" Hello, welcome to Hotel Del Luxe.
How can I help you today?" maganang pagbati sakin ng isang receptionist

" Ako po yung tinawagan ng manager para po mag linis ng office ni Sir Monfortte." mahinhin kong pagkakasabi.

"Wait, I'll just call the manager. What's your name?" Tanong sakin.

" Ako po si Chl-, ay ako po si Asteria Iana viorica." nautal kong pagkakasabi.

Muntik na yun, Napailing nalang ako.

He called the manager. "Hello, Ma'am Viorica, it's ok, just go to the 4th floor Room 261."

"Sge po, Maraming salamat po." nakangiting pagkakasabi ko.

" Your Welcome" sambit ng receptionist. At pumunta na ako sa elevator.

At nang makarating na ako sa 4th floor hinanap ko naman yung room.

nag masid- masid ako sa paligid. Tig ta- tatlong yung mga cctv kada floor.

At ng makarating ako sa room. kumatok ako bago ako pumasok.

Naka dalawang katok ako bago ako pagbuksan.

" Good morning po." pagbati ko. Ang nagbukas ng pinto sakin isang babae na formal yung suot niya.

"Good Morning Din sayo, ikaw ba si Miss viorica?" tanong niya.

" Opo Ma'am."

"Maupo ka muna." sabi niya at umupo na ako.

" Ako pala si Julia Rocero, assistant manager dito sa hotel, sya naman si Sir Lucas Trinidad ang manager."

"Hello po sir Lucas."nakipag shake hands ako.

"May gusto kaming sabihin sayo kung ok lang." sabi ni Sir Lucas.

"Ano po yun?" nagtatakang tanong ko. At nag katinginan sila ni Ma'am Rocero.

" meron kasing problema.... Pwede ba ikaw nalang yung maging secretary ng Ceo na si Sir Denvierr Monfortte." pakiusap niya sa akin.

" Oo naman po." ayan lang ang aking nasagot.

" may ilang katanungan lang kami sayo para makasiguro kami na maging safe si sir denvierr."

" ok lang po naiintindihan ko po kayo." sabi ko.

"ok, ilang kayo mag kakapatid?" seryosong tanong niya. Habang hawak niya yung resume ko.

" ahm, 5 po kami mag kakapatid, ako po yung panganay." pagsisinungaling ko.

Tumango- tango siya bago mag salita. " saan yung probinsya niyo?" tanong niya.

" sa samar po."

" ok, yun lang naman yung katanungan ko Miss viorica. Yung iba naman ay nasa resume mo na kaya wala na tayong problema don. Bukas pwede kana mag umpisa." nakangiting sabi niya.

"Maraming maraming salamat po sa inyo." binigyan ko sila ng pekeng ngiti.

At umalis nako.
Pupunta ako sa bagong bahay na binili ko dito sa may village.

Kaya dito ako titira para malapit sa hotel.

Pagkadating ko sa bahay ay nag timpla ako ng kape. Habang nag titimpla ako ng kape.

Napangiti ako dahil naging matagumpay ang plano namin.

Planado lahat simula ng tinanggap ako maging secretary.

Pagkatapos kong mag timpla na paupo ako sa may dinning chair.

Ganto kasi yun nong isang araw inalam ni alex lahat ng nagtatrabaho sa hotel nag pa check in siya sa hotel.

At nag back ground check siya sa mga nagtatrabaho.

Pinukos niya yung pag alam sa buhay ng secretary.

Siya pala si Chellzy Dhominggo halos 3years na rin siyang nagtatrabaho kay Denvierr,
Taga Bohol siya meron siyang nanay na may alzheimer's disease.

isang araw tinawagan si chellzy ng kamag - anak niya sa bohol na nawawala ang nanay nito.

Yun nagpadisisyonan ni chellzy na mag reresign na siya kasi kailangan siya ng nanay niya at gusto niyang makasama yung nanay niya habang nabubuhay pa.

Kaya ko nalaman lahat ng yan ay lahat ng janitor sa hotel del luxe ay kasabwat namin.

Narinig ng isang janitor ang mga balitang yan habang nag lilinis siya sa may hallway ng malapit sa office ni Denvierr.

At agad namang binalita sakin ng janitor.

Kaya hindi pa rin mahanap ni chellzy hanggang ngayon ang kaniya nanay dahil hawak na ni alex.

Nasa mabuting kalagayan naman yung nanay ni chellzy, pinapakain, binibihisan, inaalagaan dahil nag patawag ako ng nurse na mag aalaga sa kaniya.

Kaya naman hindi na ako nagulat ng i hire ako bilang secretary.

Pumunta ako sa mcdo. Oorder ako ng 1pc. chicken mcdo with mcfllury and fries. Di pa kasi ako nagtatanghalian. nang matapos akong kumain ay umalis na agad ako.

Pagdating sa bahay nasa sala lang ako nag scroll sa Ig, naisipan kong Stalk si Denvierr.
" oh! Meron pa itong instagram angas ah." bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko yung mga picture niya.

Medyo mukhang masungit na may slight na kapogian.

"Pogi?" tanong ko sa sarili habang tinitignan yung mga picture niya.

"eh mas pogi pa ako sakanya." pagkukumpara ko.

Nag scroll lang ako.

Hanggang sa makatulog.
Nagising ako ng 5:30 ng hapon.
Inayos ko na yung susuotin ko para bukas.

Ako lang mag isa dito sa bahay kaya medyo na bored ako kaya nanood nalang ako ng tv.pagkatapos ay kumain, nag shower, at natulog.

Nagising ako mga 6:30 Am. Nag asikaso para pumasok 7:45 am pa naman yung start.

Nakarating ako mga 7:35 am.

" Good morning po." bati ko sa guard pagkapasok sa hotel.

" Good morning din Miss Ganda." bati din ng guard.

Daretsho lang akong nag lakad at nakasalubong si Ms. Rocero.

"Hello po Ms. Rocero." bati ko.

"Hi Ms. Viorica, This is Sir Monfortte's schedule." inabot sakin ang isang clip board.

"Thank you po." sabi ko at pumunta na nga ako sa office ni Denvierr.

Kumatok ako sa pintuan.
"It's open." nag salita si Denvierr. At pumasok na ako sa loob


WILL CONTINUE~~~~~

Please don't forget to share, comment and vote and follow. I hope you like it! (≧◡≦)

Author: Moonlitmystique

---------------------------------------------------
--------------------------------------------------------

I'M YOURS ||ongoing Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt