kasi sa pandinig ang endearment nilang dalawa.


"hmm." Tugon ni sakuragi


"Iyong kaninang mga lalaki? S-sino ang mga iyon? Bakit boss ang tawag nila sayo?" Tanong ni aki na hindi naman na ikinagulat ni sakuragi dahil ramdam niyang iyon ang gusto nitong itanong kanina pa.


"Sila iyong tinutukoy ko na mga kaibigan ko, sila iyong maituturing ko na ring mga kapatid ngunit pinabayaan ako sa huli." Saad ni sakuragi na ikinatahimik ni aki, doon niya lang narealize na ang insensitive niya para tanungin pa ang bagay na iyon.



"Sorry kung natanong ko pa, nabigla lang kasi talaga ako kanina dahil tinawag ka nilang boss." Anas ni ako



"Iwan ko rin sa mga iyon. Ngayon ko lang nga rin narinig sa kanila na tawagin nila ako ng ganon e. Bukod sa palagi nilang tinatawag sakin noon na gunggong." Kibit balikat na saad ni sakuragi na parang hindi naman ganon ka interesado sa pinag uusapan...


"Miss mo na rin sila no? Ramdam ko kasi kanina ng makita mo sila, wag mong ikaila kasi hindi talaga ako maniniwala." Pabirong saad ni aki kay sakuragi na natahimik at pagkuwan ay napabuntong hininga ng malalim.



"Hindi ko naman kasi sila nakakalimutan, sila lang naman talaga ang kaibigan ko na masasabi kong pinapangalagaan ko. Ang kaso lang ngayon gusto ko bumawi sila sa ginawa nila sakin." Sa ilang buwan na magkasama sila napapansin ni aki na kahit napaka lamig nito sa iba ay naghahanap parin siya ng mapag papalagayan nito ng loob. Iyong tipong pwede niyang masandalan oras ng nangangailangan siya, marahil nagawa niya lang ang maging matigas sa paningin ng iba dahil alam ni sakuragi na wala siyang masasandalan kundi ang sarili niya lang.



"Mang yayari yan sakuragi, gusto ko palagi kang makita na masaya kaya dapat mag mula ngayon isipin muna ang makakapag pasaya sayo. Hayaan mo na iyong bagay na bumabagabag sa sayo." Anas ni aki na binibigyan ng assurance si sakuragi sa isang bagay na posibleng mangyari.



Nang makabili na sila ng makakakain, agad silang umupo sa pandalawahang table automatic na napatingin ang iba sa kanila dahil sa pagkain na dala nila. Marami kasi iyon na halos pang limahang tao ang kakain.



"Hayaan mo nalang sila, kumain nalang tayo. Gutom na kasi ako." Saad ni aki na sinimulan ng kumain, una nitong kinagatan ay ang footlong sarap na sarap ito na halos sunod sunod na ang pag subo. Hindi dito alintana na may mga taong nasa paligid niya, si sakuragi naman ay nakangiti lang habang pinag mamasdan si aki na maganang kumakain.


"Dahan dahan lang baby." Natatawang puna ni sakuragi na tinanggal pa ang sauce sa gilid ng labi nito pagkatapos ay kinain din ang darili niya kung saan may sauce. Namula ng husto ni aki dahilan para matigilan ito sa pagkain at huminahon na dala ng kahihiyan.


"Bat hindi ka pa kumakain?" Himig tampong anas ni  aki na nilagyan pa ng pagkain si sakuragi sa paper plate nito.   "Wag mo lang akong panuorin, kumain ka rin." Saad ni aki na kumuha pa pansit at isinubo iyon kay sakuragi na bahagyang nagulat. Kahit na ganon ay isinubo parin nito ang pagkain.



"Hm..sarap!" Tugon ni sakuragi na nakatingin kay aki ng deretso.


"b-bat kaba kasi tumitingin? Naiilang ako sa ginagawa mo e." Sita ni aki na ikinamaang naman ni sakuragi.



"Bakit? Masama bang titigan ang girlfriend ko?" Balik tanong ni sakuragi na ikinailing naman ni aki ng mahina.



"kumain ka nalang dyan. Hindi ka mabubusog sa kakatitig sakin." Simangot na saad ni aki na muling sinubuan si sakuragi ng pagkain

"Sakuragi?" napalingon sila sa tumawag bago nagkatinginan na dalawa.



'Naman oh! Bat ngayon pa?' Saad ni aki sa isipan

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon