Chapter 28

19.5K 748 457
                                    

SPG: Sexual content ⚠︎

WHEN Marilyn observed Diego giving Brayden a dagger-like stare while they were having a photoshoot session, she felt uneasy.

Para sa kanya ay hindi na bago ang magsuot siya ng isang lingerie dress dahil iyon naman talaga ang sinusuot niya sa tuwing matutulog siya.

The red long night lingerie that she's wearing was not too revealing for her pero para kay Diego ay sobra na iyon.

Ngayong sobrang magkadikit ang katawan nila ni Brayden na nakasuot lamang ng boxer shorts at lantad ang matipuno nitong pangangatawan ay hindi rin niya maiwasang mailang doon.

Brayden was staring at her while grasping her hips na utos ng photographer na si Helga para sa anggulo na gusto nitong makuha sa kanila sa photoshoot. She needs to stare back at Brayden and be professional dahil trabaho lang naman ang ginagawa nila at wala iyong malisya.

"Nice shots, Brayden and Marilyn. Now, Brayden, hold Marilyn's nape as if you're going to kiss her." utos ni Helga matapos silang makuhanan ng ilan pang shots.

Napatigil naman si Marilyn sa sinabi ni Helga at awtomatiko siyang lumingon kay Diego.

She was alarmed to notice that Diego appeared to be losing control of his rage as he's looking at Brayden na nakangiti lang sa kanya at hindi pinapansin si Diego.

Hindi niya alam na may ganito palang side si Diego. Ngayon lang niya nakitang magalit ang binata dahil kilala niya itong kalmado at tahimik lang katulad ni Israel. She had no idea Diego was a possessive and jealous type of man.

Magsasalita na sana si Marilyn nang bigla siyang kabigin ni Brayden at pinulupot ang braso nito sa leeg niya.

Walang inutos si Helga na hawakan nito ang bandang side boobs niya pero ginawa pa rin ni Brayden iyon. He bend over her at titig na titig ito sa kanya.

"You're so lovely, Marilyn," Brayden remarked, his gaze fixed on her.

"Stare at Brayden, Marilyn." Helga said kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos nito.

Tinitigan niya ulit si Brayden at sinuri ito. This guy is handsome and hot na may pagkakahawig kay Brayden Bradshaw.

Coincidence nga dahil kapangalan rin nito ang model na iyon. May mga tattoo sa braso ang lalake at mas marami iyon kumpara sa tattoo sa braso na mayroon rin si Diego.

Girls can easily fall in love with Brayden, but she is uninterested in him. Aware siya na may ibang pakay ang lalake sa kanya kaya kailangan na niyang layuan ito pagkatapos ng photoshoot nila.

Nasa paligid lang nila ang manliligaw niyang si Diego na baka any time ay sumabog na.

"Perfect!" Helga exclaimed matapos rin ng ilang oras nilang photoshoot ni Brayden.

Kaagad siyang humiwalay kay Brayden na magsasalita pa sana at nagtungo sa pwesto ni Diego na sinuotan siya ng dinala niyang long coat.

"I'm sorry for that, Diego. Kailangan lang talaga na mukhang maging couple kami ni Brayden sa photoshoot dahil 'yon raw ang concept sa pictures namin." Marilyn explained immediately.

Tumango lang si Diego at umupo sa monoblock chair at hindi ito nagsalita.

"Are you mad?" tanong ni Marilyn at umupo sa kandungan ni Diego na nagulat naman sa ginawa niya.

Napalingon sa kanila sila Helga, Kikay at ang iba pang staffs dahil sa ginawa niya. Si Brayden ay lumingon rin sa kanila at tinignan sila ni Diego.

"H-hindi naman ako galit, Marilyn pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi magselos dahil sobrang magkadikit na kayo ng kapartner mong modelo. Kung titigan mo rin siya ay parang may gusto ka sa kanya." ani Diego na hinawakan naman ang hita ni Marilyn at hinaplos ito.

Marilyn and the Seven MonroeWhere stories live. Discover now