CHAPTER 30(BONUS CHAP)

Start from the beginning
                                    


Did we just look like spies? Masyado bang halata sa suot namin? Well, since magkapatid nga kami, pareho namin nagustuhan ang theme ng outfits namin. Though medyo halata but it also a party dresses. Nagpasalamat at nagpaalam na rin kami kay Aia pagkatapos. Then umuwi na kami after. We've just waited until 6 PM came. 7 PM kasi ang simula ng welcoming party at kailangan nakahanda na kami before seven.

*Time Checked: 5:45 PM*

Naligo na kami at naghanda. Sasabay samin sa pagpunta sa mansyon ni Jacob sina Stefan pero hindi sila papasok sa loob. Mag-aabang lang sila sa di kalayuan doon if ever na may mangyaring masama sakin o samin. Ipinaliwanag naman na sakin iyon ni Stefan at sumang-ayon na lang ako.

6:30 PM na ng matapos kami sa paghahanda kaya tinawagan na ni Hailey si Stefan para sabihing paalis na kami dahil may 30 minutes na lang kami bago iyon magsimula. Iisang sasakyan lang ang gagamitin namin since sabay naman kaming papunta doon. Naglight make-up lang kami para hindi masyadong makapal. Welcoming party naman yun hindi birthday party. Baka mapagkamalan pa akong naliligaw na clown doon >.<

*tok*tok*tok*

Bumukas ang pinto at pumasok si Manang. Saktong tapos na rin kami mag-asikaso ni Hailey.

"Ang gaganda nyo, mga iha. At andyan na rin si Stefan kasama an mga kaibigan nya. Hinihintay na lang kayo sa labas ng mansyon. Nakaparada doon ang sasakyan nila. Bumaba na kayo, ha?"-saad ni Manang kaya tumango na lang kami.

"Sige po, Manang. Pakisabi po palabas na rin kami ni Ate."-saad ni Hailey. We grab our purse before saying...

"We're ready."-we said in unison while facing ourselves in the mirror. Bumaba na kami tsaka nagpaalam na kay Manang.

"Mag-iingat kayo, Zavie."-bilin nya samin.

"Opo, Manang."-sagot ko bago kami makalabas. Pumunta muna si Hailey sa garahe para kunin ang sasakyan na gagamitin which is yung kotse nya habang ako naman pinuntahan ang sasakyan nila Stefan kung saan nakaparada habang hinihintay ko si Hailey. Tumapat ako sa bintana ng kotse ni Stefan at ibinaba niya iyon kaya nakita ko na nakaupo sa passenger's seat si Jasper at yung tatlo naman ay nasa backseats. Kumaway sila sakin kaya nginitian ko sila.

Nakashade si Stefan kaya ibinaba nya iyon tsaka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Napangisi sya dahil doon. 

"Can you please stop staring at me like that?"-I said and looked away. Jasper chuckled ng makita nya kung paano makatingin sakin si Stefan.

"Voss, let me remind you. She's not your wife yet. Calm your nerve down."-Jasper stated and tapped his shoulder.

"She's gonna be my wife soon, Jasper. ONLY MINE. We have to go. Allison is already here. Hop on her car now, Zavanya. We're going after you."-he said before closing the window. Lumingon ako sa likod at nakababa na ang bintana ng sasakyan ni Hailey.

"Tara na, ate. Malapit na magsimula yun."-sabi niya kaya sumakay na ako sa passenger's seat. Ipinaandar na niya iyon habang tanaw ko mula sa side mirror na nakasunod samin sina Stefan.

"Nasaan na nga pala yung mga gagamitin natin?"-tanong ko sa kanya.

"Nasa likod ng kotse, ate. Don't worry, kasay naman iyon sa purse natin para di nila mahalata kung anong laman nun. And by the way, let's act normal there. This is gonna be a long night battle tapos kasama ka na namin."-she said.

******

After 30 minutes, we arrived at Jacob's mansion. Sunud-sunod na dumating ang mga dumadalo sa welcoming party. Halos lahat ng NCA students. Pero hindi ko lang alam kung binigyan din ba nila sila Stefan ng invitation cards o sadyang hindi na nabigyan. Ipinarada ni Hailey sa tabi yung kotse. 

I FELL IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (MAFIA SERIES #2 COMPLETED)Where stories live. Discover now