Umiling iling ako at ngumiti kahit na mayroong tumutulong luha sa aking pisngi. I cheered myself. "Ang babaw mo, Maureen. Nag tratrabaho sya para sa future nyo," Kinagat ko ang aking labi bago nireplyan ang message nya.

Babi 🤍
I understand babi
yayayain ko nalang
mga friends ko para
may magawa :)

Babi 🤍
Wag kang papapagod
I love youuuu c:

Bumalik ulit ako sa cr para mag bihis. Nag suot nalang ako ng pajama at inalis ang make up gamit at wipes na binili ko kaninang umaga sa mall para sana pang tanggal ko kung halimbawang may lagpas sa make up ko.

Nahiga at nag talukbong ako ng kumot bago matulog. Ito ang unang beses na matutulog akong mabigat ang puso.

~

Nagising ako sa mga mahinang bulong at malambot na hagikgikan. May naramdaman akong humaplos sa aking buhok at hinalikan ang aking noo.

"Shh, wag kayong maingay. Tulog pa si Maumau." Saad nito. Pamilyar ang kanyang boses.

Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng aking kama at tinignan ang paligid. Kumurap-kurap ang aking mata habang tinitignan ang tatlong bulto ng tao sa aking harapan. Nang marealize ay napanganga ako at dali-daling tumayo saka niyakap sila.

"Mama! Papa!" Niyakap nila ako pabalik. Naiiyak akong hinawakan ni mama sa pisngi. Samantalang si papa naman ay tumatawa ng mahina.

"Jusko, ang anak ko. Kumusta ka rito, anak?" Mangiyak ngiyak na pinunasan ni mama ang tumutulong luha sa aking pisngi. Natawa rin sya ng bahagya dahil raw ampangit ko.

Napalingon ako sa labas ng pinto noong humahangos na tumakbo sa amin ang nakababata kong kapatid na si Mariella

"Nahuli na ba ako? Ate i miss you!" Muka kaming tanga na nag yayakapan rito kahit na kaka-video call lang naman namin noong nakaraang araw.

NANDITO kami ngayon sa mini living room nang apartment na tinitirahan ko. Pinag uusapan namin ni Mama ang mga nangyari noong mag isa lamang ako rito. Kung gaano kapangit, at kung gaano kaganda.

Samantalang si Mariella naman ay nag presintang mag luto ng hapunan namin ngayon. Si tatay, lumabas para bumili ng juice at kape.

"Hay! Ang hirap talaga, nay.. yung tipong kelangan mong gumising ng maaga para mag handa ng kakainin, linisin ang apartment, lahat-lahat." Huminga ako ng malalim bago nag patuloy na mag salita. "Noong unang araw ko nga na mag isa e hirap na hirap ako. Hindi ko alam kung paano yung gagawin, roon, rito." Umarte pa akong hirap na hirap habang nag kwekwento kay nanay. Tahimik lamang itong nakikinig at kung minsan ay nag kokomento.

Natigil ang aming kwentuhan ng dumating si Tatay dala-dala ang orange flavor na juice. Tapos tinawag kami ni Mariella upang kumain na.

"Ate, eto oh, niluto ko favorite mo," Nakangiting saad ni Mariella. Ngumiti ako at pinuri ang niluto nya.

"Wow! Amoy pa lang masarap na."

Nag kwekwentuhan lamang kami patungkol sa lupa namin sa probinsya. Hanggang sa napunta sa akin ang usapan.

"Ikaw ba ate, may boyfriend ka na?" Nanunuyang ani ni Mariella habang pataas-taas ang kilay sa akin. Inirapan ko ito dahil alam ko naman nang alam nya ang sagot. Kahit na malayo kami sa isa't isa, palagi pa rin akong nag uupdate at nang-chichismis ng buhay ko sa kanya.

"Hmm.. oo nga pala anak. Kumusta si Xage?" Natigil ako sa pagkain nang mabanggit ni Nanay ang pangalan nya. Paano ko sasabihing pinaasa ako ni Xage?

Pinilit kong ngumiti at tinignan sya. "Ayos lang po."

"Nais ko sana syang makilala.." Bumundol si Tatay sa aming usapan. Naknang! Kung kailan gusto ko syang iwasan..

Hays!

"A-ahh. Sige po, Tay. S-sabihin ko po sa kanya mamaya," Saad ko. Bago pa man makapag tanong ulit ang aking pamilya ay nag bukas ulit ako ng panibagong usapan. "Gusto nyo pong mag libot rito sa Maynila bukas?" Ngumiti ako nang makita ang nanlalaking mata ni Mariella.

"Talaga ate!? Pupunta tayo ng mall??" Usisa nito at tumango naman ako na syang nagpa-tili sa kanya.

Natawa na lang din sila Tatay at Nanay saka umiling-iling na kumakain.

"Hay, ang mga dalaga ko, malalaki na." Saad ni Tatay.

~

Nagising ako sa mabangong amoy galing sa kusina. Nag luluto ata si nanay ng almusal namin. Hay! Miss ko na ang luto nya.

Humikab ako atsaka tinignan ang nasa gilid kong si Mariella na tulog na tulog habang malakas na humihilik.

Pag baba ay naabutan ko si Tatay na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo at nakikinig sa sinasabi ni nanay. Nakangiti ko silang pinapanood. Nang mapansin ang aking presensya ay tinawag ako ni nanay upang kumain.

Hindi ako nahiya na lumapit at yumakap kay nanay kahit na alam kong may muta ay laway pa ako. Palagi kasi nilang ipinaparamdam sa akin na maganda ako, inside and out.

"Tawagin mo na ang kapatid mo't kumain na tayo," Saad ni nanay at inilagay sa aming mumunting lamesa ang ulam na itlog at tuyo. Habang si tatay naman ay gumagawa ng sawsawang suka na may sili.

"Wow! Ang sarap naman nyan, Nay!" Excited na ani ni Mariella at umupo sa katabing upuan ko.

Sarap na sarap ako habang kumakain. Ngayon na lang ulit ako makakakain ng ganito, paano ba naman kasi'y walang nag bebenta ng tuyo rito. Tinatamad naman akong pumunta ng palengke dahil ang init at masyadong crowded roon.

"Nak, nasabi mo na ba kay Xage na gusto namin syang makilala?" Tanong ni tatay. Muntik na akong mabilaukan noong narinig ko nanaman ang pangalan nya.

Hay, kagabi habang nasa lapag ay tanong ng tanong si tatay patungkol sa boyfriend ko. Tapos noong bago kami matulog ay pinaalahaanan nya ulit akong sabihin kay Xage.

Siguro, dapat ko silang pag bigyan. Saka, mababaw lang naman na dahilan ang ikinatatampo ko kay Xage. Kailangan ko syang intindihin dahil iniintindi nya rin naman ako.

"Sige po, Tay. Sasabihin ko po sa kanya mamaya," Pinal kong saad upang hindi na sila mag tanong.

Bukas ko nalang sasabihin kay Xage, gusto ko kasing sa personal ko sya makita at yayain na ipakilala sa mga magulang ko.

Note: The next chapter will be the last chapter of this story po. Be ready for the epilogue :)

Poisonous Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon