Did...I even deserved to be happy when I am with them? Should I lower my guard without being backstabbed after?

I felt like I...I...I am thinking in a never ending paradox. What should I believe? What should I even do? How should react? What if they—

I shook my head and let those thoughts slip away. Dumako na lang ang aking mga mata sa labas.

Hm? Bakit parang pamilyar ang daan na 'to? Hindi ako pwedeng magkamali. Pupunta kami ng school? May nakalimutan ba siyang gawin na activity? Knowing these two, malabo silang magkaroon ng kulang sa activities. Unless...

"Huwag mong sabihing magpi-picture taking tayo sa may park sa malapit." The other two seems talking about something since they both switch their heads.

"Actually, I want to eat somewhere nearby," Alcantara replied.

"Fast food?" Jasmine tilted her head in confusion.

Utak fast food na si Ms. Delos Reyes. I sighed. 'Yun na lang ba ang comfort food niya? Delikado 'yun kapag nasobrahan.

"Lu..."

I blinked thrice. My eyes aren't deceiving me right? Wow. Nag-uutal si Alcantara.

"Lu..." Her expression crumpled. Para bang nahihiya siya sa susunod niyang sasabihin. I thought she would blush, but it's pure frustration.

"Lu...ano bang "lu" na sinasabi mo?" Jasmined furrowed her brows.

"Lugaw... Gusto kong kumain ng lugaw."

Lugaw? Ang alam ko lang sa sarili ko ay hindi ako makaporma ng tamang expression. I glanced to Jasmine and all she did was make her mouth slightly opened.

Kung pagbabasehan ko ang expression niya ay parang gusto na niyang sumigaw. Pero sigurado akong hindi niya 'yun gagawin.

"Kuya! Para na po!" sabi ng katabi kong lalaki. He seems around his 30s.

Dahil nasa tapat na kami ng school ay sumabay na kami sa pagbaba. Nawe-weirdohan lang ako sa mga nagaganap. Wala bang lugawan sa malapit kina Alcantara?

Pagkababa namin ay naglakad nang mabilis si Alcantara. Parang hindi siya makaharap sa'min. Bilang mga mababait niyang kaibigan ay hindi na lang namin binuksan ang topic na 'yun. Tahimik kaming naglakad, tumawid sa highway at nagpatuloy hanggang sa makarating kami sa isang lugar na medyo liblib.

Wow. Paanong nalaman ni Alcantara ang lugar na 'to? Nakakabigla lang na napadpad kami sa daan na pati ako ay hindi rin alam na eksistido pala.

"By the way, paano mo nalaman ang lugar na 'to?" Jasmine finally spoke my inner thoughts. "It's surprising that you know a place like this."

"Honestly, I don't know. You can say it's a memory from a long ago." 

Great, so her embarrassment has finally disappeared. Though, her answer wasn't convincing at all. What an enigmatic person. 

"So here we go."

Napatingin ako sa isang two story na bahay. Malawak siya kaysa sa inaasahan ko. Berde ang interior walls nito at naka marble tiles ang sahig. Mula rito ay kita rin ang mga kumakain. Pati na rin ang hagdan sa pinakadulo ng lugar. Sa harapan ng counter ay mga upuan kung saan pwedeng kumain. 

"So...dito mo trip mag-lugaw?" I asked. Pumasok na kami sa loob ng lugawan.

Kung tutuusin ay medyo swerte kami ngayon dahil wala masyadong kumakain. Kung meron man...may coed na magtropa sa bandang dulo. Nagkukuwentuhan sa mga bagay-bagay at nagtatawanan. Hindi naman siguro abala 'to sa may ari.

When The Night Sky Becomes LivelyWhere stories live. Discover now