Minutes later dumating na rin ang teacher namin at nagsimula nang mag-turo.
Mabilis lang din naman para sa 'kin ang oras dahil ang hinihintay ko lang naman ay ang oras ng dinner.
Nang mag-lunch time na ay pumunta lang ako sa canteen at um-order ng food.
It's a two-slice pizza and an orange juice.
Actually this isn't enough for me but I don't want to be bloated. A 'Grand' dinner will happen later.

I was shocked to see another slice of pizza being put in my plate while I'm eating.
"Sa 'yo nalang 'to. Baka kasi galit ka pa sa nangyari kanina. Nasugatan ka pa" He said and pointed on my hand.
"'Di ako galit" I said. "Ganoon? Okay, so pwede ba akong umupo dito?" Sabi niya ulit sabay turo sa katabing upuan ko.
"Yeah, I guess"

"Ahhh... I'm Carlo nga pala, Si Maika ka 'di ba?" Bakit ba andami niyang tanong?!
"Yeah... May problema ba doon?" I don't know but to me it sounded sarcastic.
"Ah... wala naman" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hindi na ulit siya nagsalita pa.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa room at nagbasa nalang. I love to read books, especially the books about space and stars.
"Nagbabasa ka rin n'yan?" What the-
Siya ulit?! Kailan ba niya ako tatantanan?!
"Nakita mo naman 'di ba?!" I sounded mad kaya bigla siyang napa-sorry.

"Alam mo... Maganda ka" He said while looking at me.
"I know." I just shrugged and left him.
Hindi ba niya alam ang concept of personal space?!
"Umm... Ayoko na sanang guluhin ka pero kasi..." ayan na naman siya!

"What?!"
"May... May ano ka... May tagos ka, okay! Geez!" he said pero pabulong. Oh my God, bakit ngayon pa?! Arrrgh! Nakaka-inis talaga ang araw na 'to!
Mukha namang natunugan niya ang aking inis kaya hinubad niya ang blazer niya at itinali sa may torso ko.

"I have my own blazer." mariin kong sabi. "Yeah, but it's cold. Baka ginawin ka, may extra ako sa locker kaya don't worry about me." he said sabay alis at maya-maya ay bumalik rin.

What the heck?! May dala siyang sanitary napkin?!
"Take this. Sorry kung hindi yan with wings, naubos na kasi 'yong stock ko sa bag e." may stock siya ng napkin sa bag?

"You know what? You're weird." na-we-weird-an talaga ako sa kaniya. Sinong lalaki ba ang magdadala ng napkin sa bag? Siya lang!

"Umm, kadalasan kasi may mga friends akong babae na may period and halos lahat ay sa school nangyayari, para 'di na sila bumili, ako na ang nagbibigay sa kanila." he said, malakas ang pandama niya.

"O-okay... I'll just go to the restroom... And uhhh, can you please stay here?" I don't want anybody to see me in this condition!

"I'll stay." he answered

Mabilis akong naglakad papunta sa restroom at doon ay ginamit ko na 'yong napkin na binigay niya. That dumbass, he said na hindi with wings pero with wings pala ang binigay niya. I guess hindi niya alam ang mga ganoon?

Pagkalabas ko ng cubicle, ay inayos ko muna ang mukha ko, nag-pawis kasi ang mukha ko kaya naman nag-pulbos muna ako at nag-apply ng liptint sa labi.

Pagkalabas ko ng restroom ay naroon nga siya sa room namin, marami na rin ang tao roon pero siya lang ang aking napansin.

He's sitting there with his legs crossed, and reading the book I left earlier. May jawline pala siya... He's skinny yet bulky, parang average lang, gano'n. His hair is wavy na mahaba. Nang makita niya ako, ay napatayo siya at biglaang sinara ang libro ko at itinabi.

"Umm sorry, favorite genre ko kasi 'yong binabasa mo kanina e," he said when I got where he was. "It's fine, thank you for your help earlier. I appreciate it." I said, he was thoughtful, akala niya siguro magagalit ako sa pag-basa niya ng book ko.

"Do you want another copy of that? Meron ako sa bahay, if you want." I said, pasasalamat ko rin 'yon sa kanya.
"Weh?! E 'di sasabay ako sa 'yo mamaya?" hmmm, that's quite bothering pero I don't want to feel suffocated later, so I might just bring him.

Stars Series 1: Stars Will Be The WitnessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin