“Sorry,” she said. “Hindi na po mauulit.”

Nilingon ko naman si Shaun at napansing namumula ito. Palihim naman akong ngumisi nang mapagtantong nagseselos siya. Hayss…

“Ah guys, mauna na kami ni Shaun ah. Tuturuan ko pa siyang pumana,” I said and chuckled. Hinila ko si Shaun patayo. “Gusto niya kasing masungkit ang puso ng isa diyan hihi.”

“Mabuti ka pa, Zivienne. Alam mo kung sino ang gusto ng damuhong ‘yan,” nakangusong saad ni Hazel. Humagikhik naman sina Paris at Donna kaya napatingin sa kanila si Hazel. “Alam niyo rin?” she asked them. Kumibit-balikat lang sila at nagpatuloy sa pagkain.

“Bye guys!” Hinila ko na si Shaun papunta sa Archery Room na nasa kabilang building. Archery room is meant for Maple High Archers. The room is also open for everyone who wants to learn or do archery.

Sinimulan ko nang turuan si Shaun pero habang ginagawa ko ‘yon ay tinutukso ko siya. Nginungusuan niya naman ako kapag hindi niya natatamaan ang center.

“Ako naman.”

I positioned myself and released the arrow. I heard a ‘woah’ from Shaun when I hit the center.

“Ang galing talaga,” puri niya. “Anyway, Zivienne, kung sakali bang may nagawa akong mali sa’yo… I mean sa inyo, will you forgive me?” he asked in a serious tone which made me face him.

“Why did you asked?” kunot-noo kong tanong.

“Naisipan ko lang itanong,” he replied, maintaining his serious expression.

“Hmm…” Napaisip ako. “Well, depende sa nagawa mong mali,” sagot ko at ngumiti. “Kung may mabuting rason ka naman para gawin ang pagkakamaling iyon, then we will forgive you.”

“Paano kung—“ I cut him off.

“I trust you,” I said. Bakit ba siya ganito? Kinakabahan ako kapag nagiging seryoso siya eh.

“What if I broke your trust?” he asked again.

“Why? Do you have plans on breaking it?” tanong ko pabalik. Yumuko naman ito at dahan-dahang umiling. “If ever you break my trust, I will forgive you. I… I will trust you again.” I smiled. “Same goes with Donna, Hazel and Paris.”

“If ever they break my trust, I will still forgive them. I will still trust them,” patuloy ko. “Because I know that there’s a good reason behind it.”

“Paano kung hindi maganda ang rason namin? Paano kung taksil talaga kami? Mapagbalat-kayo? Paano kung… n-niloloko ka lang pala namin? Niloloko lang pala kita? Paano kung kinaibigan lang kita dahil may plano akong masama sa’yo?”

Napatawa ako kaya nagtataka itong tumingin sa’kin pero agad din namang yumuko ulit. “Si Shaun ka nga talaga,” iiling-iling kong saad. “Iyan ba ang itchura ng may planong masama sa’kin? Lumalambot sa harap ko?”

“We’ve been together for so so long. I have been there for you during your ups and downs and you have been there for me during my darkest moments,” I added. “At ni hindi mo nga gusto na napapahamak ako eh. Mas gusto mo pa na ikaw nalang ang mapahamak kaysa ako.”

“You have saved me so many times already and it is enough for me to trust that you won’t do anything that could put me in danger…” Ngumiti ako sa kanya kahit hindi naman niya nakikita. “I think, kapag sinira mo ang tiwala ko sa’yo, mag-aaway kami ni trust,” tatawa-tawa kong saad.

“Kasi pagkakatiwalaan pa rin kita kahit sinira mo na siya.” I looked at him. “I will keep looking for beautiful reasons to defend you just so you could get it back. My trust.”

AMONG US IWhere stories live. Discover now