"Hindi naman kasi madali ang gagawin natin, kailangan natin na makuha ang tiwala ng mga nakapaligid ni sakuragi after that pag mukhain natin na masama si aki after." Saad ni lesley na kinasinghap ulit ng tatlo




"H-hindi ba parang ang sama ng gagawin natin para doon sa tao, wala naman siyang ginagawang masama satin e." Nahihingtakutang saad ni miya na umiiling iling pa, napaisip ang tatlo ng ilang segundo at pagkaraan ay napabuntong hininga.



"Wala na tayong ibang pagpipilian kundi ang mapalapit sa lahat." Frustrated na saad ni lesley



"What if doon nalang tayo mag aral sa okaido, para sure na araw araw natin siyang makikita diba?" Biglang suggestion ni hinata na kinatuwa naman ng tatlo.



"Teka! Hindi tayo papayagan ng mga magulang natin na malipat ng ganon ganon nalang." Tila nawala ang kasiyahan nila sa sinabi ni akemi



"Heh! Ang dali lang non e. Edi magpa expulsion tayo at kapag nangyari iyon maililipat na tayo." Saad ni lesley na tuwang tuwa pa sa sinasabi niya.




"Sige ganon nalang gawin natin tutal para sa kaligayahan natin ito." Saad naman ni hinata na kinatango tango naman ng tatlo.

Maya maya pa ay muling nag simula ang laban, hawak ni mitsui ang bola habang binabantayan siya ni sakuragi na nakapokus sa ginagawa nito.



"Ang astig niya kapag seryoso no?" Saad ni miya na kinikilig pa



"Sinabi mo pa," tugon naman ni lesley

Sa ibaba naman kung saan naipasa ni mitsui ang bola kay shin agad itong umatake sa depensa ni rukawa na mabilis din naman nitong nasusundan kaya wala din itong pagpipilian kundi ang ipasa kay miyagi ang bola. Nang maipasa nito ay wala namang sinayang na pagkakataon si miyagi at agad na inatake ang depensa ni takasugi, nag fake jump shot ito dahilan para masundan siya ni takasugi patalon, ngunit mabilis lang na nawala si miyagi sa harapan nito.



nag hiyawan ang mga taong sumusuporta sa shohoku at muling nag cheer para sa mga ito. Binabaybay ni miyagi ang naglalakihang player kesa sakanya at walang takot itong nag didribble sa harapan ng mga ito. Napaka linis rin nang pag ball handling nito habang kumikilos ng mabilis na halos ikalito ng nagbabantay sakanya.


hanggang sa mapunta siya sa ilalim ng ring nila upang itira ito nang biglang humarang si tetsu sakanya dahilan para matigilan siya sa pagtira. Ipinasa niya ito ng madalian kay mitsui pabalik mula sa tres at ititira narin sana ng walang ano ano'y tig block lamang ito ni sakuragi na walang kahirap hirap.



"KYAAAAAH! ANG GALING MO SAKURAGI!!!" Sigawan ng apat na babae na tumatalon talon pa mula sa bench.


Nagulat sila sa narinig at maging ang ilang player na nanunuod ay napatingin doon. Maging si shinichi maki ay napatingin sa direksyon ng mga ito at nang makita ang kapatid niya ay gulat na gulat siya dahil wala siyang kaideya ideya na nandito pala ito at chicheer pa nito si sakuragi.




"Si miya? Anong ginagawa ni miya dito?" Tanong ni nobunaga



"Wala rin akong ideya, pero dapat sa mga oras na ito ay nasa school ito para sa competion nito na volleyball." Saad ni maki na tinignan ang mga kasamahan nito.



"mukhang kasama niya rin ang mga kaibigan niya, mga anak mayaman iyon diba?" Usisa ni jin na naging malapit na rin naman kay maki at miya, maging si sendoh ay kaibigan din nito dahil sa laban noon sa ryonan.




"mukhang nandito sila para sumuporta... teka!? Kay sakuragi?" Gulat na saad ni nobunaga na binabasa ang nakasulat sa banner na hawak hawak ng mga ito.



"Wala naman akong problema kung sino man ang nagugustuhan niya pero sana wag naman niyang pabayaan ang pag aaral niya. Lagot talaga siya sakin mamaya." Saad  ni maki na tinignan pa ng seryoso ang direksyon ni miya



Tila nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan si miya ng hindi niya malaman na dahilan. May kung anong kilabot siyang nararamdaman na tila may nakatingin sakanya ng masama kaya napalunok siya at nagpalinga linga hanggang sa mapatingin siya sa direksyon ng kainan kung saan nandoon ang kuya niya na nakatingin na pala sakanya. Nangilabutan si miya sa nakita at napahawak pa sa braso ni akemi




"patay!" Nagulat si akemi sa narinig kay miya



"Sinong patay?" Tanong ni akemi sa malakas na boses



"Lagot ako kay kuya mamaya, nakalimutan ko na nanunuod din pala siya ngayon. Tapos ang ingay ingay pa natin dito." Mangiyak ngiyak na saad ni miya



"Haha. Hirap kapag may kuya ka no? Buti ako wala." Masayang saad ni lesley



"heh, anong wala. Di'ba pinsan mo si ikegami." Natigilan si lesley at pagkaraan ay ngumiwi.



"Heh, wala naman iyong pakialam sakin. Kaya ayos lang din." Sagot ni lesley




"Sabihin mo nalang sakanya ang totoo kesa naman amg sinungaling ka tas malalaman din naman niya. Mas lagot ka kapag ganon." Saad ni hinata na kitango na lamang ni miya.



magbalik tayo sa mga naglalaro, naisupalpal nga ni sakuragi ang bola na ititira sana ni mitsui kaya lumipad ito palayo. Hinabol ito ni takasugi kaya nang makuha ay aga nitong itinira ng jump shot, tagumpay nitong naipasok ang tira.

Okaido 87
shohoku 70


"heh! Wala na kayong pag asa na maabutan pa kami mitsui. Pitong minuto nalang ang natitira bago matapos ang laban na ito." Saad ni sakuragi na nakangisi.

"Wala naman akong pakialam pa kung matalo kami, nandyan naman si coach para iguide kami hanggang huli. Marami pang pagkakataon at sa pagkakataong iyon sisiguraduhin--." Hindi na natapos ni mitsui ang sasabihin ng lumapit si sakuragi sakanya at bumulong.




"At sisiguraduhin ko na matatalo ulit kayo sa pangalawang pagkakataon. Pag dumating kasi ang araw na iyon, iyong walang kwentang sinasabi mo isa nang kilalang basketball player sa buong japan." Saad ni sakuragi na nanunuya pa at pagkaraan ay tumawa ng mahina.



"Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sayo kaya salamat  mitsui, dahil sa panlalait mo lumakas ako." Dagdag pang muli ni sakuragi bago ito tinapik sa balikat.




******
(a/n: wew! Drain na drain na utak ko. Yan nalang ang natitirang eksena na naisip ko para lang may maupdate ngayong araw. Jusme! need ko talaga ng pampalakas.. haha! Salamat parin po sainyo at sa concern messages niyo towards me..i really appreciated it.. bukas ulit pilitn ko ulit mag update para sainyo guys. Sana suportahan niyo parin ako.)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now