Prologue

92 2 0
                                    

This is purely fiction. All of what I typed here comes from my mind.

--

"Muchacha! You better prepare my uniform na. Dapat mabango siya at walang gusot. Atsaka dapat, manang, maayos na iyon within three minutes. Kung hindi mo iyon magagawa, sasabihin ko kay mommy at daddy na papaalisin kita sa beautiful and wonderful mansion of us. Oh, ano pang hinihintay mo riyan, manang? Go na!" Palasigaw na sambit ng isang babae na animo'y nasa labing-isang taong gulang pa lamang.

"Jusko, ikaw'ng bata ka. Sana naman makinig ka sa magulang mo. Magsabi ka naman ng magic words diyan, Rayray. 'Di ko yan gagawin ang pinapagawa mo. Yun ang sabi ng mommy mo." Malambing na sagot ng kanilang katulong na nasa dalawampu't walo na taong gulang pa lamang.

"So what, muchacha? Katulong ka lang. And I'm not a kid anymore. I'm eleven years old na, ELEVEN. Hurry up, time is running! Malalate na ako sa school. Baka 'di ko naman makasabay si Prince Harry papunta roon. It hurts me, you know?" May papahid pa sa gilid ng mga mata na sambit ng dalagita. Akalain mo, 11 years old, tumataray? Ay posible nga pala.

"Hay nako, baby Rayray. Pasalamat ka ako ang naging tagapangalaga mo at kung hindi, malamang iniwan ka na nila sa kalsada. Magsuklay ka na nga. Malapit ka nang magdalaga pero buhok mo naman parang pambata." Hinimas niya ang magulong buhok ng dalagita, agad naman iyong tinampal. Ngumiti lang siya.

"Don't touch me with your filthy hands. My hair's messed up na! I hate you." Sabay nguso ng batang babae habang patakbong pumunta sa kanyang kwarto. Patuloy na ngumiti ang dalaga at kinuha ang uniporme ng kanyang alaga. Pinalantsa niya iyon roon malapit sa kanyang kwarto.

"Hay. Sa tingin ko talaga 'di na magbabago ang batang iyon, Francisco. Tingnan mo, umagang-umaga inaaway na naman ang pamangkin mong si Franchesca. May pinagmamanahan talaga eh, no?" Buntong-hininga ng ina ng bata habang nakangising umaakbay sa kanyang asawa na si Francisco. Nakasuot siya ng kulay ubeng damit na pormal at may dalang bag na kulay puti na kumikinang samantala ang lalake naman ay nakapormal na American suit.

"Reminds me back on my old days. Haha. Buti natiis mo ako, Hailley mahal." Feeling bata nilang sambit habang nilalambing ang isa't-isa.

"Hay nako, tito't tita. 'Wag niyo nga yang gawin sa harapan ko. Porket 'di pa ako nagkakaboyfriend sa edad kong 'to ang gumaganyan na kayo." Palabirong sabi ni Franchesca.

"Don't worry. Alam naming naghihintay lang yun sa tabi-tabi, Franchesca. Oh, ayan na pala si Railey anak."

"Mommy, is my uniform ready?" Tiningnan niya si Franchesca ng nakataas ang kilay at inirapan.

"Yes, Rayray. Here it is, oh. Magbihis ka na." Inabot ng dalaga ang uniporme sa dalagita. Tinanggap niya naman iyon at ibinigay sa kanyang mommy ang uniporme at nagpabihis sa kanyang kwarto.

"Mommy, if Kuya Harry will propose to me to be his girlfriend, is it okay to accept it agad?" Nagulantang ang kanyang mommy sa kanyang narinig.

"Kanino mo iyan narinig, anak? Bad yan para sa age mo. Dapat hindi ka pa tinuturuan ng ganyan."

"Sa friends ko po. May boyfriends na sila mommy, eh. Masaya po ba magkaboyfriend? Sa tingin ko po ang saya-saya nila eh." Mas lalo tuloy napamulat ng mata ang kanyang ina. Gulat na gulat ito sa sambit ng bata.

"Nung nasa edad mo pa lang ako, paglalaro pa lang ng piko alam ko. Juskopo." Tahimik na sambit ng ina habang napalagay ng kanyang palad sa kanyang noo.

"'Di pa pwede sa age mo yan, Railey." Tumingin ang mag-ina sa pintuan kung nasaan nakadungaw ang kanilang daddy. "Siguro pag 18 years old ka na namin papayagan ng mommy mo." Tumabi sa pagkakaupo ang kanyang daddy habang inaayos niya ang kanyang nakataling buhok.

"Bakit hindi na lang po ngayon, daddy?"

"Masyado ka pang bata, Railey. Marami ka pang makikilala. Besides, you should enjoy your childhood! Hindi mo na iyon mababalikan pag nasa age ka na namin ng mommy mo." Hinalikan ng kanyang daddy ang noo ng kanyang anak. "Dali, ihahatid ka na namin sa school mo. Susunduin ka lang namin ah?"

Tumango ang dalagitang Railey at tumakbo papalabas sa kanilang malaking bahay. Nakita ng kanyang ina na pumasok ito sa kanilang sasakyan habang hawak-hawak ang kanyang cellphone ng parang masayang nagtetext sa kanyang kaibigan.

"Kahit na ganyan po ang ugali niya, tito, tita, alam ko pong balang araw, maiintindihan niya po ang mga bagay na plano niyong gawin siya kanya." Sambit ni Franchesca habang binibitbit ang bagpack ni Railey.

"Malapit na ang nakatakdang panahon, Hailley. Hindi na ako makapaghintay." Binigyan niya ng halik sa labi ang kanyang asawa at sabay na tumungo sa kanilang sasakyan ng nakangiti.

---

Siguro around 20 chapters lang 'to. Still, the next chapters will be on Railey's point of view. Support me please then I'd like to ask for your feedbacks. Thanks!

Wait A Minute, Ako Si Inday?! [Hiatus]Where stories live. Discover now