Prologue

16 0 0
                                    





" Teresa, anak! "





Mula sa pagkaka sandal sa puno ng mangga ay rinig na rinig ko ang sigaw ni Nanay. Sadyang matinis at malakas ang boses nito dahil na rin sa trabaho nito sa palengke lalo na kung nag tatawag ng mga mamimili.






Inilapag ko muna ang hawak kong itim na kuwaderno at lapis na kasing laki na lang ng mga daliri ko pero magagamit pa rin naman.






" Si Nanay naman, tinatawag pa akong ganoon! " tampo ngunit malumanay kong bungad dito.






Ngumiti ito at ibinigay ang isang basket na gawa sa rattan na punong-puno ng sariwang bangus at mga gulay.






" Iyon naman talaga ang tawag ko sa'yo dati pa. Saka dalhin mo 'yan sa mansiyon ng Salazar at kapag tinanong ka ng guard ay sabihin mong anak kita at ipinapabigay ko ito kay Ate mo Pasing."






Kinuha ko ang basket na ito at medyo may kabigatan para sa katawan kong hindi naman malaki at mataba. Hindi naman ako mataba pero masasabing payat ako, iyon bang madalas na katawan ng mga bata ngunit hindi naman pangit tingnan.






" Sige po, Nay."






Sa tapat ng aming bahay ay ang napaka lawak na bukid. Puro ito puno ng mangga, santol, akasya, at bayabas. Sobrang ganda rin dito at madalas ay pag shooting-an ng mga artista sa kanilang mga palabas. Dito ako madalas gumawa ng aking asignatura dahil sa presko at magandang tanawin. Nagtitipid din kasi kami sa kuryente kung gagamit pa ako ng electric fan.






" Blaire! " dinig kong tawag sa akin.





Nakita ko si Mico. Si Mico ang isa sa mga kaibigan ko ngunit hindi siya madalas dito dahil malayo nang ka unti ang bahay nila rito sa bukid at papagalitan siya ng kaniyang Mama.






Tumingin ito sa mga dala-dala kong basket. " Saan mo dala 'yan? "








Natawa ako. He's half pinoy and half american. Hindi pa siya ganoon kasanay sa pagsasalita ng tagalog pero magaling maka intindi.






" Sa mga Salazar lang, diyan sa gitnang bahagi ng bukid. Iyong may pinaka malaking bahay? "






Lumingon ito sa bukid at natatanaw mula rito ang dalawang palapag na mansiyon ng mga Salazar. Sila ang pinaka kilalang pamilya rito sa Bataan dahil sa yaman nila. Hindi mo naman talaga iyon maipagkakaila sa sobrang lawak ng kanilang lupain. Ang balita ko nga ay sila ang may ari ng buong bukid na ito at balak patayuan ng mga bahay.





" Can I go with you? " He asked.





" Are you sure? It's a bit far from here, baka mamaya ay hanapin ka na ng Mommy mo." paninigurado ko. Madalas kasing ako ang hanapan ng Mommy niya sakaniya at pinag sabihan na akong dito lang sa tapat dalhin si Mico.






He nodded. " Yeah, it's still 3 pm. I'm sure Mommy will not seek for me. She usually start finding me when it's 6 in the evening so no worries, Blaire."






Nagsimula na kaming mag lakad at mag turuan ng mga tagalog na salita. Sa akin lang din ito talagang natuto dahil hindi raw siya masiyadong tinututukan ng kaniyang Mommy at madalas Ingles din ang salita nito dahil nasa bahay nila ang kaniyang Daddy.






" It's my first time to see their Mansion, you ba? "






Natatawa akong lumingon dito. He's so conyo.






 The Reality of Perfection (On-hold) Where stories live. Discover now