Benedict: "Ipapaalam ko ito kay John. Alam kong siya lang ang makakatulong sa atin. Para na rin maprotektahan ang mga bata." Sambit nito at sumang-ayon naman ako rito.
Jhoanna's POV:Today is the first day of our exam and tapos na ako sa schedule ko ngayon kaya nandito ako sa SSC building para magcheck ng mga papeles.
Ako lang ang mag-isa ngayon dahil hindi pa tapos ang ibang officers sa kanilang exam dahil magkakaiba kami ng schedule.
Naisipan ko namang tingnan ang mga approval papers namin para sa susunod na event na school trip.
Nagulat nga ako ng pinirmahan daw agad ni Head Master ang approval. Wala na siyang ibang ni-suggest dahil kompleto na raw ang mga nagawa namin at baka sumobra daw kapag dinagdagan pa niya, sabi niya ayon kay secretary.
Sobrang gumaan ang loob ko noong naka-usap ko siya sa stage. Sobrang gaan ng puso ko noon ng pinuri niya ako at ang mga kaibigan ko. Para bang kilalang-kilala niya kami.
Habang binabasa ko ang mga papeles, na-curious naman ako sa pangalan ni Head Master. Kaya naman chineck ko ang mga papeles ngunit ikinalungkot ko nang wala itong pangalan na nakalagay.
Puro 'Head Master' lang ang nakalagay rito. Haysss, akala ko makikita ko na name niya. Ngunit may mga pirma ito. Sa sobrang curious kong tao, tinitigan ko mabuti ang pirma nito.
"Teka, parang nakita ko na toh ah." Sambit ko habang sinusuri ng maigi ang pirma. Medyo mahirap gayahin ang pirma dahil madaming curve ito. Tila ba ang may-ari lang nito ang nakakaalam.
Ilang minuto akong nakatitig ng may nabasa ako sa mga curve na ikinakunot ng noo ko. "Lim? Imposible naman yata na pagmamay-ari ito nila Mikha kasi nasa Baguio ibang relatives non."
Hindi ako sigurado kung 'Lim' nga ba ang nakalagay doon dahil medyo nakakalito rin basahin. Ang malinaw lang sa pirma na iyon ay may initial na 'MJ'.
"Haysss, baka guni-guni ko lang toh."
*Tok tok tok
"Bukas 'yan!" Sigaw ko rito kaya pumasok naman ang taong nasa likod ng pinto na ikina-angat ng isang kilay ko. "Ano ginagawa mo dito?"
Stacey: "Siguro maglalaba." Sarcastic na sambit nito kaya sinamaan ko ito ng tingin at akmang babatuhin ng papel. "Joke lang! Hindi ka naman mabiro eh."
"Ano ba gagawin mo dito at ako ang naisipan mong kulitin? Sila ate Aiah nalang dapat kinulit mo or sila Sheena and ate Maloi." Sambit ko rito habang inaayos ang mga papeles.
Stacey: "Dami mo namang sinasabi. Saka, bakit mo ba ako tinataboy, friends naman na tayo diba?" Makulit na pagkakasabi nito.
"Wala akong maalala." Sambit ko dito kaya sinamaan ako nito ng tingin. Aba! Bumabawi lang ako sa mga pang-aasar niya sa akin noon!
Stacey: "Bakit ba ang sungit mo sa akin? Bakit sa iba ang bait mo?" Iritang tanong nito kaya napangiti ako. Kasi kung magiging mabait ako sayo, baka hindi na ako yung kulitin, asarin, at pagtuunan mo ng pansin.
"Makulit ka kasi! Ano ba talaga pakay mo at nandito ka." Kunwaring pagtataray ko rito.
Stacey: "Yayayain lang naman sana kita na maglunch tapos susungitan mo lang ako kaya nagbago na isip ko. Iba nalang yayayain ko, yung captain nalang ng basketball team." Maarteng sambit nito na para bang china-challenge ako habang hawak ang door knob at akmang lalabas. Dami talagang pakulo ng babaeng ito!
ВИ ЧИТАЄТЕ
The President's Daughter (Major Editing)
ФанфікиTwo opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending someone whose life is constantly in danger? Are you prepared to take risks for the person you love, ev...
Chapter 42 - Letters
Почніть із самого початку