1

225 7 0
                                    

HYUCK


"Anong trip 'yan? Nasa'n si Marcus?"

Lumingon ako kay Renjun nang marinig ko ang boses niya sa likuran. Nakataas ang pareho niyang kilay at nakatitig sakin ng pa- 'Tangingang mukha'.

"Anong trip din 'yan?"

Nakatitig siyang lumapit at umupo sa tabi ko, hindi tinatanggal ang tingin. Halatang na-bwisit sa sinagot ko sa kanya. Nginisihan ko siya bago binalik ang tingin sa laptop na nasa harapan ko, nilingon niya saglit ang picture ng beach na nasa screen.

"Sakin mo na naman hinanap 'yan. Ako ba nag luwal do'n?"

"Hindi. Pero ikaw ang tubig, laman, dugo, at utak no'n eh."

Sumimangot ako sa sagot niya bago nilibot ang paningin sa baba ng balcony kung nasaan ang malawak na garden nila Mark. Nakita ko roon si Jeno na sinusuntok ang braso ni Jisung na tumatawa, si Jaemin na nakaupo sa damuhan, at si Lele na umiiling habang nakatitig sa dalawa.

Makulit na binunggo ni Renjun ang braso ko, ngumunguso at kinikibit pa ang balikat na parang gago. 

Malay ko ba kung nasaan ang gunggong na 'yon? Dapat ba palaging sakin niya hahanapin? Minsan nga wala na akong pakielam sa kung anong ginagawa no'n eh.

"Dali na! Nasaan ba? May itatanong kasi ako! Parang sira naman 'to."

"Hindi ko nga alam! Ikaw kasama ko rito, diba?"

Syempre, alam ko kung nasaan si Mark. Pero ayaw ko lang sabihin sa kanya dahil nakakatuwa yung bwisit niyang mukha, akala mong inapi nang sobra kung maka-arte.

Ang huling naalala kong sinabi niya bago umalis kanina ay may kukuhanin siya at may kakausapin. Hindi niya binanggit kung sino.. Pero  may ideya na ako agad.

Ayoko lang talagang isipin nang isipin.

Tanga lang ako, pero hindi ako bobo. Magkaiba 'yon.

Mahina akong tumawa nang ma-realize na kaya kong gawin 'yon pareho. Kasi sadista ako, gusto kong nasasaktan ako minsan.

Sabi naman ni Mama, parte lang 'yon ng buhay. Tsaka, hindi naman na bago yung sakit. Kumbaga, freebie nalang 'to e.

"Yung ngiti mo pang tanga." sarkastikong saad ni Renjun.

Tumawa ako sa kanya at umiling. Wala pa nga, alam na niya agad? Iba rin talaga 'to e.

"Alam ko na 'yan, Donghyuck. Yung mga ganyang ngiti mo, yung mga bagay 'yan na hindi ko magugustuhan." dinagdagan pa nga.

"Porket nagustuhan ka ni..." pang-iinis ko.

He gasped. Inirapan ko siya at tinuloy ang pagta-type sa laptop na nasa harapan ko. Nag scroll pa ako sandali para makita ang resort na pinindot ni Mark kanina.

Tinagilid ko ang ulo ko habang binabasa ang nasa screen. Hindi ko pa rin maintindihan kung anong trip ni Mark para mag-aya bigla ng swimming. Mag de-december na kaya malamig, tapos biglang beach at swimming?

Minsan kahit anong gawin ko, hindi ko talaga siya maintindihan. Tapos gagatungan pa nila Jeno na gustong-gusto rin magsipag-swimming. Parang mga ulol lang talaga.

Inalog-alog ako ni Renjun na tumitili pa rin sa tabi ko, "Ano? Para ka ring gago dyan e. 'Wag kaya kitang isama sa reservation?"

"OMG! Alam mo ring gusto ako ni Jaemin? Sinabi ba niya? Shet ka talaga!" pag-iinarte niya.

Isa pa 'tong tao na 'to. Mas pinasasakit niya talaga yung ulo ko kesa kay Mark.

"Siraulo ka ba, be? 5 years na kayo ni Jaemin, kung 'di mo natatandaan."

Gulat na gulat siyang lumingon sakin, hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Shet! Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan!"

Ma-drama akong humarap at sumabay sa kanya kasi siguradong kung hindi ako sasagot, hindi siya titigil, at hindi ko matatapos 'to bago pa sila magsi-akyat.

"Shet ka!" mahina ko siyang binatukan. "Buti nalang pinaalala ko! Muntik mo na makalimutan!"

Sinamaan niya ako ng tingin nang muntikan ng tumama yung ulo niya sa salamin. Tumawa ako at mabilisn a hinaplos ang buhok niya. Napaka OA talaga kahit kailan. Hindi naman ganon kalakas yung hampas ko.

"Tangina, maka hampas ka naman. Muntik na ko mawalan ng malay!"

Tinype ko ang pangalan nila sa reservation, "OA 'yan!"

Natatawa akong umiwas nang ambaan niya ako ng suntok na may gigil. "Siraulo ka! Susumbong kita kay Mark! Sasabihin ko cr—"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya nang tumingala sila Jaemin samin. Nagtaas siya ng kilay matapos makita si Renjun na nagpupumiglas sa tabi ko.

"Gago ka, sabing hindi ko siya crush!"

"Anong hindi? Anong hindi?"

Nilingon ko sila Jeno na tumatawa habang nakatingin samin. Sabay-sabay silang apat na naglakad paakyat kaya mas lalo kong pinatahimik si Renjun.

Ang gagong 'to, ipapahamak pa talaga ako.

"Sinong crush? May crush ka?"

Sabay naming nilingon si Mark na nasa likod ko na pala, may dalang tubig sa isang kamay at jacket sa kabila.

Kumunot ang noo niya sakin at ngumuso ng bahagya bago naglakad palapit sa tabi ko. He looked at me with a 'Ano meron?' face.

Umiling ako at binitawan si Renjun na dinidilaan na yung palad ko.

"Baboy naman neto!" sigaw ko.

"Papatayin mo ba ako? Nag ba-violet na 'ko rito!" sigaw niya pabalik.

Mark chuckled. Inirapan ko siya at inagaw ang kamay ko na hinihila niya para makita yung nasa laptop. Ngiting-ngiti ang mokong, akala mong naka tres e.

"Baka ikaw si barney kaya ganon." he joked.

Pinigilan ko ang tawa ko sa walang emosyong mukha at pilit na tawa ni Renjun sa joke niya, "Galing mo talaga mag joke, ano? 'Di ka mag singer?"

Malakas akong natawa,  "Buti nalang pogi ka."

"Pogi ba 'yan?" umismid ako.

Pinanliitan niya ako ng mata at bahagyang lumapit sakin, "Bakit? Hindi ba?"

Nanlaki ang mata ko. Bumelat ako pagkatapos makabawi sa ginawa niyang paglapit.

Muntik na humiwalay kaluluwa ko sa gago na 'to.

Ngumisi ako bago ginaya ang ginawa niya. Marahan ko pang hinawakan ang pisngi niya. Pinigilan kong matawa nang makita ang gulat niyang itsura.

Akala niya ah, ako pa gaganyanin mo?

"Hmm.." Tinitigan ko ang mukha niya.

Kingina. Pogi nga.

"Hindi masyado pero... pwede na." pang-iinis ko.

Sinimangutan niya ako at sumandal sa upuan, hindi inaalis ang tingin sakin. Tinaas ko ang kilay ko at tumawa.

"Sinungaling ka ata, Donghyuck."

"Ang baho ng Donghyuck!"

Narinig ko ang sarkastikong singhap ni Renjun. Mabilis kong kinurot ang hita niya.

"Tsaka na yung Hyuckie 'pag pogi na ako sa'yo."

Pogi ka naman talaga para sa'kin.

I shook my head, teasing him with a grin. "Asa ka."

Umiling din siya at inabot ang jacket na dala. Tinitigan ko iyon, nagtataka, kaya marahan niya nalang na binaba sa hita ko nang mapansin ang tingin.

"Jacket mo, malamig.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Hindi Pag-alala ; Ang PagsamoWhere stories live. Discover now