"Nanay," nag-aalangan na tawag sa akin ni Haven, nasa likuran nito ang kaniyang Kuya Ethan at tahimik lang na nakatingin sa akin habang pareho silang may hawak na papel at lapis.

"May homework kayo? Do you want me to help you?"

Tumango ang dalawa kaya naman sabay-sabay kaming nagtungo sa sala upang doon gawin ang assignment nila.

"Ano ba iyang assignment n'yo hmm?" kinandong ko sila pareho sa magkabila kong binti saka namin sabay-sabay na tiningnan ang kabilang assignment.

Assignment no. 1

Draw a family tree and put your parents contact information below such as name, age, address, and contact number.

"Hindi naman s'ya mahirap Nanay, hindi lang po namin alam ang contact info ni Tatay," ani Haven.

"Or p'wede naman po Nanay na huwag na naming sagutan ito, if that makes you uncomfortable po," dugtong ni Ethan habang pareho silang masuyong nakatingin sa akin.

Minsan talaga nahihiya na ako sa mga anak ko, they always considered what I felt bago sila magtanong at manghingi. Hindi ko iyon itinuro sa kanila dahil kahit naman anong hingiin nila sa akin ay sigurado akong ibibigay ko.

"Gusto n'yo bang ilagay ang contact info ni Tatay?" nakangiti kong tanong sa kanila.

"Opo," magkapanabay na sagot nila.

"Okay, I'll dictate his contact info okay?" kinuha ko ang phone ko na nasa gilid para tingnan ang contact info ni Chaste.

"What's his name Nanay?" Haven enthusiastically asked.

"Chaste David Dela Torre," sagot ko sabay ngiti sa dalawa.

"We have the same first name and last name!" manghang komento ni Ethan habang mabibong nagsusulat. "Mine is Chaste Ethan Dela Torre!"

Sinabi ko sa kanila ang lahat ng contact information ng ama nila, habang nagsusulat ay nakikita ko ang saya sa mga mata ng dalawa. Kaya hindi ko maiwasan na isipin kung mali ba talaga ang naging desisyon kong pag-alis noon? If I stayed would the kids and Chaste have a good relationship? Maybe my son and daughter won't crave for their father.

"Nanay sa'yo naman po, anong full name mo po and contact info? We'll put you in our emergency contact," tanong ni Haven habang kagat ang dulo ng lapis niya.

"It's Bliss Aesira Montereal and my contact info are here," inilapag ko ang phone ko sa lamesa kung nasaan naka flash ang cellphone number ko. Kinopya iyon ng dalawang bata at nang matapos ay ibinalik sa akin.

"We're done na Nanay!" imporma ni Haven sa akin. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Can we watch a movie na po?"

"Of course! Let's have a movie date!" binuhay ko ang TV at naghanap ng magandang palabas sa Netflix na p'wede sa kanila. I was busy looking for a movie when Ethan hugged me.

"Nanay, are we going to meet Tatay someday?" tanong nito habang nakasubsob ang mukha sa tiyan ko.

"Do you want to?" balik tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang marahang pagtangi niya kaya naman napahinga na lang ako ng malalim.

"Ako rin Nanay I want to meet Tatay po," sabat ni Haven at nakiyakap na rin sa amin ng Kuya n'ya. Umayos ako ng upo sa sofa at masuyong tiningnan ang dalawang bata.

"I can't promise na mame-meet n'yo na si Tatay soon, but I'll try my best okay? Susubukan ni Nanay na hanapin at balikan si Tatay kung saan kami huling nagkita but I can't promise na mangyayari iyon agad-agad. It'll take time mga anak sana maunawaan n'yo muna sa Nanay okay?" sabay silang tumango sa akin matapos kong magpaliwanag.

"Love ba kami ni Tatay?" biglang tanong ni Haven habang nag-aantay kaming mag umpisa ang palabas.

"Of course, mahal na mahal kayo ni Tatay," sagot ko na para bang siguradong-sigurado na ako.

"Lahat ng magulang mahal ang anak, that's what our teacher told us right Haven?"ani Ethan sa kapatid tumango naman si Haven bilang sagot.

"Mahal na mahal kayo ni Nanay at Tatay of course. There are just some misunderstandings between me and Tatay kaya wala siya rito sa tabi n'yo. But I promise, I'll fix that okay, it'll be my birthday gift to the both of you," agad na naging Masaya ang dalawang bata, hindi na rin nila tinapos ang movie dahil tutulog na raw sila para mabilis na sumapit anv birthday nila.

Nang maiwan na ako mag-isa ay saka ako nilamon ng matinding pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ko uumpisahang hanapin si Chaste, o makakaya ko bang mahanap siya at maiharap sa mga anak niya limang buwan mula ngayon? Kung hindi lang dahil sa dalawang bata na alam kong gustong-gusto makita at makilala ang Tatay nila ay hindi ako mamomroblema ng ganito. I already expected this day to come but not this soon. Alam kong habang lumalaki silang dalawa ay hahanapin nila sa akin ang ama nila. Sana lang kapag nakita ko si Chaste ay kayanin ko na.

To be continued...
SeductiveLau

Haven in your Arms (AOTS)  COMPLETED. SOON TO BE PUBLISH UNDER PIP. Where stories live. Discover now