Napalingon ako sa gilid noong may narinig akong sumigaw roon. Si Josh, tumatalon talon sa tuwa habang humihiyaw na parang nanalo sa loto. Napangiti ako, ngayon ko lang kasi syang nakita na nakangiti. Bawas angas ka, boi.

"Ate! Matatalo kana, oh!" Kinalabit ako noong batang lalaki na nagpabalik saakin sa reyalidad. Nag lalaro rin pala ako ngayon ng Pac-Man.

Gusto ko sanang laruin iyong basketball kaso hindi ako makapag concentrate. Kapag kasi nakikita ko sa peripheral vision ko ang busangot na muka ni Winard ay napapabungisngis ako.

Kaya eto nalang Pac-Man ang nilaro ko. Maganda rin naman sya, kaso medyo boring. Idol ito ni papa noon dahil sa kagalingan nyang mag boxing. Hindi ko nalang alam ngayon kung idol nya pa rin. Ilang buwan ko na rin kasing hindi nakaka kwentuhan si papa.

"Gusto mo mag laro?" Saad ko sa bata. Sya nalang ang papalaruin ko rito. Muka kasing gusto nyang mag laro kaso wala syang pambayad.

Ibinigay ko nalang sa bata ang pwesto ko at binigyan sya ng barya para mag laro. Pag katapos ay pumunta ako roon sa may mga video games, malapit kay Josh.

"Hahaha! Akala mo, ah! Boom, pre! Patay ka sa 'kin!" Tawa ng tawa si Josh, bumelat pa sya sa nilalaro nya. Mukang tanga lang.

Napatawa ako ng malakas dahil imbes na mapatay nya ang kalaban, sya ang namatay. Hahaha! Masyado kasing confident, eh.

"Hahahaha! Boom, deserve!" Tumawa kaming dalawa pero noong narealize nya ang boses ko, bigla syang tumigil kakatawa.

"S-sienna, andyan ka pala.. Kanina ka pa?" Kinakabahan nitong saad. Bakit ba sya kinakabahan? Takot ba sya na nalaman kong natalo sya sa video game o takot sya dahil nakita ko syang tumatawa?

Imbes na masagot ko si Josh, napatawa ako dahil naalala ko ang muka nya kanina noong nanalo sya. Dinilatan nya ang nilalaro nya!

HINDI matanggal ang ngiti ko habang kumakain kami. Pag katapos ko kasing mahuli si Josh ay nahiya sya kaya nag aya ng umalis. Si Winard, nakabusangot ang mukang umalis. Paano ba naman kasi'y nakagastos sya ng mahigit limang daan! Kami lang ni Shella ang masaya.

"Uy! Gwapo, oh!" Nag ning-ning ang mga mata ni Shella nang may makita syang gwapo sa counter. Tinuro-turo pa nya ito. Nakakahiya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Winard at agad na binalingan ng tingin ang lalaki sa counter. Noong mahanap ng kanyang mata ang lalaki ay napatakip sya sa kanyang bunganga.

"Omyghod! Daks 'to, Shei! Tignan mo!" Nag bulong-bulungan ang dalawang gaga habang sinusuri ang katawan noong sinasabi nilang gwapo.

Napa iling-iling nalang ako sa kawalan at pinag-tuonan nalang ng pansin ang selpon habang hinihintay na dumating ang order naming pagkain.

Nilingon ko si Josh sa aking gilid dahil mukang tumahimik nanaman sya. I still can't believe na may ganoon syang side! Ang cute!

Nagulat ako noong nakita ko syang nakatingin rin saakin. Hindi lang basta tingin, muka kasing minumurder nya na ako sa isipan nya! Aba, sorry naman kung nadiscover ko yung ganoon mong side, 'no!

Pero noong nakita nyang nakatingin rin ako sakanya ay bigla syang umiwas. Ano, ha. You're the man, but i got the power! ~

Umayos na kami ng upo noong dumating na ang pagkain.

"Winard, ikaw mag lead ng prayer." Seryosong saad ko. Nagpipigil ng tawa si Shella kaya sinamaan ko sya ng tingin. Alam nilang ayokong pinagtatawanan kapag patungkol sa Dios ang usapan.

Tawa kami ng tawa habang nakikinig sa kwento ni Winard.

"Sabi nya, "Sugar level, po?" Natunganga ako, beh! Gago! Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko non kasi first time ko lang naman mag order ng mga bonggang milktea!" Ginaya pa ni Winard kung paano sinabi noong babae. Kaya tawa kami ng tawa. Nanlalaki kasi ang kanyang mga mata habang nag kwekwento.

"Hahaha! Oh, edi ansabi mo?" Tanong ko habang hawak-hawak ang tiyan. Sumasakit na ito sa kakatawa.

"Sabi ko, "Uhm, kayo nalang pong bahala." Grabe beh! Yung tingin saakin noong babae parang sinasabi nyang "Weirdo ka!" Kaya ayoko na talagang mag order sa mga sikat na milktea shops! Nakakahiya. Yung porma ko pa naman noon pang yayamanin!"

Si Shella ngayon ay hindi na makakain kakatawa, muntik pa syang masuka. Si Josh, naka poker face lang. Ngumingiti kapag natatawa kami.

Pagkalabas namin ng mall ay alas dose na. Nag aaya pa si Shella na mag study date daw kami sa condo nya kaso sinabi kong uuwi na ako kasi may lilinisin pa ako sa bahay. One hour pa naman bago ang exam kaya iidlip muna siguro ako ng mga 10 minutes pag dating sa bahay.

Poisonous Love Where stories live. Discover now