Chapter 1

46 2 0
                                    

"Prinsipe Zed Harrison, wait for me!" Sabi ko habang nahihirapan sa pagpapatakbo ng aking sinasakyang puting kabayo.

Lumingon siya sa akin tas ngumiti na nakahuhumaling. Kuya, kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko sa 'yo, huwag mo naman akong ganyanin.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi habang niliko niya ang kanyang kabayo papunta sa akin.

"Oh, Prinsesa Veronica. Nagbablush ka naman." Sabi niya nung sinalubong niya ako. Mas nagulat ako nung lumapit siya sa taenga ko at bumulong,

"Sige, ipagpatuloy mo lang. Nahuhulog ako lalo eh." Mas uminit ang pisngi ko nang malapit niyang hinarap ang mukha sa aking habang ngumingiti siya kasabay ang kanyang mata. Oh my gosh, sana hindi ito panaginip.

Umayos siya sa pagkakaupo sa kanyang kabayo at tumabi lang sa akin. Napatingin naman ako sa mabatong daan habang naglalakbay kami. Naalala ko yung proposal niya. Alam kong bata pa ako, labintatlong taon pa pero sigurado akong kaya kong i-handle 'to.

"U-uhmm.. K-kuya."

"Hmm?" Nakatingin lang si kuya sa harap ng daan habang ako naman ay nahuhumaling sa kanyang jawline na mas lalong nagpainit ng aking pisngi.

"Y-yung tungkol sa proposal mo sa kasal natin na sinabi mo simula pa noong nakaraang taon. Or in other words - last year. Nakapagdesisyon na a-ako." Tumingin ako sa tanawin ng aming lupain sa aking kaliwang banda. Napansin kong tumingin siya sa akin na naghihintay ng sagot.

"U-uh.. Ano yung tungkol doon, Prinsesa Veronica?" Nahihiya niyang tugon. Mas lalo tuloy akong nahiya sa gusto kong sagutin sa kanya.

Pumapayag ako. Payag na payag! Wala akong pake sa sinasabi ng mga magulang ko sa akin. Sigurado naman akong papayag sila sa aking desisyon. Ako pa na kanilang only child. Ha, masyado akong maganda para tanggihan nila!

Atsaka, sigurado akong pabor sila kay Kuya Harry. Alam ko ang nararamdaman ni Kuya Harry sa akin. Hindi bilang kapatid, hindi bilang kaibigan, kundi bilang mahal. 'Di kami tao, hindi rin kami hayop. Bagay kami! Posporo pa, para MATCH kami.

"P-pumapayag ako." Mas lalo tuloy akong tumingin palayo na parang 'di mapakali. Naku, naku, Railey. Umayos ka nga. Nahihiya ka na nga, mas lalo mo pang pinapahiya sarili mo.

Naramdaman kong may dumampi sa aking pisngi. Jusko, nasaan na ang kaluluwa ko? Pakiramdam ko wala na ako sa mundo. Tulong!

Hinay-hinay akong tumingin sa kanya. Oh my gosh, he's looking at me deeply. Papalapit ng papalapit siya sa aking napakafabulous na mga labi, napapikit ako sa kanyang ginawa. Malapit na malapit na lang talaga nang nagulat ako sa nakakairitang ingay na gumugulo sa aking tainga. Nagising ako kaagad.

"Kainis! Malapit na kaming magkiss ni Fafa Harry roon. Ba't kasi panaginip pa iyon? Kainis, kainis, ainis! Ugh!" Pasigaw kong sabi dito sa kwarto habang nagdadabog. Wala namang makakarinig sa aking pag-eemote rito lalo na't soundproof ang kwarto ko.

Ginulo ko ang aking buhok habang napapatapon sa aking mga unan sa kama lang. Ayaw kong madumihan eh. Kukunin lang yan ng maruruming kamay ni Franchesca Concepcion. Ba't ko pa pinsan yun? Yan tuloy pabor na pabor sila tatay at nanay sa kanila samantala sa akin, HINDI!

Padabog akong humarap sa pintuan ng banyo at marahas na kinuha at tinapon ang aking suot na hoodie, shorts, bra at panty. Anong pake ko? Sila naman din maglalaba at kukuha niyan eh. Ako ang prinsesa rito sa bahay. Dapat ako ang masusunod!

"Muchacha Franchesca! Kunin mo mga damit ko rito sa kwarto. Labhan mo ng maigi. Maggloves ka baka magkagerms or di ko na susuotin muli!" Effort kong pagsigaw galing sa pintuan. Oo, nakahubad lang akong pumunta at binuksan ang pintuan para sabihin lang ang mga iyon.

Wait A Minute, Ako Si Inday?! [Hiatus]Where stories live. Discover now