"Minahal kasi ni Nikko si Rhianne ng higit pa sa bagay na meron sa kanila. At pakiramdam niya, wala nang nagmamahal sa kanya, walang nagpa-pahalaga sa kanya. Hiwalay kasi ang magulang niya, di ba? Tapos naiwan pa ng boyfriend. Haaay. Poor Rhianne." Dagdag niya pa. Tiningnan ko siya ng masama.

"At paano mo nalaman ang mga yan?" Naiirita kong sabi.

"Ugh, kinwento ni Nikko?" Sabi niya in a matter of fact tone. Niyakap niya ako habang naglalakad kami. "Wag ka nang magselos. Ikaw lang naman ang mahal ko."

Ahihi. Kiligz.

Pumunta na kami sa pinaka-malapit na fast food chain sa ospital at kumain doon.

**

Mike's POV:

Lumabas ako ng room ni Gab para magpahangin muna dahil simula kagabi, nang mabalitaan kong nasagasaan siya habang nagbi-bike, hindi pa ako umuuwi. Dinalhan ako kanina ni Faith ng pagkain dito. Dumalaw na rin sila Mama dito at pinagdala ako ng damit. Nang makalabas ako ng kwarto ni Gab, nakita ko na nakaupo doon si Nikko. Nang mapansin niyang nandoon ako, tumingin siya sa akin. Gusto kong maawa sa nakita kong sakit na nararandaman niya, pero sa tingin ko, wala siya sa posisyon para kaawaan ko. Si Gabby ang naargabyado dito.

Kung kanina at kagabi, nagawa kong pigilan ang sarili ko para saktan siya dahil alam kong mas may karapatan si Greg na gawin iyon, narealize ko na ako ang best friend ni Gab simula noong anim na taong gulang pa lang kami. Siguro, may karapatan rin akong ipamukha sa kanya  lahat. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Sinuntok ko siya gamit ang natitirang lakas ko kahit na pakiramdam ko, wala na akong lakas dahil hindi pa ako natutulog at halos wala pa akong nakakain.

Lumingon sa akin si Nikko na nakahandusay sa sahig at nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya. May nga sugat at pasa pa siya na galing kay Greg.

"Akala ko mapipigilan ko pa ang sarili kong saktan ka, Nikko. Kaso sa tuwing nakikita ko yung pagmumukha mo, paulit-ulit nitong ipinapaalala sa akin ang kagaguhang ginawa mo kay Gab." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Gawin mo lahat ng gusto mo. Huwag mong pigilan ang sarili no. Tutal, deserve ko naman lahat ng yan, eh." Walang enosyon niyang sabi.

Nainis ako sa narinig ko kaya sinugod ko sita at kinwelyuhan. Para naman siyang walang pakialam sa ginawa ko. Parang ito pa ang gusto niyang mangyari.

"Tangina ka, Nikko. Ano bang nangyayari sayo?! Bakit mo nagawa kay Gabby yon?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayokong masaktan ng paulit-ulit si Gab."

Sinuntok ko ulit siya matapos kong marinig ang isinagot niya.

"Gagong gago ka na ba talaga, Nikko?! Sinaktan mo na si Gabby, tapos yan ang dahilan na sasabihin mo sa akin?!"

Tinulak ako ni Nikko palayo at nakita kong tumulo ang luha niya.

"Mike, anong gusto mo? Paulit-ulit na masaktan yung taong mahal mo, o biglain mo na lang siya sa bagay na hindi niya inaasahan at kailanman ay hinding hindi niya aasahang mangyari? Ginawa ko yun dahil ayokong maramdaman niya ang nararamdaman ko, Mike. Ginawa ko yun dahil gulong-gulo ako. At ginawa ko yun kahit alam kong may posibilidad na hindi na niya ako mapatawad. Masakit! Pero ginawa ko parin kasi ayokong maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko!" Sigaw sa akin ni Nikko.

Hindi ko makuha ang pinupunto niya, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, pero alam kong napagdaanan ko na ang gulong nararamdaman niya.

"Tangina, Mike. Di ko na kaya." Sabi niya at umiyak na ng umiyak.

Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak. Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya. Pero may isang bagay ang pumasok sa isip kong itanong sa kanya.

HBB2: Her "Perfectly Imperfect" Boyfriend [2014]Where stories live. Discover now