04. Realization

422 8 0
                                    

AFTER 6 MONTHS

"TUCKER!!" isang matapang na boses ang umalingawngaw sa mala paraisong bahay na nasa gitna ng Isla.

"Irene, bakit ka naman kasi pumasok bigla dito sa kwarto?" kunot noo na tanong ni Jungkook sa babaeng nanginginig sa takot dahil anumang oras ay pwede siyang sunggaban ng asong galit na galit na kaharap niya.

Mula ng makilala ni Tucker si Taehyung ay mas lalong naging mabangis ito, walang sino man ang nakapasok na tao sa pamamahay ni Jungkook dahil umaga at gabi ay nasa bungad na ito ng pinto nakabantay. Nagkataon lang na kumakain ito ng hapunan ng dumating si Irene kaya hindi ito naramdaman ang pagpasok nito sa pinto pero hindi rin umabot ng ilang minuto ay umakyat agad ito ng kwarto ni Jungkook at galit na galit na pinapalabas ang dalaga.

"Tucker, calm down buddy I'll send her out… I promise." pakiusap ni Jungkook sa alaga nito dahil siya man ay hindi na nito pinapakinggan, minsan na itong may kinagat ng nagpadala ang mommy niya ng babae dito dahil nakita nitong hinalikan siya, tumalon ito mula sa pinto ng kwarto niya at agad na sinakmal ang binti ng babaeng kahalikan ni Jungkook.

"No buddy! No… I didn't expect her to come." todong paliwanag ng binata sa kanya ng pati siya ay galit na tinataholan nito at tila naintindihan ni Jungkook kung ano ang sinasabi nito.

"Irene no.. for God sake, wag ka lumapit sa akin kung gusto mong umuwi ng manila na buo!" iwas ni Jungkook sa dalaga ng dahan dahan itong humakbang papunta sa kanya.

"Jungkook bakit hindi mo na lang siya ipaalaga sa mga nag aalaga ng wild animals, nakakatakot siya, ayoko sa kanya!"

"paano kung ikasal na tayo don't tell me na ganito kami araw araw!" kunot noo na sambit nito.

"at sinong nagsabi na pakasalan kita? It was only my parents decision not my decision Irene, hindi ako magpakasal sayo!"

"Leave!!" galit na turo ni Jungkook sa pinto ng kanyang kwarto.

Unti unti namang lumapit sa kanya si Tucker at umupo sa tapat nito na nakaharap kay Irene at walang tigil sa pagtahol.

"I hate you, bakit ba gusto mong tumira sa boring na lugar na 'to? kahit kailan hindi kita maintindihan! look at yourself Jungkook para ka ng pulubi, ni hindi ka nag aayos."

"ewan ko ba bakit ako nagtitiyaga na puntahan ka dito samantalang may marangya akong buhay sa Manila."

"magsama kayo ng aso mong halimaw!" galit na talikod nito at padabog na lumabas ng silid.

Buntong hininga si Jungkook na umupo sa kama at bigla umamo ang itsura ni Tucker at hinarap siya nito bago tinaholan.

JUNGKOOK

"aish, you're always like that, ayoko nga may makasama tucker, hindi ka ba masayang kasama ako?" kunot noo na kinakausap ko ang alagang aso ko na para itong tao, well ganito kami araw araw mula ng napadpad dito yung lalaking pangalan ay Karl.

Alam kong gusto ni Tucker ipahanap ito pero lagi ko siyang tinanggihan dahil hanggang ngayon buo pa rin ang pasya ko na hindi mag asawa, mas gusto ko ang ganitong buhay, mag isa lang at walang iniintindi na ibang tao.

Pero aminin ko man sa hindi, hindi ko maitanggi sa sarili ko na wala ng ibang laman ng utak ko nakalipas ang anim na buwan. Hinanap ko siya, I've been asking my mom about him pero sinabi niya sa akin na wala siyang pinadala ng gabing yun dahil nga sa sinabi ni Irene sa kanya.

ilang beses na rin akong pumunta ng bar mag isa  trying to convince myself na baka sex deprived lang ako kaya palagi siyang nasa isip ko, palagi kong naamoy ang amoy niya, hinahanap ko ang lambot ng balat niya.

NO MAN IS AN ISLAND Where stories live. Discover now