CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?

Start from the beginning
                                    

“Ako rin po. Thank you sa pagkupkop sa’kin.” Napaubo si Kuya at binatukan si Kuya Dio. “Zievo naman!”

“Ano’ng kupkop pinagsasasabi mo diyan? Isang gabi ka lang makikitulog dito! We will not adopt you!” Humawak si Kuya Dio sa dibdib niya at umaktong nasasaktan.

“Zievo, bakit?!” pag-iinarte nito. “Gusto ko lang naman makaranas na tumira sa magandang bahay…” Maingat nitong nilapag ang kubyertos at niyugyog si Kuya. “Huwag mo namang ipagdamot sa’kin ito!”

“Tumigil ka nga, Dio!” singhal ni Kuya at mahinang tinulak si Kuya Dio. “Ang yaman yaman mo tapos magpapa-ampon ka pa dito?”

“Iyo na ‘yung Ferrari ko,” sulsol ni Kuya Dio at ngumisi. “Gusto mo ‘yon, diba?”

Kuya Zievo looked at him with his pokerface. “No thanks. I just bought my dream Lambo yesterday.” Nawala ang ngisi ni Kuya Dio at napalitan ng nguso.

“You bought a new car?” Tumawa si Dad at umiling-iling.

“Yes, Dad. Binigay ko po kasi ‘yung kotse ko sa Secretary ko. Malayo pa kasi ang bahay niya sa kompanya,” sagot ni Kuya.

“That’s so kind of you, Zievo.” Dad smiled. “Good work.”

“Anyway, Dio, you can stay here whenever you want.” Lumaki ang ngiti ni Kuya Dio dahil sa sinabi ni Mom. “Zievo wouldn’t mind.” Hindi na umangal si Kuya. Lumamon lang ito nang lumamon.

“This is your favorite, right?” Tinuro ni Wave ang pochero. Sumandok siya ng karne at nilagay sa pinggan ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

“How’s school, Zivienne?” Dad asked. I told him it was tiring and then I pouted. “Don’t pressure yourself too much, dear. Relax, okay?”

Ngumiti naman ako at tumango.

“Thanks for the meal, Tita.”

Pagkatapos magpaalam ay bumalik na kami ni Wave sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto bago umupo sa kama. Umupo rin sa tabi ko si Wave.

“You looked happy,” I commented when he smiled.

“Mhm. I’m always comfortable when I’m here. Ramdam kong welcome ako dito.” I can feel his hapiness kaya napangiti rin ako. “I’m not homeless but I think I’ve found another… home.”

Wala akong masabi kaya nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanya. Nakakagaan sa pakiramdam na unti-unti nang napapalapit sa’kin si Wave. Hindi naman pala talaga siya suplado o kung ano man ang tawag sa kanya ng ibang estudyante sa Maple High. He’s a soft person.

Pagkagising ko kinabukasan ay  natagpuan ko na naman ang sarili ko na naka-yakap kay Wave pero hindi ko na ‘yon pinansin. Dahan-dahan akong bumangon at pumasok sa banyo at naligo. Gising na si Wave nang makalabas ako. Nakaupo ito sa kama at naka-tulala sa labas ng bintana. Bigla itong lumingon sa gawi ko kaya napatabon naman ako sa dibdib ko. Nakatapis lang kasi ako huhuhu. Narinig ko pa itong tumawa bago ako makapasok sa maliit na walk-in closet.

Binilisan ko na ang pagsuot ng PE uniform dahil maaga pa dapat kaming pumasok para mabantayan sina Danica at Dior. Gusto ko na rin makita si Donna.

Nag-almusal muna kami bago lumabas. Sakto naman na pagsara ni Wave ng gate ay dumating sina Hazel at Shaun. Naka-kunot ang mga noo nila habang nakatingin sa amin. Maya-maya lang ay biglang ngumisi si Hazel. Manunukso na naman ‘to, sigurado ako.

“Bakit diyan ka rin lumabas, Wave?” Ngumisi rin si Shaun na parang aso. “Diyan ka ba natulog kagabi?”

“Tumigil kayo ha,” saway ko sa kanila na tinawanan lang ng mga ito. “Tara na nga. May gagawin pa tayo.”

AMONG US IWhere stories live. Discover now