Okay lang sana na hindi na siya bumati pabalik pero bumati naman siya. "Goodmorning mommy & daddy" ansaya ng puso ko kase napaka calm niya talaga magsalita, hindi ko ramdam yung galit niya samin. Ansarap sa tenga.

Humiwalay na ako sa pagkayakap at lalapit na sana kay manang para tutulong sakanya pero bigla ako hinila si kaianna para mayakap niya. Wait what? Ako yayakapin ni kaianna?

"Mommy magusap tayo mamaya." She said while hugging me.

"Bakit hindi naman ako kasali sa hug na yan" sambit ni greggy kaya napalingon si manang.

Kaianna open her arms para makayakap din si greggy at naintindihan naman yun ni greggy kaya lumapit siya agad.

"Wait stay like that, kukuhanan ko lang picture" manang said at linabas na yung phone nito para magcapture.

"Okay 1 2 3 say cheese" sambit ni manang kaya naman nagsmile lang kami after that humiwalay na si kaianna sa pagkakayakap at nagtungo sa garden para magpaaraw.

Lumapit naman na ako kay manang imee at tinanong ko kung ano ba pwede ko maitulong pero wala na daw tapos na daw kaya naman nagtungo na lang ako sa may table at inihanda ang mga pagkain dun.

Si greggy naman nasa sala na nanunood ng tv at ako inaayos na yung mga pagkain sa mesa. May nga angel naman na tumutulong sakin kaya mabilis lang ito, pagtapos nito nagtungo na ako sa taas para tawagin na sila at kakain na.

Naglakad lang ako papunta sa taas at inunang gisingin ang mga boys total sila yung pinakamalapit. Kumatok lang ako ng 3 na beses at pinagbuksan naman ako ni alfonso.

"Goodmorning anak, kakain na. Gisingin mo na kapatid mo at mga pinsan mo" i said tumango naman siya at nagtungo na agad sa mga pinsan niya para gisingin sila.

Sunod ko naman pinuntahan ang room kung san natutulog si bong at liza. Nagknock ako dalawang beses at pinagbuksan naman ako ni liza. Gising na ata talaga sila kaso hindi pa sila lumalabas sa room.

"Goodmorning, kakain na." Sambit ko

"Goodmorning, Sige sunod na lang kami sa baba" she said kaya nagtungo na ako kay mama meldy. Siya kase yung sa may dulo

I knock 3 times at pinagbuksan naman ako nng nurse niya. Gising na din pala si mama pero hindi pa sila bumababa. Pumasok na lang ako sa room ni mama at nagtungo sakanya para batiin at halikan sa pisngi.

"Goodmorning mama, kakain na po." Kiniss ko siya sa pisngi nito. "Goodmorning" bati niya pabalik at tumayo na para magtungo sa baba. Tinulongan ko lang siya tumayo at pinasakay sa kanyang wheelchair.

May mini elevator din naman tong bahay, sadya talaga para kay mama meldy kase nahihirapan na siya maglakad.

Sumakay na kami sa minj elevator at nagtungo na sa kusina. Si kaianna na lang yung kulang kaya naman tinawag ko na siya, nasa garden lang naman siya eh.

"Kaianna kakain na nak" pagtawag ko nito kaya napalingon siya at tumayo na para magtungo na sa kusina.

Naglakad na siya papasok ng bahay. Hindi na ako lumabas ng bahay, hanggang dun lang ako sa sliding door dahil malapit lang naman siya.

KAIANNA POV
Habang nagmumuni muni ako dito sa may garden tinawag ako bigla ni mommy para kumain na daw. Hindi ko padin talaga alam pano ako magsisimula jung pano sabihin kay mommy na bibigyan ko siya ng chance para bumawi ulit.

Naglakad na ako papasok ng bahay at nagtungo na sa upuan ko. Nasa tabi ko pala si mama imee at mommy irene magkabilaan tapos sa tabi ni mama imee si kuya matt and kuya borgy, kay mommy naman si daddy at kuya alfi.

Sa harap naman ni mommy si pops at nasa tabi ni pops si mama liza at si kuya sandro, kuya luis, kuya vinny, kuya michael at kuya simon

Si mama meldy naman nasa dulo ng table. After kami nagpray sinimulan na namin kumain at nagkwentohan. Masaya ngayon kase itong umaga na to ay parang bago lang sakin kase halos complete kami at ang saya namin, puro kami kwentohan at tawanan. Isinintabi ko din muna ang aking mga hinanakit.

FAVORITISMWhere stories live. Discover now