Nag-stay pa kami doon ng ilang minuto at saka bumalik na sa cottage namin.

Nag-stay pa kami doon ng ilang minuto at saka bumalik na sa cottage namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinabukasan ay namamaga ang mata ko kakaiyak. Naunang pumunta sa cottage si Kayden kahapon kaya pagkaalis niya ay umiyak pa ako.

Naglagay ako ng makapal na concealer sa eyebags ko. Hindi halata ang kulay nito pero mataba ang eyebags ko.

Nang maayos na akong tingnan ay lumabas na ako ng CR.

Pumunta ako sa cottage kung nasaan sila at kumuha ng kape. 

Hindi ako makatingin kay Hikaru nang madaanan ko siya. Tinitingnan naman niya ako pero hindi pa akong handang harapin siya.

Napansin naman ni Dusk na mag-isa lang ako kaya nilapitan niya ako.

"Celeste, okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at ngumiti.

"Okay lang ako. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi." Paliwanag ko.

"Siguro namamahay ka kaya hindi ka makatulog. Ito, gusto mo ba ng tinapay? May dinala silang tinapay dito." Sabi niya at inabot sa akin ang tinapay.

"Salamat." Sabi ko at kumuha ng isa.

Nakaupo lang kaming dalawa doon.

Nang matapos na kaming lahat kumain ay bumalik ako sa cottage namin kung saan nakalagay ang kites namin ni Dusk.

Kahit na wala ako sa mood na magpalipad ng kite ay gagawin ko pa rin ito dahil surprise ko ito kay Dusk.

Lumabas na ako dala-dala ang daalwang kite.

"Mayroon din kami!" Sabi ni Colette at nilabas nila ang kanila.

This vacation was supposed to be fun kaya pipilitin kong maging masaya ngayon.

Lumapit ako kay Dusk.

"Dusk, I have a surprise for you!" Sabi ko at pinakita sa kanya ang dalawang kite.

"Dusk, I have a surprise for you!" Sabi ko at pinakita sa kanya ang dalawang kite

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(credits to the owner)

Nagsimula na kaming magpalipad ng kite. Tumakbo ako para lumipad ang kite. 

Once Upon A BookWhere stories live. Discover now