"Sige ma dyan tayo sa birthday mo. Sasabihin ko kay kuya na paghatian namin ang budget papunta doon." Sabi ko.

"Ay huwag na! Ako na ang magbabayad ng gagastusin natin doon." Sabi ni mama.

"Ma, treat namin ni kuya sa iyo iyon. First time ka namin malilibre at sa birthday mo pa kaya kami na ang bahala." Sabi ko.

"Ang sweet naman ng anak ko! Sige na, matutulog na ako at maaga pa ako bukas. Good night anak!" Sabi niya.

"Good night ma!" Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko after kong makapag-ayos.

Chineck ko ang phone ko at nakita ko ulit sa FB feed ko iyong music festival na magaganap dito sa amin.

Finorward ko naman ito sa gc naming magkakaibigan. Sinabi ko na ito sa kanila dati at hindi ko lang alam kung nakabili na sila ng ticket nila. Sakto na December gaganapin ang music festival at one week after ng finals namin ito.

Mukhang hindi pa nila nababasa ang sinend ko kaya pinatay ko na ang phone ko at natulog.

Mukhang hindi pa nila nababasa ang sinend ko kaya pinatay ko na ang phone ko at natulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Exams day na namin ngayon. Actually, last day of exams na ngayon at maaga akong natapos dahil madali na ang mga exams this last day.

Last day na rin ng pasukan for this semester kaya nakakatuwa.

Nagkita-kita kami nina Colette at Kayden sa labas ng school.

"Nakita ninyo ba iyong sinend ko sa gc natin?" Tanong ko at tumango sila.

"One week from now na pala iyon." Sabi ni Colette.

"Oo next week na iyon. Puunta kayo?" Tanong ko.

"Oo naman! Nakaka-stress ang exams natin ano!" Sabi ni Colette.

"Sige. Mamaya naman ay tatanungin ko sina Hikaru." Sabi ko at pumunta kami ng mall para kumain.

Tinanong ko si Eros kanina kung gusto niyang sumama sa music festival at gusto daw niya. For sure matutuwa si Paisley mamaya kapag nalaman niya ito mamaya.

Sa mall namin naisipan kumain dahil tapos na naman ang exams.

Pumunta kami sa Zark's Burgers dahil makakabili kami ng thirteen pesos na burger kapag bumili muna kami ng regular priced na burger.

Hindi naman ako mahilig sa burger pero okay na rin na maranasan kong kumain ng burger dito since minsan lang naman.

Silang dalawa ang nag-order samantalang ako ay nasa table at nakatingin sa mga tao. Marami ang nakapila ngayon sa Zark's Burgers.

Nag-scroll lang ako sa Facebook feed ko habang hinihintay sila. 

Nakita ko ang post ni Dusk. Picture nilang dalawa ni Averie. Nakauwi na nga pala si Averie sa US one month ago na ata.

Namimiss na niya siguro si Averie kaya siya nag-post ng picture nila.

Bago umalis si Averie ay lumabas kaming apat nina Dusk, Hikaru, siya at ako para kumain.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon