05. "you're mine"

528 8 0
                                    

TAEHYUNG

"bakit naman ganun? puro na lang kasi ako insecurities, ayan napagod na siya!" halos mag lupasay na to si Jimin sa kakaiyak dahil sa kalasingan. Umuwi agad ako sa bahay pagkatapos ng insidente kanina sa restaurant at nagulat ako dahil inabutan ko siya dito na nag iinom. Palibhasa alam niya passcode ng unit ko at kilala na rin siya ng guard kaya mabilis na siyang makapasok.

"paano kung…" nakatitig ito sa akin na mapungay ang mga mata. "kung tayo pala sa isa't isa?" ngising sabi niya.

"Jimin kilabotan ka nga!" tabig ko sa kamay niyang nakahawak sa hita ko, hindi ko tuloy masabi ang nangyari sa akin kanina dahil mukha wasted na wasted siya.

"baby.. I love you baby! mahal na mahal kita." patuloy na sabi niya kaya tumayo ako para pumunta sa kusina ko at kuhaan siya ng malamig na tubig baka sakaling matauhan, siguradong nag away na naman sila ni Yoongi.

"baby!!" patuloy na sigaw niyang may halong tawa tapos maya maya ay iiyak para talagang baliw.

Habang kumukuha ako ng yelo ay may narinig akong nag doorbell, hays siguro umorder na naman siya ng alak… hindi talaga siya titigil hanggat hindi siya malunod sa kalasingan. Kanina ko pa tinatawagan si Yoongi pero hindi naman nito ako sinasagot.

"baby may bisita ka!" sigaw nito, pero binalewala ko ito.

"Taehyung! may magnanakaw, ayyy… aray! trespassing ka!!!" agad kong hininto ang ginagawa ko dahil mukhang hindi na ito nag bibiro.

Ng pagdating ko sa sala ay nanlaki ang mata kong nakatitig sa lalaking matalas ang mga titig na papunta sa direksyon ko.

"why are you…" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang nitong inangkin ang mga labi ko.

JUNGKOOK

wala akong pakialam kung sino pang Facundo siya basta ang alam ko ako ang nauna sa taong sadya ko ngayon, yun lang ang malakas na alas ko.

Tinabig ko ang lalaking paharang harang sa daan ko, "baby" irap na sabi ko.. ako lang may karapatan tumawag sa kanya nun, sabi ni Yoongi wala siyang boyfriend, ah baka isa mga ka fling niya lang tong nandito.

"aray hah! trespassing ka ah!" narinig ko pang sigaw niya, pero derecho lang akong pumasok at sakto naman ang paglabas ng taong kanina ko pa gustong makita kaya naman ay mabilis akong naglalakad papunta sa kanya at walang dalawang isip na inangkin ang mga labi niya.

Mahigpit ang hawak niya sa mga braso ko, halatang gulat na gulat siya sa ginawa ko.. sa mga oras na yun wala na talaga akong pakialam kung nakatingin ba sa amin ang boyfriend niya kung sino mang satanas siya, kung maghiwalay  sila eh buti naman…

Matagal kong inangkin ang mga labi niya bago  tuluyan itong pakawalan, at hindi pa ako nakuntento paulit ulit ko pa itong inangkin at hindi man lang ito tumututol.

"hoy teka nga!" hila ng lalaking kasama niya sa damit ko kaya nabitawan ko ang mga labi niya..

"kilala mo ba to? sino to? May boyfriend ka?" gulat na gulat tanong nito.

"mag asawa na kami, ako ang nauna sa kanya, ako ang naka virgin sa kanya." mabilis na sagot ko, mahirap na baka maunahan..

"what?!" takip takip nito ang bibig niya habang papalit palit ang tingin nito sa aming dalawa.

"ikaw ang mangingisda sa Isla na tumuhog sa kanya?"

"alam mo ang tungkol doon?" pati ako na rin naguguluhan.

"teka nga lang, bakit ka ba nandito?" singit ni Taehyung sa magulo naming usapan ng lalaking kasama niya, limang beses na kaming nagpalitan ng laway tapos ngayon lang niya nakuhang magtanong kung bakit ako nandito?

NO MAN IS AN ISLAND Where stories live. Discover now